Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Inaasahang Bunga ng Pagkatuto

Produkto at/o Performance Task

Political Dynasty

Adriano, Sean Sydney

Baybay, Tyrone John

Cristobal, Jeniecah Zea

Delos Santos, Darlene Ann

Rivera, Winona Jodie

Pagkilala sa Isyu o Paglalahad

Hindi “tayo-tayo” ang tunay na dahilan ng pagkakawatak-watak ng mga Pilipino, laluna

tuwing eleksyon. Nagmula ang “tayo-tayo” sa sistemang “sila-sila” o ang ekslusibong

pananaig, pagpapayaman, pamumuno at pagpapatakbo ng iilang pamilyang Pilipino –

nagmumula sa naghaharing uring panginoong maylupa at burgesya – sa politika,

ekonomiya at kultura ng bansa. Tinatawag itong political dynasty o dinastiyang politikal,

na mahigpit na nakaugat sa oligarkiya o ang pananaig ng iilang naghaharing uri. Ang

Dinastiyang Politikal ay isang pamilya ng mga Politiko na namamahala sa isang lugar at

naipapasa sa kanilang kapamilya ang katungkulang ginagampanan sa pamahalaan.


Usapin (Napapanahon)

 Ayon kay Atty. Noel Del Prado, bagaman ginagarantiya ng Saligang Batas ang

"pantay-pantay" na pagkakataong tumakbo ang bawat indibidwal, nakasalalay

lamang sa mga mambabatas ang pagbibigay-depinisyon sa political dynasty, at ang

pagbabawal nito sa batas.

 Mas maraming Dinastiyang Politikal sa mga lugar at rehiyong may mataas na

poverty rate

 Mas mayaman ang mga kongresistang mula sa political dynasty, ayon sa kanilang

SALN (Statement of Assets and Liabilities Net Worth)

 Lumawak ang lupang pagmamay-ari at ang negosyo (tabako, pagmimina, midya,

real estate, banko, at iba pa) ng mga political dynasty

Argument

Ang Aming Grupo ay hindi sang-ayon sa Political Dynasty. Kapag mayroon kasing

political dynasty tinatanggalan mo ng karapatan at pagkakataon yung iba na

mamuno alam ko sa dinami-dami ng tao dito sa Pilipinas hindi naman siguro

concentrated lang ang kakayahan sa isang pamilya o ilang pamilya meron diyan

mayroong kakayahan wala nga lang resources kaya hindi na sila tumatakbp hindi

na din sila naghahangad na maihalal kasi ang sistema ng pamumulitika natin dito

dapat mayroon kang pera. Maaring Sa kabila ng mga negatibong epekto na

karaniwang inihahambing sa 'political dynasty', mayroon din namang itong mga

positibong dulot. Isang halimbawa ang mga proyekto at mga programa ng

nakaraang namamahala, sa political dynasty, masisigurado ang pagkakumpleto ng


mga proyektong ito, dahil karaniwang iisa o pareho lang ang layunin ng pumalit na

mamamahala. Pero hindi natin maitatanggi na mas marami ang negatibong mga

epekto nito tulad nalang ng Pag-aabuso sa Kapangyarihan ng Politika, Pagbuo ng

sariling interes mula sa kapangyarihan, Napapanatili sa isang pangkat lamang ang

impluwensiya at kapangyarihan at dito rin nagmumula ang Korupsyon na

nagdudulot rin ng Kahirapan o Poverty.

Datos

100

90

80

70

60

50

40

30

20

10

0
Category 1

Mga Probinsya na may Political Dynasty Walang Politikal Dynasty

 Itong Chart na ito ang Nagapakita kung gaano karaming Probinsya

(Nabibilang na tayo doon) ang may Political Dynasty. Ang Aming Grupo

ay Walang makalap na sapat na datos sa Montalban Patngkol sa Politikal

Dynasty. 94% o 73 mula sa 80 probinsiya sa bansa ay mayroong mga

political dynasty.
 Mas maraming political dynasty sa mga lugar at rehiyong may mataas na

poverty rate. Maari din itong nagpapahayag na mas mataas ang poverty rate

mas mataas ang chansa na magkaroon ng Political Dynasty sa Lugar na

iyon.
Political Dynasty

Poverty Rate

Solusyon

Nagkasundo ang mga miyembro ng consultative committee ni Pangulong Rodrigo

Duterte na ipagbawal ang political dynasties sa ginagawa nitong federal constitution.

