Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

ISSN 1655-2814

SERIES No. 11

Questions
and Answers
Agosto 2010 Filipino version

HYBRID RICE

Philippine Rice Research Institute


Q&A Series

1 Hybrid Rice
2 Varieties and Seeds
3 Integrated Pest Management
4 Integrated Nutrient Management
5 Rice Biotechnology
6 Rice Postproduction Technology
7 Economics of Rice
8 Golden Rice
9 Organic Fertilizer
10 Location-Specific Technology Development (LSTD)
11 Hybrid Rice (Filipino version)
12 Varieties and Seeds (Filipino version)
13 Integrated Pest Management (Filipino version)
14 Integrated Nutrient Management (Filipino version)
15 Rice Biotechnology (Filipino version)
16 Rice Postproduction Technology (Filipino version)
17 Economics of Rice (Filipino version)
18 Golden Rice (Filipino version)
19 Organic Fertilizer (Filipino version)

Inilathala Hunyo 2010 ng Philippine Rice Research Institute


Maligaya, Science City of Muñoz, 3119 Nueva Ecija
Nilalaman
Ano ang hybrid na palay? 1

Paano naiiba ang hybrid na palay sa ordinaryong


palay o inbred? 1

Ano ang tradisyunal, HYV, mga MRV, kumbensyinal na barayti at


NPT o super rice? Paano sila naiba sa hybrid na
palay? 2

Ang hybrid na palay ba ay GMO? 3

Ano ang lakas-hybrid? 4

Anong binhi ng hybrid na palay ang maaaring itanim ng mga


magsasaka sa ngayon? 4

Gaano ang taas ng ani na maaaring makamit ng mga


magsasaka sa paggamit ng hybrid na palay? 5

Paano naiba ang produksiyon ng hybrid na palay sa


kinagawiang pagsasaka ng mga magsasaka? 6

Maari bang gamitin ang PalayCheck® sa pagpapalago ng hybrid


na palay? 7

Ang hybrid na palay ba ay maaaring gamitin sa sabog-tanim? 8

Maaari bang gamiting binhi ang aning hybrid na palay at


makuha ng gaya ng sa orihinal na binhi ang kaparehas na dami
ng ani? 8
Ang hybrid na palay nga ba ay hindi maka-mahirap? 9

Magkano ang magagastos sa pagtatanim ng hybrid na


palay? 9

Paano sinusuportahan ng pamahalaang Pilipinas ang pagpa-


papalaganap ng hybrid na palay? 10

Anu-ano ang iba pang pamamaraan upang mapabuti ang


hybrid na palay? 10

Paano pinangangalagaan ng gobyerno ang kalidad ng hybrid na


palay? 11

Anu-anong mga bansa ang matagumpay na nagtanim ng


hybrid na palay? 12

Sino ang nagpaparami ng binhi ng hybrid na palay? 13

Saan makabibili ng binhi ng hybrid na palay? 13

Saan makabibili ng hybrid na bigas? 14

Proseso ng Paggawa ng Pampublikong Hybrid na Binhi 15

Direktoryo ng mga nagpaparami ng binhi ng hybrid na


palay 16
Q&A ukol sa Hybrid Rice

Ano ang hybrid na palay?

Ang hybrid na barayti ng palay, na tinatawag ding F1,


ay ang bunga ng unang henerasyon ng paglalahi ng dalawang
barayti ng palay na nagtataglay ng pinakamahuhusay na mga
katangian. Ang mahuhusay na mga katangiang ito ng mga magu-
lang na palay ay naisasalin sa bunga at ito ay nagreresulta sa
pagkakaroon ng hybrid vigor (lakas-hybrid) o heterosis. Ang
mga tanim na hybrid na palay ay nagbubunga ng mas maraming
butil bawat uhay kaysa sa karamihan ng mga inbred na barayti
ng palay. Ang mga salik na nabanggit ang dahilan kung bakit
mas mataas ang ani ng hybrid na palay kaysa ordinaryong palay.
Ang karaniwang tawag sa hybrid na palay ay Mestiso.

Paano naiiba ang hybrid na palay sa ordinaryong palay o in-


bred?

