Balagtasan 8

You might also like

Download as rtf, pdf, or txt
Download as rtf, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Pagtatangkilik sa mga Koreano, Nakakatulong o

nakakasabagal?

Lakambini:

Isang malugod na pagbati dito sa silid-aralan,

Binibini't mga kapwa kong kamag-aral sa eskwelahan,

Tara na't saksihan ang aming balagtasan,

Tagisan ng mga makakata't matatalinong sagutan.

Pagmamahal sa mga Koreano ang tema at paksa,

Tanong ngayon sa ating ng ating mga madla,

Pagmamahal nga ba'y nakaktulog sa ating bansa,

O wisyo'y nawawala dahil sa kanila?

Dalawang binibining magsasalita,

Dalawang kampong maglalaban sa iisang paksa,

Damdamin ay ilalabas ng bawat isa,

Sa bawat tindig na sasabihin nila,

Unang kampong magsasalita,

Sumasang-ayon siya sa paksa,

Adhikain ipaintindi sa mga madla,

Dahil walang masamang magmahal ng mga banyaga.

Positibo:

Mapagpalang hapon sa mga gwapo't maganda,

Sa aking mga kaklase at sa aking maestra,

Ang pangalan ko ay si Allyssa,

Hatol ko ay pagsang-ayon sa paksa.

Sa panahon natin ngayon mga kababata,


Mapabata ka man o kaya'y matanda,

Uso'y napakalaking bagay sa ating bansa,

Na dapat nating sinasabayan kasama ang bansang korea.

Hindi ko na makakaila ang ibang lahi,

Na gustong-gusto ng mga madla ang mga lalaki,

Hindi mga simpleng lalaki kundi,

Ang mga koreanong kutis ay maputi.

Mga koreanong lalaking tumatakbo sa aking isipan,

Kahit saan pa man ako pumunta kung saan-saan,

Kahit anong bagay, kahit saan ang aking gagawin,

Ay nasa isipan ko ang mga iniidolong lalaking magmamahal sa atin.

Lakambini:

Punto niyang isinabi,

Ang pagtangkilik ay walang mali,

Sa mga puntong iniidolong koreanong lalaki,

Kanyang unang opinyon ay kanyang naipamahagi.

Ngayon ay ang kabilang kampo ang magsasalita,

Laban sa naunang nagsalita sa madla,

Bagama't salungat adhikai'y iisa,

Patunayan ang punto sa ngayon din at magsalita ka na.

Negatibo:

Magandang hapon sa inyong lahat,

Ako'y babati nang matapat,

Ang panig ko ay pasalungat,

Sapagkat ang mga Koreano ngayon ay mga sikat.

Ako si Louise mula sa Valenzuela,


Ang ating kultura ay nakasanayan na,

At nang dumating ang mga tao mula sa Korea,

Ang ihip ng hangin ay nag-iba.

Mahirap magtiwala sa taong manloloko,

At baka ang iba ay ang mga Koreano,

Gamitin natin ang isip at puso,

Sa pagpili ng dayuhang tapat at totoo.

Hindi porke't sila'y sikat sa madla,

naturingang iniidolo na ng masa,

Kailangan ba natin na mahalin sila,

At tangkilikin ang kanilang wika at kultura?

Lakambini:

Dalawang panig ay nagbigay na ng opinyong totoo,

Kinasa ang mga dahilang mula sa puso,

Upang iparating ang sari-sariling punto,

Sa madlang pag-asa ng bayang ito.

Positibo:

'Yung mga dayuhang inyong kinukutya,

'Yung mga dayuhang inyong sinasabihan ng masama,

'Yung mga dayuhang inyong tinatawag na bakla,

Ngunit lahat ng iyon ay inyong mga akala.

Simula noong narinig ko ang kanilang mga pangalan,

Sa isip at puso ko ay itinanggap ko nang walang pag-aanlinlangan,

Ang mga lalaking itong sikat na sikat sa eskwelahan,

Pati na rin sa buong baryong aking tinitirahan.

Mapa-babae o lalaki ka,


Alam ko na ikaw ay isang tagahanga,

Sa mga banyagang galing sa bansang Korea,

At sila ang naging popular mula sa kanilang mga sayaw at mga kanta.

Lakambini:

Narinig nyo na ang unang tindig ng sumasang-ayon sa paksa,

Ito ba ay isang mabuting ihempliyo ba o sabagal?

Ano nga ba ang katotohan sa kanila?

Sa mga koreanong inyong minamahal?

Negatibo:

Noo'y masaya pa bago dumating ang mga kastila,

Ngunit noong nasakop ay hindi na natahimik ang kaluluwa,

Ngayon ay may iba ng dayuhan sa ating bansa,

Kailan pa kikilos ang mga Pilipino para mamulat ang kanilang mata?

Alam ko uso ngayon ang k-drama,

Mapa k-pop group man o iba pa,

Ang blackpink, BTS ay ang mga halimbawa,

Pati na ang kultura at wika ng bansang korea.

Ang edukasyon natin ay may halong ibang kultura,

Ang noong balita ay naisama ang Koreanong wika,

Na ngayon ay pinag-aaralan ng maraming tao sa bansa,

At baka makalimutan natin ang sariling wika.

