Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Markahan IKATLONG MARKAHAN

Petsa DISYEMBRE 17 - 21, 2018

ACTIVITY SHEETS / TASK SHEETS School Sta. Elena High School
FILIPINO 10 Guro
Baitang Grade 10 - Filipino

TEMA Panitikang ng Africa at Persia

PAMANTAYANG Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
PANGNILALAMAN mga akdang pampanitikan ng Africa at Persia
PAMANTAYAN SA Ang mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang
PAGGANAP bansa batay sa binasang akdang pampanitikan
MINI-
TRANSFER/PRODUKTO Makabuo at makagawa ng sariling tula tungkol sa kadakilaan ng isang Ina.
(Pagganap/Produkto sa aralin)
ARALING Activity Sheets and worksheets, Written exercises na gagawin mula sa
PAMPANITIKAN akdang “Helen g Ina sa Kanyang Panganay”
ARALING
PANGRAMATIKA AT Written Exercises “ Wastong Gamit ng Simbolismo at Matatalinghagang
RETORIKA Pananalita”
BILANG NG SESYON
AT PETSA NG December 17 – 21, 2018
PAGTALAKAY
MGA KASANAYAN SA Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan
BAWAT DOMAIN Nabibigyang-kahulugan ang simbolismo at matatalinghagang pahayag
sa tula.
Naiaantas ang mga salita ayon sa antas ng damdaming ipinahahayag
ng bawat isa
Nasusuri ang napanood na sabayang pagbigkas o kauri nito batay sa:
 kasiningan ng akdang binigkas
 kahusayan sa pagbigkas at iba pa
Masigasig at matalinong nakikilahok sa mga talakayan
Naisusulat ang sariling tula na lalapatan din ng himig
Nauuri ang iba’t ibang tula at ang mga elemento nito

POKUS NA TANONG Paano naiiba ang tulang tradisyunal sa tulang malaya ?

Paano nasasalamin sa tulang malaya o tulang tradisyunal ang
kultura ng bansang pinagmulan nito?

MGA KAGAMITAN AT
SANGGUNIAN Notebook, Intermediate paper, Cartolina or Colored Paper

“ Helen g Ina sa Kaniyang Panganay”

Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora
Nasusuri ang napanood na sabayang pagbigkas o kauri nito batay sa:
 kasiningan ng akdang binigkas
 kahusayan sa pagbigkas at iba pa

Ipahahanap ng guro mula sa Youtube ang awiting obra ni gary Granada na “Magagandang Anak”
at pasasagutan sa isang buong papel ang mga sumusunod na katanungan: (1)
 Ano – ano ang mga kadakilaan ng isang ina na sa tingin ninyo ay walang kapantay?
 Itala sa inyong sagutang papel ang mensaheng at kaisipang taglay ng awiting inyong
napakinggan?

Magpapaguhit ang guro ng isang malaking puso gamit ang isang bond paper at sa loob ng puso
nakasulat ang mga letrang INA. Ipatatala sa mag-aaral ang mga matatalinghagang salita at
simbolismo sa salitang ina. (2)

1
INA

Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan.

Nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at matatalinghagang pahayag sa tula.
Naiaantas ang mga salita ayon sa antas ng damdaming ipinahahayag ng bawat isa

Ipababasa ng guro ang akdang “ Helen g Ina sa Kaniyang Panganay” sa aklat na panitikang
pandaigdig Ph. 279 – 280
Pasasagutan sa kanilang sagutang papel ang ilang mga katanungan na may kaugnayan sa akdang
binasa:
 Sino ang persona sa tula? Ano ang kaniyang pangarap?
 Masining ba ang tulang tinalakay?
 Sa ano – anong bagay inihambing ang sanggol? Bakit ito ang mga ginagamit sa
paglalarawan sa katangiang taglay niya?
 Alin sa mga kaugaliang ito ang naiiba sa kaugalian ng mga Pilipino? Sang-ayon kaba rito?
Bakit?
 Makatuwiran bang iugnay ang pagkakakilanlan at katangian ng isang anak sa kaniyang
ama? Sa poon?
 Anong bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin ang natutuhan pagkatapos basahin
ang akda? Ipaliwanag.
Sa sagutang papel ipasusuri at bumuo ng konklusyon sa tulong ng grapikong representasyon.

Suriin ang tulang binasa. ito ba'y isang tulang malaya o tulang tradisyunal?
Malinaw bang naisalaysay ang kultura ng bansang pinagmulan nito?