Karamihan
sa mga tanim na
palay na makikita
sa mga bukirin sa
ngayon ay mga
inbred. Ang mga
ito ay may bu-
laklak ng palay
na pambabae at
panlalaki na nag-
bibigay daan sa A- line R- line
pagbuo ng butil sa
pamamagitan ng F1
self-pollination o Fig. 1
inbreeding (paglaglag ng polen sa istigma ng bulaklak ng iisang
halaman). Maaaring itanim ang mga inaning inbred na palay sa
susunod na mga panahon ng taniman na walang gaanong kaba-
wasan sa ani.
1
Agosto 2010

Sa kabilang dako naman, ang binhi ng hybrid na palay


ay nabubuo sa pamamagitan ng cross pollination na kung saan
ang polen mula sa bulaklak ng isang barayti ng palay (R line) ay
nalalaglag sa istigma ng bulaklak ng ibang barayti (A-line) (Fig.
1) Magkatabing itinatanim ang mga magulang ng palay at ang
polinasyon ay isinasagawa sa paraang natural at artipisyal. Ang
R-line ay katulad din ng ibang inbred ngunit, may katangian ito
na makapagbigay ng hybrid vigor. Samantala, ang A-line na-
man ay isang uri ng barayti na sterile ang polen. Kinakailangan
ang polen sa ibang barayti o halaman (R line) upang makabuo
ng butil. Sa A-line na halaman nabubuo ang binhi ng hybrid na
palay.

Gayunpaman, ang pagtatanim ng binhing hybrid na palay


ay gaya rin ng ginagawa sa mga inbred at ang reproduksiyon
ay sa pamamagitan din ng self-pollination. Ang ani mula sa
hybrid ay parehas din ang itsura ng sa inbred, lamang, hindi ito
magandang gamiting binhi dahil sa nawalang hybrid na lakas
na magpapababa sa ani, hindi pantay na taas at hindi sabay na
pagkahinog ng mga butil.

Ano ang tradisyunal, HYV, MRV, kumbensiyonal na barayti, at


NPT o super rice? Paano sila naiba sa hybrid na palay?

Tradisyunal, HYV (high yielding varieties) o barayting


mataas mag-ani, MRV (modern rice varieties) o modernong
barayti, kumbensiyonal na barayti at NPT (new plant type) o
bagong tipo ng halaman o super rice ay mga katawagang gina-
mit sa iba’t-ibang uri ng inbred na barayti.

Ang mga tradisyunal na barayti ay matataas at madaling


dumapa. Mababang umani ang barayting ito, mga 2 hanggang
2.5 t/ha ang ani, at minsan lamang sa isang taon puwedeng
itanim dahil 5 hanggang 6 na buwan bago mamunga ang bunga.
Namamanahon din sila, ibig sabihin mamumulaklak lamang sila
2
Q&A ukol sa Hybrid Rice

kung maiksi ang araw. Karaniwang mabango at


masarap ang barayting ito.

Ang HYV, MRV at kumbensiyonal na ba-


rayti ay iisa lamang. Ito ay mga barayting may
mababa o katamtamang taas; namumunga sa
loob ng 4 na buwan pababa, hindi namamana-
hon kung kaya posible ang tatlong anihan sa
isang taon; mataas umani; malakas tumugon
sa abono; maraming magsuwi; at angkop na
angkop sa mga bukiring may tiyak na patubig.

Ang new plant type (NPT) o super rice


ay bago at modelong tipo ng halaman para
sa sabog-tanim. Ang aning 12 t/ha na siyang
pinupuntirya ay makakamit sa pagbabagong-
anyo ng arkitektura ng palay na nagtataglay
ng mga katangianag walang suwing hindi mamumunga; 150
hanggang 200 butil bawat uhay; mabigat na timbang ng butil sa
bawat uhay; matatag na mga ugat; matibay na uhay; makapal
at berdeng dahon, at mahabang mga butil. Ang mga mananalik-
sik ay patuloy na pinauunlad ang resistensiya nito sa aksip at iba
pang peste ng palay.

Ang mga tradisyunal na barayti, HYV, MRV, kumbensiyo-


nal na mga barayti, at mga NPT o mga super rices, lahat sila ay
self-pollinated (inbred) hindi katulad ng hybrid na palay. Ang
mga makabagong inbred ay ginagamit ding halamang pinagmu-
mulan sa pagtuklas ng bagong hybrid na barayti na maaaring
magbigay ng mas mataas pang ani.

