Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Talumpati

Sa ating pinakamamahal na guro Mr. Jomaj f. Delacruz sir! Mga kapwa ko mag-aaral, Assalamualaykum at isang
maganda at matiwasay na araw sa ating lahat.
“ Tugon ng mga kabataan sa mga isyu ng lipunan”
Ano nga ba ang ibig sabihin nito? Anong isyu ng lipunan ba ang kailangan nating tugonan? Bakit tayong mga
kabataan pa ang kailangan tumugon sa mga isyung ito?
Isa sa pinaka malaking isyu sa pilipinas ay ang korapsyon, dahil sa korapsyon nagkakaroon ng kahirapan na isa sa
mga dahilan ng kakulangan ng edukasyon ng karamihan sa mga Pilipino, kahirapan na dahilan ng child labor,
kahirapan na nag uudyok upang gumawa ng kasamaan para matugunan lamang ang pangangailangan, kahirapang mula
noon ay problema na, na kahit anong gawin natin ay hindi na masusolusyonan, sabi nga ni dating Pangulong Benigno
Aquino “walang mahirap kung walang korap”.
Madalas nating isisi ang ating kapalaran sa tadhana, Paninisi pa sa gobyerno, Ang kahirapan ay hindi dapat isinisisi
kanino man, at kahit may nakikita tayong dahilan upang sisihin ang pamahalaan, sabi nga nila “poverty is not a
hindrance to success” Ang kahirapan ay hindi hadlang upang makamit ang tinatamasang tagumpay, at marami pang
isyu ng lipunan na kailangan nating tugunan.
Bakit tayong mga kabataan pa ang kailangan tumugon sa mga isyung ito?
Sabi nga ni Gat Jose Rizal “ang kabataan ang pag-asa ng bayan” kaya tayo ang kailangang tumugon sa mga
isyung ito, dahil tayo ang inaasahan para sa kinabukasan at susunod pang henerasyon.
Pero paano natin gagawin iyon samantalang karamihan ng mga kabataan ngayon ay nasadlak na ng mga masasamang
gawain, Paano natin maiiwasan ang korapsyon kung ang karamihan sa mga namumuno sa atin gumagawa nito, tayo pa
naman ang inaasahan ng inang bayan.
Hindi imposible na magkaroon ng pagbabago sa ating lahat, hindi natin mababago ang lipunan kung hindi natin
babaguhin ang ating mga sarili. Kailangan natin ng pagsisikap, respeto sa sarili at respeto sa ibang tao, at lalong
lalo na kailangan natin ng katapatan sa lahat, katapatan bilang pinuno, katapatan sa ating mga tungkulin, katapatan
bilang isang tao at ang pinaka mahalaga ang pahalagahan ang buhay ng iba.
Kung gagawin natin ang lahat upang maging mabuting anak ng lipunan, hindi imposible na matugunan natin ang mga
isyu ng lipunan.
Ang tanong kaya ba natin ito???

Maraming salamat!!!

You might also like