Lesson Plan Pangngalan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Holy Infant School Montessori

Daisy St., Bangkal, Lapu-Lapu City

S.Y. 2016-2017

Mala-Masusing Banghay Aralin sa Filipino I

I. Layunin:
Pangkaisipan: Nailalarawan ang pangngalan;
Nakapagbibigay halimbawa ng pangngalan;
Nakakikila sa dalawang uri ng pangngalan;
Nakikita ang pagkakaiba sa dalawang uri ng
pangangalan;

Pangkasanayan: Natutukoy ang pangngalan sa pangungusap;

Pangkaasalan: Nabibigyang halaga ang pangngalan.

II. Paksang Aralin: Pangngalan at ang Dalawang Uri Pangngalan


Sanggunian: internet: www.google.com/wikipedia
Kagamitan: Mga Larawan; Biswal na naglalaman ng kahulugan
at halimbawa ng pangngalan.

III. Proseso ng Pagkatuto:


A. Paghahanda
1. Panalangin
2. Motibasyon
2.1. Ipapakita ng guro ang mga nakatalikod na larawan.
2.2. Pipili ng limang mag-aaral na pupunta sa harapan at
pipili sa mga larawan na ipapakita sa kaklase.
2.3. Sasabihin ng mga mag-aaral kung ano ang nakita
sa larawan.
B. Paglalahad
1. Mga Gawain
Ilalarawan ng mga mag-aaral kung ano ang nakita sa
larawan.
2. Pagsusuri
2.1. Magpapakita ang guro ng mga larawan at ibibigay
ng mga mag-aaral ang pangngalan nito sa uring
pantangi at pambalana.
2.2. Susuriin ng guro at mag-aaral ang kaibahan ng
dalawang uri.
2.3. Gagamitin ng guro ang pangngalan sa pangungusap
at tutukuyin ng mga mag-aaral ang pangngalan sa
bawat pangungusap.
Halimbawa: (Integrasyon sa Kasaysayan)
= Si Dr. Jose Rizal ay ang ating
pambansang bayani.
Sagot: Dr.Jose Rizal – bayani
C. Pagbubuod
Ibabahagi ng guro sa mga mag-aaral ang kahalagahan
ng pangngalan sa mga tao, bagay, hayop, pook at
pangyayari.
D. Pagsasanay
1. Paglalapat: “Running Ball”
1.1. Bubuo ng malaking bilog ang mga mag-aaral.
1.2. Kakanta ng “ Leron-Leron Sinta” habang
ipinapasa ang bola sa katabi.
1.3. Kapag natapos ang kanta ang huling nakahawak
sa bola ay siyang magbibigay ng pangngalan ng
alinman sa gusto ng guro.
IV. Pagtataya
Panuto: Tukuyin at salungguhitan ang pangangalan sa mga
sumusunod na pangungusap.
Halimbawa: Ang bata ay nahulog sa sapa.
Sagot: bata- sapa
1. Ang aking guro ay maganda. Sagot: guro- maganda
2. Si bantay ang aming alagang aso. Sagot: bantay-aso
3. Maaga akong pumasok sa paaralan. Sagot: paaralan
4. Mayroon akong bagong sapatos. Sagot: sapatos
5. Walang kapantay ang pagmamahal ni Lolo Tasyo kay Lola
Basyang. Sagot: pagmamahal- Lolo Tasyo- Lola Basyang

V. Takdang Aralin
Panuto: Magsulat ng limang pangngalan na makikita sa
paaralan.
1. Tao
2. Bagay
3. Pook
4. Hayop
5. Pangyayari

Prepared by:

Ma. Kristel J. Orboc

You might also like