Ang hybrid na palay ba ay GMO?



Ang hybrid na palay na mayroon tayo sa kasalukuyan ay
hindi genetically modified organism (GMO). Samantala, ang
3
Agosto 2010

PhilRice ay sumusuporta at patuloy na nananaliksik sa paggamit


ng genetic engineering sa pagpapaunlad ng mga barayti ng pa-
lay.

Ano ang lakas- hybrid?

Tinatawag ding hy-


brid vigor o heterosis, ang
lakas-hybrid ay bukod-
tanging sa mga palay na
hybrid lamang nakikita, at
ito ay nahahayag sa mga
yugto ng maagang paglago
at pagsusuwi ng tanim na
palay. Ang lakas- hybrid
na ito ang siyang nagpa-
parami ng mga butil sa
bawat uhay na nagpapataas
ng ani. Ang phenomenon o kababalaghang ito ay dahil sa syner-
gy ng mga positibong katangian ng mga pinagmulang halamang
palay. Ang mga pinagmulang halaman na palay na ginagamit sa
pagbuo ng hybrid na barayti ay karaniwang may maiinam na
katangian sa produksiyon ng hybrid na palay.

Anong binhing hybrid na palay ang maaaring itanim ng mga


magsasaka sa ngayon?

Ang mga magsasaka ay hinihimok na magtanim ng


hybrid na palay dahil makatutulong ito sa pagkakaroon natin
ng kakayahang mapunan ang pangangailangan natin sa bigas,
pagpapataas ng ani at kita at karagdagang empleyo. Maaaring
makapamili mula sa mga hybrid na pinaunlad ng mga pampub-
likong institusyon, tulad ng Mestiso 1, Mestiso 2, Mestiso 3 at
mga hybrid na pinaunlad naman ng mga pribadong kumpanya
tulad ng SL8H, Bigante at Rizalina 28. Noongtaong 2009, may
4
Q&A ukol sa Hybrid Rice

25 binhing hybrid na
nailabas. Karamihan
sa mga ito ay mai-
tatanim lang kung
tag-araw samantalang
ang ilan, tulad ng
Mestiso 19 at Mestiso
20 ay maaaring itanim
tag-araw man o tag-
ulan. Magpahanggang
ngayon ay patuloy pa
rin ang pagtuklas ng bagong binhi na makapagbibigay ng mas
mataas na ani at matibay sa sakit at peste.

Gaano ang taas ng ani na maaaring makamit ng mga magsa-


saka sa paggamit ng hybrid na palay?

Ang hybrid
na palay ay
maaaring
makapagbigay
ng karagda-
gang 15% ani sa
kasalukuyang
ani ng mga
magsasaka. Sa
tamang pa-
mamahala at
paborableng
kapaligiran,
makakamit ng
mga magsasaka ang aning 12 t/ha sa bawat anihan.

Ang mataas na ani ng hybrid na palay ay mapatototohan-


an ng mga magsasakang nakapagtala ng matataas na ani mula
5
  

Agosto 2010

2004 hanggang taong 2009.

Sila ay gaya ng mga sumusunod:

Umani ng 12.9 tonelada sa siang ektarya si ramil Jimenez


ng Calintaan, Occidental mindoro at dineklara siyang hybrid rice
highest yielder noong DS 2010. Ang aning ito ay malayo sa dati
niyang inaani na 3.5-4 t/ha.

Noong 2009, nagtala ng pinakamataas na ani ng hybrid


rice si Severino Payumo ng Cabanatuan City, Nueva Ecija, na
umani ng 17.28 t/ha. Hindi din patatalo sa mataas na ani mula
sa hybrid si Dominador Ercilla ng San Jose, Nueva Ecija na um-
ani ng 16.02 t/ha (DS 2007)

Sa mga nakaraang taon, nakakuha din ng mataas na ani


sina Eulogio Guira (14.52 t/ha) ng Magsaysay, Davao del Norte;
Aida badong (17.2 t/ha) ng Camarines Sur; Antonio villanueva
(12.2 t/ha) ng Tagudin, Ilocos Sur; at Purificacion Perez (11.7 t/
ha) ng Victoria, Laguna.

