Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Impluwensya ng Internet sa Bansa:

1. Mas nagiging magkalapit at magkakonekta ang mga tao dahil sa Internet. Mas
naging “Instant” ang pagpasa at ang pagtanggap ng mga mensahe o madaling
pakikipag-komunikasyon sa taong malayo sa iyo.

2. Sa Internet, maaarikang magbahagi ng mga bidyo, teksto o larawan na makakaagaw


ng atensyon ng isa o maraming tao.

3. Nagkakaroon na ng paghahalo-halo ng mga kultura ng iba’t ibang bansa o maliliit na


grupo

4. Ang Internet, ay nakakatulong nang malaki sa edukasyon at komunikasyon na


pinapamahalaan ng iba’t ibang social media platforms tulad ng - Facebook,Twitter,
Instagram, YouTube, Google at iba pa. Mas naging produktibo at mabilis ang
pagkalap ng impormasyon.

5. Sa kultura nating mga Pilipino na hilig sumubaybay sa mga soap opera o


Koreanovela at manood ng mga balita sa telebisyon, dahil sa Internet, ito ay
natulungan pa gamit ang isang website na YouTube. Sa YouTube, puwede kang
manood ng mga bidyo na maaaring magbibigay-aral, balita, tutorials, prank videos,
music videos, replay ng isang teleserye, at iba pa. Ngayon, mapapansing mas
sumisikat ang mga Western music, Western at European cultures,at iba pa. Dahil
dito, naging patok ang YouTube sa mga Pilipino partikular na sa kabataan.

6. Sa wika naman natin, mas nagiging karaniwan na ang paggamit ng “Taglish”


(pinagsamang Tagalog at English) dahil sa impluwensya ng Internet. Lalong
mas lumaganap ang Western cultures sa Pilipinas. Ngayong 2019, mapapansin ng
karamihan ang paggamit ng mga salita o parirala tulad ng “meme” at “flex”.

7. Sa komersyo naman, nakakatulong ang internet sa magaan na pagbili at pagbenta


gamit ang internet. Ang online shops tulad ng Lazada at Shopee ay nakakatulong
sa mga mamimili dahil maari ng bumili sa pamamagitan ng internet. Hindi na
kailangan pumunta sa aktuwal na tindahan para bumili ng produkto.

8. Ang bilang ng mga Pilipino na gumagamit ng Internet ay pumalo ng mahigit


44,000,000 noong 2016 base sa isang statistics ng Internet Live Stats na bumibilang
sa 43.5% ng populasyon (2016). Karamihan sa mga users nito ay mga may edad na
mula 15 hanggang 24 o mga High School Students hanggang College graduates.
Ginagamit ang internet kadalasan sa Facebook, Twitter at Instagram bilang
panlibang, pagbabahagi, pakikipag-usap at pagkuha ng impormasyon.

You might also like