Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Gulayan sa Likod Bahay

Araw ng Sabado,walang pasok sa paaralan at opisina


.Abala sina Mang Rudy at Allan sa paglilinis ng bakanteng lote sa
kanilangl ikod bahay. Naghahanda ang mag-ama sa lupang
pagtataniman nila ng sari-saring gulay.”Mainam ang may gulayan
sa likod-bahay,may mauulam na tayo,mayroon pa tayong pera
kapag namunga ang mga ito”,wika ni Mang Rudy sa anak.

“Durugin mo ang lupang nabungkal,alisin moa ng maliliit na


bato at damo.Kunin mo tuloy ang pisi at tulos,susukatin natin ang
hanay ng lupang pagtataniman upang maging pantay ang
gilid”,utos ni Mang Rudy sa anak.

Maya-maya ay dumating si Aling Rosita kasama ang anak


na babae.”Magmeryenda muna kayo,may inihanda kaming
malamig na juice at bibingka,paborito mo ito Allan”,nakangiting
iniabot ni Aling Rosita ang baso ng juice sa mag-ama.Masayang
pinagsaluhan ng mag-anak ang dalang meryenda nina Aling
Rosita at Karina.

Pagkatapos kumain,muling nag-utos si Mang Rudy.”Sunod


mong gawin ay haluan mo ng compost ang lupang pagtataniman
natin ng punla,ihanda mo na rin ang mga buto ng mga gulay na
ating itatanim”.Maayos na nasunod ni Allan ang lahat ng utos ng
ama.

Papalubog na ang araw nang matapos ng mag-ama ang


kanilang ginagawa.”Bibilang lamang tayo ng ilang linggo at luntian
na ang ating lupang taniman”,ang masayang pahayag ni Mang
Rudy.

You might also like