Paano naiba ang produksiyon ng hybrid na palay sa kinagawi-


ang pagsasaka ng mga magsasaka?

Ang pagsasaka na gamit ang binhing hybrid na palay ay
katulad din ng sa pangkaraniwang inbred na palay maliban sa
ang hybrid ay nangangailangan ng mas mataas na atensiyon sa
paggawa ng punlaan at pamamahala ng punla. Dapat malulusog
ang mga punla na gagamitin sa pagtatanim at matitibay at buo
ang mga ugat upang maiwasan ang paggambala sa mga ugat. Sa
ganitong paraan, maipapakita ng palay ang kanyang hybrid na
lakas sa maagang panahon ng paglago na siya namang magpapa-
taas sa inaasahang ani.

Ang isang natatanging pagbabago mula sa nakasanayang


6
Q&A ukol sa Hybrid Rice

pamamaraan ng mga magsasaka ay ang dami ng binhing gina-


gamit
bawat
ektarya.
Sa naka-
gawian,
40 hang-
gang 120
kg ng
binhi ang
ginag-
amit.
Kapag
hybrid na
palay, 15 hanggang 20 kg lamang binhi ang ginagamit.

Upang masiguro ang pagtubo ng mga binhi ng hybrid na


palay, ang mga binhi ay dapat ibinababad sa malinis na tubig sa
loob ng 12 hanggang 24 oras o hanggang mamaga ang mga binhi.
Kung hindi sa umaagos na tubig ibinabad ang mga binhi, palitan
ang tubig sa loob ng lalagyan tuwing anim na oras. Hugasan ang
mga binhi pagkatapos ibabad at ilagay sa sako na nakapatong
sa kawayan o kahoy na plataporma at kulubin ng dayami upang
mapabilis ang pagpapasibol ng mga binhi. Pasibulin hanggang sa
may lumabas na puting tuldok ang embriyo.

Maari bang gamitin ang PalayCheck® sa pagpapalago ng hybrid


na palay?

Oo. Ang paraang ginagamit sa pagpapalago ng hybrid na


palay ay katulad din ng sa inbred maliban lamang sa pangangal-
aga. Mas mataas na atensyon sa paggawa ng punlaan at pama-
mahala ng punla ang kinakailangan ng hybrid.

7
Agosto 2010

Ang hybrid na palay ba ay maaaring gamitin sa sabog-tanim?

Oo. Sa Isabela, ang mga magsasaka ay nagtatanim ng hy-


brid na palay sa pamamagitan ng sabog-tanim upang matugunan
ang problema sa lakas-paggawa sa panahon ng pagtatanim. Mas
gusto ng mga magsasaka ang sabog-tanim para sa produksyon
ng hybrid dahil nadadagdagan ang kita nila ng P1,500 hanggang
P3,000 bawat ektarya.

Ang sabog-tanim na hybrid ay may aning 8 hanggang 9 t/


ha o katulad din ng dami ng ani sa lipat-tanim na hybrid.

Sa Sultan Kudarat, ang hybrid na palay ay isinasabog-


tanim sa pamamagitan ng drum seeder sa daming 30 kilogram
bawat ektarya.

Maaari bang gamiting binhi ang aning hybrid na palay at
makuha na gaya ng sa orihinal na binhi ang kaparehas na
dami ng ani?

Hindi. Bagama’t ang inaning palay mula sa mga barayt-


ing inbred ay maaaring itanim ng mga magsasaka sa susunod
na taniman, mas mainam pa rin ang pagtatanim ng certified
seeds. Nararapat na bago at sertipikadong binhi ang gagamitin
sa bawat pagtatanim. Higit na mahigpit ang rekomendasyon
na ang inaning hybrid na palay ay hindi na maaaring gamiting
binhi. Kung hindi, ito ay magreresulta sa hindi pantay-pantay
na taas ng mga halaman, hindi sabay sabay na pagkahinog ng
butil, at bababa ng 40% hanggang 60% ang ani. Upang makamit
ang mataas na ani, kailangang bumili ng bagong binhi ang mga
magsasaka bawat panahon ng taniman.

8
Q&A ukol sa Hybrid Rice

Ang hybrid na palay nga ba ay hindi maka-mahirap?

