Ampalaya Candy

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Pag- aaral ukol sa paggawa ng kendi gamit ang amplaya

Introduksiyon

Nakapaloob sa bahagi ng pag-aaral na ito ang pangunahing impormasyon at kaligiran ng


suliraning kinakaharap ng napiling maging paksa ng pananaliksik. Nakasaad din dito ang
pangkat ng mga tao, kahalagahan ng pananaliksik sa ilang pangkatang mga tao magiging target
at limitasyon ng naturang pag aaral mga kaugnay na panitikan at mga kahulugan na gagamiting
katawagan sa kabuuan ng pag aaral.

Panimula

Sa panimula ng pananaliksik makikita ang pangunahing kaalam at impormasyon ukol sa


paksa at ang suliraning natagpuan. Dito na rin mailalahad ang kaligiran ng paksa at ng
pagbabatayan ng mga sumusunod na impormasyon ng pag aaral.

Ang ampalaya ay isa sa mga masustansyang pagkain ngunit marami ang may ayaw nito
dahil sa taglay nitong lasa. Napakahalaga ng ginagampanan ng mga gulay para sa ating pang-
araw-araw na pamumuhay. Ang gulay tulad na lamang ng ampalaya. Marami ang maaari natin
na makuhang sustansya at ang gulay na rin ito ay sagana sa nutrisyon.

Tumutubo ito sa maraming lugar sa Pilipinas at sa mga bansang nasa rehiyon ng tropiko.
Ayon sa isang pag-aaral maraming benepisyo ang dala ng ampalaya sa ating katawan. Ang
ampalaya ay hindi lamang isang gulay na ating kinakain ito rin ay maaaring maging halamang
gamot. Ang mga sakit na maaari nitong malunasan ay tulad na lamang ng diabetes, kinokontrol
nito ang blood sugar ng isang tao. Ang ampalaya ay sagana sa Vitamin A,B at C, iron, folic
acid, phosphorus at calcium at mayaman rin ito sa antioxidant na lumalaban sa mga sakit na
nakakasira sa ating katawan o kalusugan. Nais ipabatid ng mga mananaliksik na ang
pananaliksik na ito ay patungkol sa kakayahan ng mga piling mag aaral sa Biñan City Senior
Highschool San Antonio Campus kung ano ang kahalagahan ng gulay na amapalaya. Ang mga
mananaliksik ay humantong sa ideyang ito dahil ang ampalaya ay maraming ayaw kumain lalo
na ang mga kabataan dahil sa mapait na lasa nito. Nais ng mga mananaliksik na kilalanin at
mabigyang pansin ang mga magagandang dulot ng gulay na ampalaya sa ating katawan.
Sa pagpili ng paksang ito ang mga mananaliksik ay isinaalang alang din ang kahalagahan ng
ampalaya sa ating kalusugan at mabigyan ng kasagutan ang mga katanungan na nasa kanilang
isipan gamit ang mga makakalap nilang datos at impormasyon ay siyang magiging batayan ng
mga kasagutan sa mga suliranin na pinag aaralan ng mga manananaliksik sa pananaliksik na
ito.

Kaligiran sa pag-aaral

Ang paggawa ng desisyon ay nangangahulugang may mga bagay na isinaalang alang.


Layunin ng mga mananaliksik na malaman ang mga isinaalang alang ng kasalukuyang mag
aaral ng paaralan ng Biñan City Senior Highschool San Antonio Campus sa kanilang desisyon.
Gamit ang kanilang karanasan hangarin ng mga mananaliksik na mapag aralan ang mga dapat
at hindi dapat gawin sa paggawa ng kendi na gawa at lasang ampalaya ang mga mananaliksik
ay naniniwalang makakatulong sa pagpuksa ng suliranin ang mga mag aaral ng San Antonio
Campus at ang kani kanilang kwneto, dahilan o rason kung bakit ayaw o kung bakit hindi nila
gusto ang lasa ng ampalaya

Bilang mag-aaral rin na hindi nagugustuhan ang lasa ng ampalaya, balak ng mga
mananaliksik na gumawa ng paraaan upang magustuhanang lasa nito. Gagawin itong
makabuluhan sa pamamagitan ng paggawa ng kendi na kalasa nito(ampalaya). Inilalahad ang
mga mananaliksik na magustuahn at masarapan ang mga mag aaral ng San Antonio Campus
dito. Ang kaalamang nakuha at pati na rin ang resulta ng pananaliksik ay kinakailangan
ipalawak sa paraang ito maraming mag aaral sa San Antonio Campus ay magugustuhan ang
lasa ng ampalaya.

Upang matupad ang mga layuning ito, kinakailangan ng buong kooperasyon at


mahikayat ng mga mananaliksik ang sitwasyon sa suliraning ito. Upang mapalawak ang
solusyon kinakailan munang mahanap ang dahilan kung bakit ayaw nila sa lasa ng ampalaya.
Nararapat na malamang ng mga mananaliksik kung bakit ayaw ng mga mag aaral sa San
Antonio Campus ang lasa ng amplaya. Maliban pa sa malalaman ng mga mananaliksik ang iba
pang dahilan ay kinakailangan din mabigyan din ito ng linaw

Ang pag-aaral na ito ay gagawin sa Biñan City Senior Highschool San Antonio
Campus sa lungsod ng Biñan kung saan lumalaganap ang nabanggit na suliran o problema.
Dito malalaman at makikita ang nasabing di pagkagusto ng mag aaral sa lasa ng ampalaya.

Kahalagahan ng pag-aaral
Maipapakita din ang mga kontribusyon at maaaring mangyari sa mga makikinabang at
ang magiging bunga ng pag aaral na ito ay maitatatak na tulong para sa mga mag aaral ng
BCSHS-SAC at sa karatig lugar at naturang pamayanan.

Sa mga mag-aaral

Upang mabigyang pansin ang pagkain sa ampalaya at upang bilang tulong na rin sa
kanila bilang sumigla.

Sa mga tauhan at guro ng paaralan

Upang maibahagi o maipaalam sa kanila na hindi lahat ng nag aaral ay gusto ang lasa ng
ampalaya.

Sa paaralan

Upang sakali man na lahat ng mag aaral ay magustuhan ang lasa nito sisigla at lalakas
ang mga mag aaral pati na rin ang iba pang kasapi at miyembro ng paaralan.

Saklaw at limitasyon sa paaralan

Tinutukoy dito ang mga elementong sakop o hangganan ng pananaliksik maipapaalam


at malalaman dito ang lokasyon, panahon at mga kategoryang sinasaklaw ng paaralan ang mga
naturang pag aaral ay isasagawa upang malaman kung bakit at kung ano ang magiging solusyon
upang magustuhan ang lasa ng ampalaya. Sakop ng pananaliksik nito ang mga mag aaral ng
ICT (Information Communication Technology), HE (Home economics), sa baitang labing isa
(11) ng Biñan City Senior Highschool San Antonio Campus K to 12 curriculum academic
2019-2020 ng mga strand ng ICT at HE lamang. Ang pananaliksik ay hindi aabot sa mas mataas
at mababang baitang ng pag aaral sa paaralan ay limitahan sa apat (4) ng mag aaral ng bawat
pangkat at seksyon.

You might also like