Professional Documents
Culture Documents
SANAYSAY
SANAYSAY
SANAYSAY
I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. nakikilala ang mga salitang tinutukoy sa mga pahayag;
B. nakikilala ang katangian ng mga tauhan sa epikong napanood;
C. naipahahayag ang sariling palagay hinggil sa tungkulin sa mga nangangailangan; at
D. naipakikilala ang sariling kakayahan sa pagtulong sa nangangailangan sa sariling
pamamaraan.
III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral Puna ng Guro
Pang-araw Araw na Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pamamahala sa silid-aralan
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
Mayroon ba kayong paboritong
superhero? Opo!
2. Pag-alis ng Sagabal
Alamin natin ang mga kahulugan ng
mga salitang makakasalamuha natin sa
epiko.
B. Pagbasa (Panonood)
Bago natin tunghayan ang ating akda, Ang epiko ay tulang
ano nga ba ang epiko? pasalaysay na naglalarawan ng
Tama. Ang mga tauhan sa epiko ay pakikipagsapalaran ng mga
mayroon ding di-pangkaraniwang lakas tauhan.
sa pakikipagtunggali sa kanilang mga
kalaban. Ito ay naglalaman ng mga
pangyayaring di-makatotohanan.
Pakibasa ang mga pamantayan sa Pamantayan sa Panonood
panonood. 1. Maupo nang maayos.
2. Isulat sa kwaderno ang lahat
ng mahahalagang detalye sa
pinapanood.
3. Unawain ang mensaheng
nais ihatid ng panoorin.
4. Maghanda para sa
talakayan pagkatapos ng
panonood.
C. Pagtatalakay
1. Ano ang nag-udyok sa mga datu sa 1. Ang pagiging ganid nila sa
ibayong nayon upang ipagpalit ang kapangyarihan. Nais nilang mas
kanilang pagkatao sa kapangyarihan? mahigitan ang kapangyarihan na
mayroon si Indarapatra.
2. Ano ang ginawa ni Indarapatra ng 2. Agad niyang ipinag-utos
mabalitaan ang lagim na dumating sa kay Sulayman na tugisin ang mga
pulong Mindanao? halimaw na nananalanta sa sa
pamayanan.
3. Paano mo ilalarawan ang mga 3. Taglay ni Indarapatra ang
katangian ni Indarapatra dahil sa mga katangian ng reponsableng
pagpapapasya na ginawa niya? pinuno na handing gampanan
ang kanyan tungkulin kahit ang
pa malagay sa panganib ang
buhay nilang magkapatid.
4. Anong katangian ang ipinamalas ni 4. Pagiging masunurin na
Sulayman nang kanyang tanggapin ang kapatid. Sa ngalan ng pagtulong
utos ni Indarapatra? sa nangangailangan, hindi niya
alintana ang panganib na nag-
aabang sa kanya.
5. Sinu-sino ang mga mga nakalaban 5. Si Kurita – maraming
ni Sulayman? Ilarawan sila at ang kamay, kaya niyang kumain
kanilang mga katangian. nang limang tao nang sabay-
sabay.
Si Tarabusao – halimaw na
may mukhang tao; sino mang tao
na kanyang mahuli ay agad
niyang nilalapang.
Si Pah – malaking ibon;
nagdidilim ang ang paligid dahil
sa laki ng kanyang pakpak.
Si Balbal – ibon na may pitong
ulo; may matatalas na kuko at
nakikita ang ano man dako.
6. Kung ikaw si Sulayman, tatanggapin 6. Opo. Kung batid ko naman
mo rin ba ang utos ni Indarapatra? Bakit? po na ako ay may kakayahan
upang makatulong at matalo ang
mga halimaw na nananalanta ay
gagawin ko. Handa akong
magsakripisyo para makatulong
sa kapwa.
7. Paano mo ihahalintulad ang 7. Sina Indarapatra at
ginawang kabayanihan nina Indarapatra Sulayman ay katulad din ng mga
at Sulayman sa mga makabagong makabagong superhero natin.
superhero ng ating panahon? May mga taglay din silang
pambihirang lakas at mga
sandata upang matalo ang
kanilang mga kalaban. At higit sa
lahat, ginampanan nila ang
tungkulin nila sa pagtulong sa
mga nangagailangan.
D. Paggamit
Sa inyong palagay, tungkulin ba ng Opo!
bawat isa ang tumulong sa
nangangailangan?
Bakit kaya? Dahil tayo ay biniyayaan ng
Paano naman kayong mga karaniwang mga kakayahan na makatulong.
bata na nasa ikaanim na baitang pa Opo!
lamang? May mga magagawa ba kayo
upang magampanan ang tungkuling ito?
Magbigay nga kayo ng mga paraan
kung paano ninyo ito gagawin kahit wala
kayong super powers. Bibigyan ko kayo
ng tatlong minuto para maghanda sa
malikhaing pagpapakilala ninyo sa
harap.