MGA KASAGUTAN AT PATUNAY

PATUNAY PATUNAY

KONGKLUSYON AT REAKSYON

Isaayos mula sa bilang 1 – 5 ang mga salitang sa sidhi ng damdamin ipinahahayag ng bawat isa,
ang 5 ang pinakamataas na antas. Gamitin ang tsart at gawin ito sa sagutang papel.
2
Batayang mga Salita Ayos ng mga Salita Batay sa Sidhi ng Damdamin

Kagalakan 1.
Katuwaan 2.
Kaluwalhatian 3.
Kaligayahan 4.
Kasiyahan 5.

Paliwanag sa Pag-aantas ________________________________________________________

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
_____________________________________________________

Batayng mga Salita Ayos ng mga Salita Batay sa Sidhi ng Damdamin

Lungkot 1.
Lumbay 2.
Dalamhati 3.
Pighati 4.
Pagdurusa 5.

Paliwanag sa pag-aantas ___________________________________________________

___________________________________________________

Basahin at pagnilayan

Ang Matatalinghagang pahayag o pananalita ay may

malalim o hindi lantad na kahulugan. Sinasalamin ng
paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng
anumang wika.

Naisusulat ang sariling tula na lalapatan din ng himig

3
Nauuri ang iba’t ibang tula at ang mga elemento nito
Natutugunan ang ilang gawain hinggil sa matatalinghagang pananalita

Pagsasanay sa Matatalinghagang pananalita #1

Basahin ang mga pahayag sa mga piling saknong o taludtod ng tula. Hanapin ang
matatalinghagang pananalita at simbolismo na ginamit at isulat ang kahulugan nito sa sagutang
papel.

1. Mata’y napapikit sa aking namasdan;

Apat na kandila ang nangagbabantay.

2. Ang kahulugan mo’y isang paglilingkod

Na walang paupa sa hirap at pagod;
Minsan sa anyaya, minsan sa kusang-loob
Pag-ibig sa kapwa ang lagi mong Diyos.

3. May tanging laruan isang bolang – apoy

Aywan ba kung sino ang dito’y napukol
At sino rin kaya ang tagapagsindi
Ng parol na buwang pananglaw kung gabi?

4. Sandaling lisanin ang nakasanayan

Unatin yaring kaluluwa’t katawan
Kawangis ng paghalik ng maylalang
Sa burol, dalampasiga’t kaparangan.

Pagsasanay sa Matatalinghagang pananalita #2

Sa sagutang papel, kompletuhin ang isang saknong ng tula na salin mula sa tulang Pilgrimage of
African ni Wayne Visser sa pamamagitan ng paglalagay ng wastong salita sa patlang.

Tinalunton, ang ____________ ng kalikasan,

Ako’y ____________ dumating, isang buhay. tribo hangin Bakas
Binuklod ng ____________ ng mga ninuno, Kami’y leon kamay bangkay
____________ dumating, isang ____________

Sa sagutang papel, kumpletuhin ang tula sa pamamagitan ng paglalagay ng matatalinghagang

pananalita at simbolismo. Bigyan din ito ng sariling pamagat.

_____________________________
Sa ami’y…
Isa kang __________ na may dalang ligaya,
Ika’y tuwinang bukas – palad sa iba.
Ang iyong gawi’y hindi ____________
Kaya’t kami’y humahalik sa ‘yong paa.

Sa ami’y…
Isa kang __________ na laging sandata,
Di ____________ sa hampas ng pala
Dito’y nasisilip, maningning na __________
Kaya’t kami’y humahalik sa ‘yong paa.

4
Sumulat ng tulang mayaman sa matatalinghagang pananalita at simbolismo na tungkol sa
kadakilaan ng iyong ina, tiyaking hindi bababa sa tatlong saknong ang tulang lilikhain. Mamarkahan
ito batay sa sumusunod na pamantayan: kayarian, kasiningan at kaangkupan. Nasa iba ang
pamantayan bilang gabay sa gagawing tula.

TULA
PAMANTAYAN PUNTOS AKING PUNTOS
1. Kahusayan sa pagsulat ng 25
tula.
2. Nagpakita ng nakatutuwang 25
karanasan sa buhay at
nalikhang tula.
3. Maayos at di-maligoy ang 25
pagkakasunod-sunod ng
bawat saknong.
4. Kaakit-akit na simula at may 25
kasiya-siyang wakas.
Kabuuang Puntos 100

Pagkatapos mong lumikha ng sariling tula ay sagutan ang mga mahahalagang katanungan hinggil
sa binasa at ginawa mong mga gawain.
 Paano nasasalamin sa tulang malaya o tulang tradisyunal ang kultura ng bansang
pinagmulan nito?
 Ano ang kahalagahan ng tinatawag na matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng isang
tula ?

___________________________________________________________________________________

You might also like