Hindi. Ang hybrid


na palay ay hindi totoong-
di-ukol sa mga mahihi-
rap na magsasaka dahil
lamang sa kinakailangang
bumili ng bagong binhi tu-
wing panahon ng taniman.
Ang totoo, sa pagtatanim
ng hybrid na palay ay mas
tataas ang ani ng hang-
gang 15% pataas kumpara
sa inbred. Sa tamang-tamang pamamahala at paborableng ka-
paligiran, maaring umani ng 12t/ha.

Magkano ang magagastos sa pagtatanim ng hybrid na


palay?

Maliit lamang ang dagdag na gastos sa paggamit ng bin-
hing hybrid. Ang dagdag na gastos ay para sa binhi at maingat
na pagbunot at paglipat-tanim ng mga punla.

Ayon sa 2009 datos mula sa Department of Agriculture,


ang karaniwang gastos sa produksiyon ng hybrid na palay ay
P43,634/ha sa bawa’t panahon ng pagsasaka. Para naman sa
pagbibinhi ng hybrid o seed production, ang gastusin ng isang
seed grower ay umaabot ng P67,230/ha.

Bagama’t mataas ang gastos sa pagtatanim ng hybrid,


mas mataas pa rin ng P15,000- P20,000 ang kita mula sa aning
hybrid na palay.

9
Agosto 2010

Paano sinusuportahan ng pamahalaang Pilipinas ang pagpapa-


palaganap ng hybrid na palay?

Sinuportahan ng ating pamahalaan ang pagpapalaganap


ng hybrid na palay. Isa sa pangunahing programa ng gobyerno ay
ang komersiyalisasyon ng hybrid na palay hanggang magkaroon
ang bansa ng kakayahang matugunan ang pangangailangan sa
bigas, makalikha ng mga trabaho, at mabawasan ang kahirapan
sa mga kanayunan. At upang matiyak ang implementasyon nito,
pinangungunahan ng Department of Agriculture katuwang ang
PhilRice at iba pang ahensya ng gobyerno ang programa para sa
Komersiyalisasyon ng Hybrid na Palay (Hybrid Rice Commercial-
ization Program).

Anu-ano ang iba pang mga pamamaraan upang mapabuti ang


hybrid na palay?

Ang kalidad ng hybrid na palay ay mapabubuti sa pa-


mamagitan ng paggamit ng minus-one element technique
(MOET) kit at ng leaf color
chart (LCC).

Ang MOET ay isang


pamamaraan ng pag-alam
ng mga kulang na sustansi-
ya ng lupa tulad ng zinc at
sulfur. Sa paggamit nito,
matutukoy kung anong
sustansiya ang kulang dahil
ang basehan sa pagtukoy
ay ang aktwal na pagsulong
ng palay.

Ang LCC naman sa kabilang dako, ay isang maliit na plas-


tic ruler na may apat na iba’t-ibang kulay na berde na siyang
10
Q&A ukol sa Hybrid Rice

kumakatawan sa iba’t-
ibang kulay ng dahon ng
palay.
Sa pamamagitan
ng LCC, ang tamang
panahon sa paglalagay ng
tamang dami ng abono
ng nitroheno ay matu-
tukoy. Makatutulong
din ito sa paggabay sa
wastong paggamit ng
abono at mapoprotek-
tahan ang lupa at mga tubigan mula sa kontaminasyon bunga ng
labis na paglalagay ng abono.

Mabibili ang MOET at LCC sa PhilRice sa Maligaya, Sci-
ence City of Munoz, Nueva Ecija; at sa mga sangay nito sa: Los
Banos, Laguna; San Mateo, Isabela; Batac, Ilocos Norte; Cansi-
layan, Murcia, Negros Occidental; Midsayap, North Cotabato; at
RTR, Agusan del Norte.

Paano pinangangalagaan ng gobyerno ang kalidad ng hybrid
na palay?

Ang mga ahensiya ng gobyerno


ay nagsasagawa ng mga regular na
pagsasanay sa produksiyon ng hybrid
na palay para sa mga magsasaka. Nag-
sasagawa rin ang PhilRice ng taunang
pagsasanay sa produksiyon ng binhi ng
hybrid na palay para sa mga magbibin-
hi, extension workers, at mga interesa-
dong magsasaka.