Hindi bababa sa 295 ang bilang ng political dynasties sa bansa ngayon, ayon sa isang

pag-aaral.

 Sa Marso 12 pormal na aaprubahan ng komite ang ban.

 Bawal din nilang sundan o palitan ang kamag-anak sa posisyon.

 Saklaw ng panukalang ban ang asawa, anak, magulang, at kapatid.


 Base sa panukala ng grupo, bawal na ang mag-asawa at magkakamag-anak

hanggang sa second civil degree na maupo o tumakbo na magkakasabay sa

mga posisyong lokal.

 Kung national official naman ang nakaupo, hindi puwedeng may kamag-anak

siyang tumatakbo o nakaupo sa lokal.

 Saklaw ng panukalang ban ang asawa, anak, magulang, at kapatid.

 Ngunit panukala lang ang lahat ng ito at nakasalalay pa rin sa Kongreso kung

susundin ito.

 Higit tatlong dekada na ang nakalilipas pero hindi pa rin nagpapasa ng batas

ang Kongreso laban sa political dynasties kahit na ipinagbabawal ito sa

Konstitusyon.

 Ayon sa isa sa mga miyembro ng komite na si Fr. Ranhilio Aquino, dapat ay

tanggapin ng Kongreso ang kanilang panukala kung gusto nito ng bagong

Konstitusyon.

 Bukod sa pagbabawal sa political dynasties, nagkasundo rin ang komite na

dapat magka-partido ang ibobotong presidente at bise presidente.

 Karaniwang nagkakabanggaan ang dalawang pinakamatataas na opisyal ng

bansa na galing sa magkaibang partido.

 Sa botong 13-5, pinaboran din ang paglalagay ng educational requirement

para sa mga kakandidato sa pagka-senador.

 Dapat ay may college degree o katumbas na antas nito ayon sa Commission

on Higher Education.

--Ulat ni Christian Esguerra, ABS-CBN News


"The State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and

prohibit political dynasties as may be defined by law."

Sa partikular, ang monopolyo ng iilang pamilya na nakatatakbo, nananalo at

nauupo sa poder ng pamahalaan ang sila-silang may hawak ng kinabukasan ng

bayan. O mas madaling sabihing may hawak ng kinabukasan ng bayan para sa

pampolitika at pang-ekonomiyang kapakanan ng “sila-sila.”

Sa anti-political dynasty bill na inilatag ng mga kongresista ng Bayan Muna

Partylist tulad ni Neri Colmenares, binigyang-depinisyon ang political dynasty

bilang konsentrasyon, konsolidasyon o pananatili sa pampublikong opisina at

politikal na kapangyarihan ng mga magkakapamilya o magkakamag-anak.

Kasama rito ang halinhinan o salit-salitang pagtakbo at pag-upo sa politikal na

posisyon ng mag-asawa o magkamag-anak.

Sa ngayon, sa Sangguniang Kabataan elections pa lamang ipinagbabawal ang

political dynasty, batay sa SK Reform Act na ipinasa nitong 2016.

Ipinagbabawal sa SK Reform Act na tumakbo o maitalaga sa kahit ano mang

posisyon sa youth council ang kamag-anak ng politiko hanggang sa ikalawang

degree ng pagiging magkapamilya sa lugar kung saan namumuno ang kaniyang

kamag-anak.
Bibliography

 https://www.pinoyweekly.org/2016/05/sila-sila/

 https://brainly.ph/question/1022297

 https://news.abs-cbn.com/news/03/08/18/ban-sa-political-dynasty-nais-isama-sa-

federal-constitution

 https://news.abs-cbn.com/news/11/27/18/alamin-bawal-ba-o-hindi-ang-mga-political-

dynasty

You might also like