Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MARIES CHRISTIAN SCHOOL

1st MONTHLY EXAMINATION


ESP 4

NAME:_____________________________________SCORE:______
I.BILUGAN ANG TAMANG SAGOT.
1. Mayroon kang alkansyang malapit nang mapuno. Biglang nangailangan ng pera ang
iyong kaibigan. Sinabi sa iyong babayaran niya sa sweldo ng kanyang tatay.
a. Sasabihin kong kinuha na ng nanay ko ang aking pera.
b. Bubuksan ko ang aking alkansya at papahiramin ko siya ng pera.
c. Hindi ko siya papansinin.
2. May mga nakakapuna sa pagkakaroon ng amoy sa katawan ng iyong kaibigan.
a. Pag sasabihan ko ang aking kaibigan.
b. Pababayaan ko silang dumaldal.
c. Tutuksuhin ko ang aking kaibigan.
3. Tamad mag-aral ang iyong kaibigan, Minsan nag test kayo at gusto niyang kumopya
sa iyo.
a. Hindi ko siya papakopyahin.
b. Pakokopyahin ko siya.
c. Sasabihin ko mangopya siya sa katabi niya.
4. Nagsumbong sa iyi ang kaibigan mo tungkol sa malimit na pag-aaway ng kanyang
mga magulang.
a. Tutulungan ko siyang magi sip ng paraan para magkaunawaan ang kanyang mga
magulang.
b. Uudyukin ko siyang layasan na ang kanyang mga magulang.
c. Aayain ko siyang sa amin tumira.
5. Alam mong nagsisinungaling ang kaibigan mo sa inyong guro.
a. Sasabihin ko sa aming guro na totoong lahat ng mga pahayag ng aking kaibigan.
b. Sasabihin ko sa aking kaibigan na tama ang magsinungaling.
c. Sasabihin ko sa aking kaibigan na ako ang magsasabi ng totoo kapag hindi niya
binawi ang kanyang mga pahayag.
6. Sampu sandaan ang tindang mansanas sa pwesto ni Aling Trining. Bumila ka ng
sampung mansanas. Pasakay ka na sa jip nang bilangin mo ang laman ng hawak mong
supot. Labindalawang mansanas ang nabilang mo.
a. Babalik ako sa aking binilhan para isauli ang sobra.
b. Sasakay na ako sa jip.
c. Hindi ko naman kasalanan na sumobra ang mansanas kaya hindi ko na isasauli.
7. Bumili ka sa isang sari sari store, itinuro mo ang iyong binibili kaya tumalikod ang
tindera. Nasa harap mo ang ibat ibang prutas kasama na ang paborito mong mangga.
a. Dadampot ako ng mangga at mabilis kong isisilid sa aking bulsa.
b. Bibili ako ng mangga kung may sobra pa sa perang ibabayad ko sa aking binibili.
c. Nanakawin ko nalang at hindi na babalik sa tindahang iyon.
8. Nakasakay ka sa bus. Hindi ka nasingil ng kundoktora nang tinawag siya ng drayber.
Pababa ka na, hindi ka parin niya binabalikan.
a. Bababa na ako nang hindi nagbabayad.
b. Hindi nalang ako bababa
c. Iaabot ko sa kundoktora ang aking bayad bago ako bumaba.
9. Balikbayan ang inyong tita Violy. Inabutan ka niya ng dalawang supot. Bilin niyang
ibigay mo sa iyong kapatid ang isang supot. Nakita mong ibat ibang klase ng tsokolate
ang laman ng dalawang supot.
a. Iaabot ko nang walang bawas ang supot na para sa aking kapatid
b. Babawasan ko ng laman ang isang supot. Iyon ang ibibigay ko sa aking kapatid
c. Hindi ko ibibgay sa kapatid ko at kakainin ko lahat.
10. Dati-rati, sabay pa nating pinangarap ang lahat. Umaawit pa sa hangin, amoy araw
ang balat. Naalala ko pa non nag aagawan ng Nintendo.
a. Lumaban ka nang payabangan sa iyong mga kapatid.
b. Sikapin mong mapalapit sa iyong mga kapatid.
c. Lumayo ka na sa iyong mga kapatid
II. BILUGAN KUNG ANONG DAMDAMIN NA IPINAHIHIWATIG
NG IPINAHAYAG O IKINILOS NG TAUHAN.
11. Napaka bait naman pala ng kamag aral mo.
a. pagkalito b. pagkasiya c. pagtitiwala
12. Ano kaya ang ipinakain ni Lin Chin kay Lilian at ganoon na lamang ang
pagmamalasakit nito sa intsik na iyon.
a. pagkainis b. pagtatampo c. pagtataka
13. Walang nagawa si Ben kundi tumungo nang pagtawanan ng mga kabarkada ni
Annie.
a. pagkahiya b. pagkatuwa c. pagkagalit
14. Kung siya’y magaling para sa iyo, kayong dalawa ang magsama.
a. pagkatakot b. pagkalito c. pagkainis
15. May panahon pa para ako magbago.
a. panghihinayang b. pagkagulat c. pagsisisi
16. Darating na raw ang rubbershoes ko sabi ni kuya. Gustong gusto ko nang makita
iyon.
a. pagkasabik b. pagkainip c. pagkalito
17. May tumatahol na asong papalapit sa bata. Dali dali siyang tumakbo papasok sa
kanilang bakuran.
a. pagkainis b. pagkalungkot c. pagkatakot
18. Napagsalitaan kita ng masakit, Patawarin mo sana ako.
a. pagkabigla b. pagsisisi c. pagkahiya
19. Iniabot ng ate ang kaisa isang piraso ng tinapay na naiwan sa balutan sa kanyang
kapatid. Nagtiis na lamang siya sa isang basong tubig.
a. pagmamahal b. pagkainggit c. paghanga
20. Nakasakay sa jip si Trixie, Hawak niya ang perang pambayad nang bigla niya iyong
nabitiwan. Habul habol niya ng tingin ang kanyang perang inililipad ng hangin.
a. pagtataka b. pagkasawa c. panghihinayang
III.BIBLE MEMORY VERSE.
A.JOHN 3:16 ( 5PTS )

B.ECCLESIASTES 7:12 ( 5PTS )

GOD BLESS!!!

You might also like