Ang mga paksang katulad ng pa-


11
Agosto 2010

mamahala ng binhi, pamamahala ng punlaan, paglilipat-tanim,


at pamamaraan sa pagseseguro ng kalidad ng binhi ay tinatala-
kay.

Ang isang mag-


bibinhi bago ma-akredit
ay kailangang sumaila-
lim sa serye ng mga
pagsasanay sa produk-
siyon ng binhi ng hybrid
na palay na isinasa-
gawa ng Department
of Agriculture, Agricul-
tural Training Institute,
PhilRice at mga lokal na
yunit ng pamahalaan.
Bilang karagdagan, ang mga ahensyang nabanggit ay nagbibigay
din ng mga kurso para sa mga magbibinhi habang ang National
Seed Quality Control Services at PhilRice ay nagtatalaga ng mga
inspektor ng binhi sa kritikal na panahon ng palay upang masig-
uro ang kalidad ng mga binhi.

Ang pagsusuri sa laboratoryo sa pagiging puro ng binhi,


moisture content, grain mixture, at porsyento ng pagtubo ay
kasama sa pagpapanatili ng kontrol sa kalidad ng binhi.

Anu-anong mga bansa ang matagumpay na nagtanim ng


hybrid na palay?

Nagtatanim ang China ng hybrid na palay sa halos 50%


ng kanyang 33 milyong ektaryang taniman ng palay na nag-
dadagdag ng 300 bilyong kilogramo sa kabuuang ani ng butil.
Sa kabuuang produksyon ng palay ng China, 66% ay hybrid na
palay. Para sa kabuuang produksyon ng palay sa buong mundo,
12
Q&A ukol sa Hybrid Rice

umaabot sa 20% ang kontribusyon ng China. Ang teknolohiyang


hybrid na palay ang tumulong sa China na mapataas ang produk-
siyon ng palay mula 140 milyong tonelada noong 1978 sa 188
milyong tonelada noong 1990.

Samantala, 1.4 M na ektarya naman ang pinagtataniman


ng palay na hybrid sa India, 735,000 ektarya sa Bangladesh,
645 ektarya sa Vietnam ang pinagtataniman ng hybrid habang
814,349 ektarya naman ang target ng Pilipinas para sa 2013.

Sino ang nagpaparami ng binhi ng hybrid na palay?

Ang nagpaparami, nagpapalaganap at nagbebenta ng hy-


brid na palay ay ang sektor publiko at grupo ng mga pribadong
sektor. Kabilang dito ang mga unibersidad, kooperatibang nagta-
tanim ng binhing hybrid, mga kumpanya ng binhi, mga interesa-
dong NGO at iba pang mga organisadong mga grupo, gayundin
ang mga akreditadong magbibinhi.

Espesyal na pansin ang ibinibigay ng PhilRice, na isa rin


nagpaparami ng binhi, sa mga organisadong grupo upang sila
ay maengganyo sa produksiyon ng hybrid na palay. Sa gani-
tong paraan, napapadali ang pagsesertipika ng mga binhi,
nakakamit,napapabilis ang distribusyon at pagbebenta ng binhi
at ng mga magbibinhi ang mga benepisyong dulot nito.

Mapapabilis din ang pagkakaroon o availability ng binhi


sa mga magsasaka na nais magtanim ng hybrid.

Saan makabibili ng binhi ng hybrid na palay?

Mabibili ang binhing hybrid na palay sa lahat ng mga san-


gay ng PhilRice sa Ilocos Norte, Isabela, Nueva Ecija, Laguna,
Negros, Midsayap at Agusan. Makabibili rin sa mga lokal na yunit
ng pamahalaan at sa mga panrehiyong tanggapan ng Depart-
13
Agosto 2010

ment of Agriculture. Ang isang kilo ng binhi ay nagkakahalaga


ng P195 mula sa mga nabanggit na ahensiya. Ang mga kooper-
atiba at pribadong sektor ay nagdadala rin ng binhing hybrid sa
mga distibutors nila.

Saan makabibili ng hybrid na bigas?

Sa mga supermarket, katulad ng SM, Gaisano, at Walter-


mart, ay may mga naka-paketeng hybrid na bigas na maaaring
mabili. ang mga ito ay karaniwang mula sa mga sangay ng Phil-
Rice at mga kooperatiba ng magsasaka.