Lakambini:

Parang nag-iinit na masyado dito,

Hahayaan ko na magsalita ang dalawang kampo,

Upang ibigay ang ikalawang punto,

Na buong pusong ibibigay nang todo.


Positibo:

'Wag masamain ang aking paghanga,

Sa mga taong banyaga,

Mga taong naging inspirasyon ko upang lumaban,

Na musika ang naging paraang tulungan.

Liriko nila ng mga kanta,

Kahit na hindi maintindihan ang kanilang wika,

Ito ay nagagamit sa kahirapan at sakuna,

Sa mga pag-ibig at magpalarong tadhana.

Tunay na kami'y nababaliw na,

Sa mga koreanong kay husay sumayaw at kumanta,

Ngunit 'di namin nakakalimutan ang aming kultura,

At ang pag-aaral sa aking eskwela.

Kaya kung mararapatin patunayan,

Heto, Ang mga napagtagumpayan,

Tulong yan sa mga Koreanong dayuhan,

Sumisilbi inspirasyon ngayo at magpakailanman.

Lakambini:

Tapos na magsalita ang panig ng positibo,

Ang kanyang sinasabi ay mga opinyong totoo,

Ngayon ay magsasalita ang panig ng negatibo,

Sapagkat ito ay ang mga kanyang opinyong tungkol sa mga Koreano.

Negatibo:

Hindi sa minamasama,

Hindi rin sa mga kantang gustong gusto ng iba,

Ngunit para sa akin ay ito ay nakakasama,

Sapagkat ang pag-aaral ay tinatalikuran na.


Masyado na nakataon ang sa kanilang mga atensyon,

Sa panonood at pagmamahal sa mga Koreanong sikat ngayon,

Tila 'di ninyo napapansin ang paghihirap ng ating bayan,

Sa bayan kung saan ay ating sinilangan.

Kaya 'di porket kayo'y tagahanga,

Puro na lang sila ang makikita,

Meron rin tayong mga banda,

Na dapat pagyamanin ang ating mga orihinal na kanta.

Kaya kung ito ay mamarapatin,

Pagmamahal sa mga koreano'y hatiin,

Bigyan ng atensyon ang bayan atin,

Sapagkat sila'y nauna at kailangan unahin.

Lakambini:

Lumakas na ang tensyon,

Nailapag na ang ikalawang opinyon,

Pinagtatalunang paksa ngayon,

Sapagkat ang mga sinabi nila ay ang mga impormasyon.

Kaya bago tapusin ang balagtasan

Nabuksan ang isipin ng bayan,

Koreano'y mga dayuhan,

Ang huling tindig, ating tunghayan.

Positibo:

Ako na muli ang magsasalita,

Tungkol sa pagsang-ayon ng aking paksa,

Na dapat bang tangkilikin ang bansang Korea,

O hindi dahil ito ay nakakasama?


Para sa akin, ako ay nabibighani,

Sa mga kantang pinapatugtog mapa araw man o gabi,

Dahil ang mga Koreano ay kay puputi,

At sila ang mga uso para sa marami.

Negatibo:

Paano ka nakakasiguro sa mga sinabi mo?

Gaano ka katiwala sa mga Koreano?

Ang lahat ba nito ay totoo?

O dahil tayo ay mabilis maloko?

Walang manloloko kung walang magpapaloko,

Sana naman ay mamulat na ang mga Pilipino,

Sa mga balitang nakita ng buong mundo,

At sana naman ay huwag ibigay ang buong tiwala sa mga Koreano.

Positibo:

Hindi naman ako nagpapaloko sa mga Koreano,

Sadyang ang mukha nila ay magaganda't gwapo,

Nakakamangha sila dahil ang dami nilang talento,

At pinapalawak nila ang kanilang mabuting ehemplo.

Ito na ang huling pagkakataon,

Para ipakita ko ang aking huling opinyon,

Na magandang pakisamahan ang mga Koreanong,

At maganda ang dulot ng mga Koreano ngayon.

Negatibo:

May respeto naman ako sa mga Koreano,

Sadyang iniaalala ko lamang ang aking kapwa ko,

Para sa kapakanan ng mga Pilipino,


Na huwag sana kalimutan ang pinagsimulan ng ating mga ninuno.

Ngunit huwag akong husgahan nang ganito,

Porke't ako lamang ay isang tao,

Nabubuhay lamang sa mundo,

Kaya sana naman ay intindihin ako.

Lakambini:

Sana may natutunan kayo sa aming balagtasan,

Tapos na ang kanilang harapan,

Mahirap magdesisyon kung anong panig ang kakampihan,

Ngunit lahat ng sinabi niyo ay magandang pakinggan.

Kung ikaw man ay isang K-Pop fan,

Huwag sana hayaan ang pag-aaral sa paaralan,

Ang mga paghanga sa mga Koreano ay huwag sobrahan,

At baka ang sobra ay maging dulot ng kapahamakan.

Para sa akin, ang -- panig ang nanalo,

Sana naman ay matuwa ang narinig ng hurado,

Ang lahat ng ito ay ipinagtulungan naming tatlo,

At bigyan ng masigabong palakpakan ang mga nagtalo.

MGA MIYEMBRO:

Almasco, Allyssa = Positibong panig

Arocco, Kyle = Lakambini

Cantillon, Louise = Negatibong Panig

You might also like