Deskriptibong Pananaliksik

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Deskriptibong Pananaliksik ay imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay kahulugan sa

isang bagay o paksa. Ito ay isang uri ng pagre-research na ginagamitan ng qualitative tools.
Kadalasan itong naglalayon na makahingi ng opinyon o mga bagay na relatibo o naagpapabago
bago sa iba’t ibang tao, sa iba’t ibang pagkakataon, lugar, o panahon. Tumutugon sa tanong sino,
ano, paano at kalian na may kinalaman sa paksa ng pag-aaral
Mga uri ng deskriptibong pananaliksik:
Uri ng paglalarawang paraan
1. Pag-aaral ng kaso (case study) - pagaaral sa isang tao o yunit sa loob ng sapat na panahon.
2. Sarbey - ginagamit para sukatin ang umiiral na pangyayari nang hindi nagtatanong kung
bakit ganoon o ganito ang isang bagay, paksa o pangyayari.
3. Mga pag-aaral na debelopmental -magtatakda at kumukuha ng mapanghahawakang
impormasyon tungkol sa pangkat ng mga tao sa loob ng mahabang panahon.
4. Mga pasubaybay na pag-aaral (follow-up studies) - ibig masubaybayan ang isang paksa
o kundisyon. At upang tiyakin ang bunga ng isang pagaaral.
5. Dokyumentaryong pagsusuri (documentary/content analysis) - pagsusuri ng mga
nasusulat na record at mga dokumento upang malutas ang mga suliranin.
6. Patakarang pagsusuri (trend analysis/feasability study) – ginagamit na datos sa pag-
aaral na ito ang mga kondisyong umiiral sa kasalukuyan,
7. Mga pag-uugnay na pag-aaral (correlational studies) - upang malamin ang iba't ibang
baryabol na magkakaugnay o may relasyon sa isa't isa sa target na populasyon.

Halimbawa:
KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK
Gisella Mari A. Averion, Florentino L. Elic at Fernando A. Garcia
Abstrak:
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng
mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal.
Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng nonrandom
convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa
“convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad
na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang
lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas
ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito
ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa
emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital.
ESTILO NG PAGTUTURO NG MGA GURO AT ANG AKTIBONGMOTIBASYON NG MGA
MAG-AARAL
Jethro A. Lopez, Aljean Mae Alquizola at Rose M. Yap
Abstrak:
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang antas ngestilo ngpagtuturo ng mga guro at
angantas ngaktibong motibasyon ng mga mag-aaral.Ang pananaliksikna ito aygumamit ng
metodong kwantitatib atdeskriptib-korelasyunal. Gumamit ng talatanungan ang mga mananaliksik
nadumaan sa masusing pagsusuri ng mga balideytor upang sukatin ang bigatna nakakapit sa bawat
aytem. Ang mga talatanungan ay ipinasagot sa tatlongdaan tatluput apat (334) na mga
respondentena nag-aaral saDigosCityNational High School sa ika 7 taon.Batay sa
resultangnatuklasan,minsanlamang naginagamit ng guro ang apat na estilo ng pagtuturoat nalaman
dinng mga mananaliksik nasumasang-ayon ang mgarespondentesa mgasalikngaktibong
motibasyonng mga mag-aaralsa pag-aaral ngAsignaturangFilipino.Bukod ditonatuklasan na may
makabuluhang ugnayan ang estilo ngpagtuturo ng mgaguroat ang aktibong motibasyon ng mga
mag-aaral.Kunggayon, inirerekomenda ng mga mananaliksik na ang guro ay dapat maykaalaman
sa mga kakayahanat kagustuhan ng mga mag-aaralsapag-aaralupang ito ay maging basihanng guro
sa kanyang mga pamamaraan o estiloat gawain na gagamitin niya sa pagtuturo.

KAASALANG SEKSWAL AT KAALAMAN SA HIV/AIDS NG MGA LALABINTAUNIN


Roberto E. Javier Jr.
Abstrak:
Isang deskriptibong pag-aaral ito na naglalahad ng nalalaman ng mga lalabintaunin tungkol sa
sexually transmitted infection o STI partikular ang HIV/AIDS kaugnay ng panahon ng pag-unlad
sa aspektong pansarili, pang-sekswalidad, at pansosyal. Ginamitan ng pagtatanong-tanong ang
pananaliksik na ito sa paghahagilap ng datos sa larangan, at sinuri ang mga sagot sa kwalitatibong
pamamaraan. Sa mga umpukan isang panahon ng tag-araw, tinanong-tanong ang mga kabataan sa
mga lungsod sa Kamaynilaan at piling nayon sa lalawigan tungkol sa kanilang libangan, ligawan,
lambingan, pati ang tungkol sa libog. Nabatid na sa may 243 mga binata, binatilyo, dalaga,
dalagita't dalaginding ang nananatiling kinatatakutan ang mga sakit kaugnay ng sekswalidad lalo
na ang HIV/AIDS; kabilang din ang mga sakit gaya ng tuberculosis o cancer, gayundin iyong may
kinalaman sa aspektong sosyal, halimbawa'y bunga ng pandidiri pag-iwas ng iba sa kanila. Marami
sa kanila ang salat ang kaalaman tungkol sa banta ng pagkalat at pagpigil ng HIV/AIDS.
Pinatibayan ng mga literaturang naipon ang nananatiling "feminized" at "stigmatized" na pananaw
ng mga lalabintaunin lalo na ng mga lalaki sa HIV/AIDS at ang mga nakakabagabag na kanilang
pag-uugali kaugnay ng kanilang sekswalidad na maaaring maglagay sa kanila sa tiyak na
kapahamakan ng pagkahawa at pagkalat nito. Kahit pa nga marami na ang nalalaman tungkol sa
HIV/AIDS laganap pa rin ang maling kabatiran tungkol dito.

You might also like