14
Q&A ukol sa Hybrid Rice

Proseso ng Paggawa ng Pampublikong Hybrid na Binhi

Producers Seed Type

PlantbBreeders
Breeding Nucleus Seed
institutions/companies

Breeding
institutions/ Breeder seed
companies
Plant breeders

PhilRice
Selected/
accredited Foundation seed
Seed growers
Seed companies

Seed growers Registered seed


Seed companies

Seed growers
Companies F1 hybrid seed
(certified)

Farmers

15
Agosto 2010

Direktoryo ng mga nagpaparami ng binhi ng hybrid na palay

Cordillera Autonomous Region Apayao

Marcelo B. Menor Sta. Lina, Luna


Santiago B. Julian Sta. Lina, Luna
Reynaldo A. Valenzuela Dagupan, Luna
Paulino B. Agorilla Dagupan, Luna
Clarito M. Baddo San Francisco, Luna
Benovento A. Baddo San Francisco, Luna
Arthurito B. Batalla San Isidro/Tumog, Luna

Reg. I - Pangasinan

Esmael O. Oduca Colayo, Bani


Edward O. Orlino Colayo, Bani

Reg. II - Isabela

Artemio R. Alivia Magdalena, Cabatuan


SIMCA Model Rice Cluster Simimbaan, Roxas
MPC c/o Ramon J. Oliveros, Jr.

Reg. VIII - Leyte

Sofronio S. Chu Mas-in, Ormoc City


James Raymond C. Pongos Monterico, Ormoc City
Alfredo Q. Roble Valencia, Ormoc City
Arnulfo P. Salinas Guintigui-an, Ormoc City
Leonito D. Sarsoza Liberty, Hilongos
Cipriano T. Labang Lonoy, Kananga,
Dionesio C. Sojero Naghalin, Kananga
Edgardo A. Tapdasan Canlutao, Kananga
Edgardo D. Romero Naghalin, Kananga
Elizalde C. Porcare Sto Niño, Kananga
Ma. Elsie H. Pocson Naghalin, Kananga
Imelda M. Porcare Tugbong, Kananga
Leonila M. Burato Tugbong, Kananga
Lorenzo M. Aseo Tagaytay, Kananga
Ma. Elsie B. Durano Tugbong, Kananga
Paquito B. Huete Rizal, Kananga
16
Q&A ukol sa Hybrid Rice

Rey F. Torrecampo Sto Niño, Kananga


Rogelio C. Ybañez Naghalin, Kananga
Rogelio C. Canales Libertad, Kananga
Teofilo J. Baclohan, Jr. Sto. Niño, Kananga

Reg. XI - Davao del Sur

John Tracy F. Cagas Sacub, Hagonoy


Victor H. Superales Sinayawan, Hagonoy
Ignacio R. Cerna, Jr. Bagumbayan, Lupon
Romeo G. Rubi Langka, Lupon
Bonifacio D. Demafeliz Rang-ay, Banaybanay
Balbino A. Alingalan Pob. Banaybanay
Henry A. Lim Langka & Bagumbayan, Lupon
Yolando A. Mante Pob. Banaybanay
Felix T. Mejos Pob. Banaybanay
Concordio D. Bagaoisan Rang-ay, Banaybanay
Joey S. Yee Pob. Banaybanay
Rosario S. Mante Pob. Banaybanay
Dalisay P. Sinsal Pob. Banaybanay
Orlando S. Basilio San Isidro, Hagonoy
Rebecca S. Salvador New Ilocos, Magsaysay

Private Companies

BAYER Crop Science


MR. STEPHANE POUZADOUX
3/F Bayer House
Canlubang Industrial Estate
Calamba, Laguna

SL AGRITECH
MR. HENRY LIM BON LIONG
Lotus Asia, Sterling Place
2302 Pasong Tamo Extension
Makati City, 1231

BIOSEED Research Phil.


