Pamagat ng Pananaliksik: ANG PAGLINANG NG MGA BOKABULARYO SA
FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA IKAANIM NA BAITANG
Ang pag-aaral na ito na ginawa ni Francia B. Talagon ay upang siyasatin
ang kakayahan sa paglinang ng bokabularyo sa Filipino ng mga mag-aaral sa ikaanim na baitang ng Catbalogan III para sa taong panuruan 2011-2012.
Ang disenyo ng pananaliksik na ginamit niya ay isang palarawang sorbey
ng pananaliksik kung saan tinaya rito ang kasalukuyang sitwasyon sa paggamit ng isang talatanungang may kasamang 25 aytem na pagsususlit upang makalikom ng mga datos sa mga kalahok na mag-aaral sa ikaanim na baitang ng nasabing paaralan.
Ayon sa mananaliksik, ginamit niya ang mga “palarawang istadistikang
tulad ng bahagdan, tamtaman, tinimbang na tamtaman “weighted mean”, standard deviation (SD), at korelasyon ng mga baryabol. Sa paghambing sa lahat ng datos na natamo sa paglinang ng bokabularyo, at propayl ng mga mag-aaral at grado sa Filipino sa unang markahan ginamit ang analysis of variants (ANOVA) at Scheffes test kung saan tinuos ditto ang F na halaga. Ang mga ipotesis ay sinubok sa .05 lebel ng halaga, digring kalayaan (df) ang tinuos na halaga ay ikinumpara sa tabyular t kritikal t na halaga bilang basehan para sa pagtanggap o pagtanggi sa sinubok na ipotesis”. Ang ginamit na mga instrument ay:
1. Talatanungang pagsusulit – kung saan ito ay binubuo ng dalawang bahagi.
Una, tungkol sa mga datos personal ng mga kalahok na mag-aaral at ikalawa tungkol sa pagsusulit sa bokabularyo na may 25 aytem na hango sa isang talahanayan ng ispisipikasyon na ang tipo ay mga pinagpipilian na may apat na opsyon. Ang nasabing pagsusulit ay nakatuon sa pagbasa, partikular sa paglinang ng bokabularyo ng mga kalahok.
2. Dokumentong pagsusuri – isinagawa ito sa pamamagitan ng pagkuha ng
mga mahahalagang datos hinggil sa mga natamong grado sa sabjek na Filipino na nakuha sa unang markahan at resulta ng mga pagsusulit ng Phil-IRI.
3. Panayam – ayon sa mananaliksik ginawa ito para beripikahin ang mga
nalikom na datos, pagsiguro ng iba pang impormasyon at mga suliraning kinakaharap ng mga kinauukulan. Batay sa pag-aaral napag-alaman na may malaking kontribusyon sa paglinang ng bokabularyo ng nasabing mga mag-aaral ang kaluwagan sa pamumuhay at ang ititirhan ng kalahok at wala naming mahalagang kaibhan ang gulang at kasarian ng mga kalahok.
Isa rin sa napansin sa pag-aaral na ito ang kakulangan ng mga
babasahin ang siyang mabigat na suliranin para sa paglinang ng bokabularyo.
Pamagat ng pananaliksik: ANTAS NG PAGKATUTO SA ISPELING AT PAKIKINIG NG
MGA ESTUDYANTE SA KOLEHIYO
Ang pag-aaral na ito ni Gng. Rosario E. Resma ay ginawa sa layuning
matukoy ang antas ng pagkatuto nga mga estudyante sa kolehiyo dito sa Samar College. Gumamit siya ng disenyong deskriptiv gamit ang pagsubok at talatanungan.
Ayon kay Gng. Resma, ginamit niya ang ganoong disenyo ng
pananaliksik upang “matukoy ang antas ng pagkatuto sa ispeling at pakikinig ng mga estudyante sa antas tersyarya; propayl ng tagasagot na mga estudyante ayon sa kanilang gulang, kasarian at kalagayang pang-ekonomiya; saloobin na nakakaapekto sa mga estudyante sa kanilang pagkatuto sa ispeling at pakikinig sa Filipino at mga suliranin na nakakaapekto sa mga estudyante hinggil sa ispeling at pakikinig sa Filipino”. Ang pangunahing instrumentong ginamit sa pag-aaral na ito
1. Pagsubok - ginawa ng mananaliksik batay sa 2001 Revisyon ng Alpabeto at
Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. Gumamit din ng talatanungan sa paglikom ng mga datos na kaugnay sa mga kalahok sa pag-aaral na ito. Ang pagsubok na ginawa ng mananaliksik:
a. Pagsubok sa antas ng pagkatuto ng mga tagasagot na estudyante sa
ispeling – binubuo ng 25 aytem na salita na alinsunod sa Revisyon sa Alfabetong Filipino.
b. Pagsubok sa antas ng pagkatuto ng mga tagasgot na estudyante sa
pakikinig – binubuo ng 25 aytem kung saan may tatlong titik na pinagpilian ng mga tagasagot ayon sa kanilang napakinggang mga salita sa tape recorder. Sinukat ang kanilang [agkatuto sa is[eling at pakikinig sa pamamagitan ng limang puntos ng panukat.
2. Talatanungan – hinggil ito sa kanilang mga saloobin at suliraning kinakaharap
sa kanilang pag-aaral ng ispeling at pakikinig ng mga salitang Filipino, na may tiglilimang aytem.