DR. RAJEEV V. NAYAK
G/F Animas Building
San Pedro Street, Lagao
General Santos City, 9500
17
Agosto 2010

SYNGENTA Phils., Inc


MR. RECHER E. ONDAP
Bldg 1-B Sunblest Compound
Km. 23, West Service Road
Cupang, Muntinlupa City

SEEDWORKS Phil. (IPL)


MR. CARLOS SAPLALA
1775 Gov. San Luis Rd.
Puypuy, Bay, Laguna

PIONEER Hi-Bred Philippines, Inc


MR. JET G. PARMA
24F Antel Global Corporate Center
Doña Julia Vargas Avenue
Ortigas Center, Pasig City

BMDOMINGO Seed Farm


MR. BENITO M. DOMINGO
Rizalina, Aurora, Isabela

DHAANYA Seeds Philippines


MR. ARMAND M. BANTOC
11017 Palm Drive, Faculty Village
Batong Malake, Los Baños, Laguna

HI-YIELD SEEDS Corporation


MR. RENATO VENTURINA
22nd Floor, PearlBank Bldg.
Valero, Makati City

18
Q&A ukol sa Hybrid Rice

Mga Espesyalista sa Paksain


Alex T. Rigor PhD*
Imelda A. dela Cruz*
Lea dR. Abaoag**
Flordeliza H. Bordey **
Manuel G. Gaspar, PhD **
Edilberto D. Redoña **

(* Filipino version ** English version)

Tagapamahalang Patnugot
Christina A. Frediles


Tagapayong Pangpatnugutan
Atty. Ronilo A. Beronio
Andrei B. Lanuza

Acknowledgement:
Ginintuang Masaganang Ani Program (GMA Rice)
National Seed Quality Control Services
Juliet F. Pariñas

Para sa karagdagang impormasyon, mag text sa Farmers’ Text center 0920-


911-1398

Sumangguni sa: Plant Breeding and Biotechnology Division


Philippine Rice Research Institute
Maligaya, Science City of Muñoz, nueva Ecija 3119
Tel No. (44) 456-0258; 0113; 0651 local 413

Hinihiling na magbigay ng kaukulang pagkilala kung ninanais na kopyahin


ang anumang nilalaman ng babasahing ito.

19
PhilRice ®

We are a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through
Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing
technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.
We accomplish this mission through research, development, and extension (RD&E) through our central
and branch stations coordinating with a network that includes 57 agencies and 70 seed centers strategically
located nationwide.
Our R&D structure for 2006-2010 includes four programs and 19 major projects. Our interdisciplinary
programs are favorable environment, unfavorable environment, impact and policy research, and knowledge
management and promotion. With these programs, We aim to develop and promote technologies that are
ecosystem-based, location- and problem-specific, and profitable to the Filipino farmers.
We have the following certifications: ISO 9001:2000 (Quality Management System), ISO 14001:2004
(Environmental Management System), and OHSAS 18001:1999 (Occupational Health and Safety Assess-
ment Series).

for more information, write, visit or call:


PhilRice Central Experiment Station PhilRice Isabela
Science City of Muñoz San Mateo, 3318 Isabela
3119 Nueva Ecija Tel/Fax: (78) 664-2280, -2954
Trunklines: (44) 456-0277, -0258, E-mail: san_mateo@philrice.gov.ph
-0649, -0426, -0433
Telefax: (44) 456-0651 to 52 loc 218, PhilRice Los Baños
261, 309, 413, 512, 515, and 529 UPLB Campus, College
Text Center: 0920-911-1398 4031 Laguna
E-mail: prri@philrice.gov.ph Tel: (49) 536-3631 to 33
Website: http://www.philrice.gov.ph Fax: 536-3515; -0484
E-mail: los_banos@philrice.gov.ph
PhilRice Agusan
Basilisa, RTRomualdez PhilRice Midsayap
8611 Agusan del Norte Bual Norte, Midsayap
Tel: (85) 818-4477; 343-0778 9410 North Cotabato
Tel/Fax: 343-0768 Tel: (64) 229-8178
E-mail: agusan@philrice.gov.ph Tel/Fax: 229-7242
E-mail: midsayap@philrice.gov.ph
PhilRice Batac
MMSU Campus, Batac City PhilRice Negros
2906 Ilocos Norte Cansilayan, Murcia
Tel/Fax: (77) 792-2545, -4702 6129 Negros Occidental
E-mail: batac@philrice.gov.ph Tel/Fax: (34) 446-0835
E-mail: negros@philrice.gov.ph

PhilRice Field Office


CMU Campus, Musuan
8710 Bukidnon
Tel: (088) 222-5744
Department of Agriculture
®

Philippine Rice Research Institute

You might also like