Batayang Kaalam

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 13

BATAYANG KAALAMAN SA MAPANURING PAGBASA

“Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng mga matatayog ang
pangarap, upang matuto. Mabasa ka upang mabuhay.” Winika ito ni Gustave Flaubert, isang manunulat
na Pranses na siyang nagpaunlad ng realismong pampanitikan sa Pransya at sumikat sa kaniyang akda na
Madame Bovary (1857). Ang pananaw na ito ay nagpapahiwatig na bukod sa mga layunin ng pagbasa
upang malibang at matuto, mas malalim at malawak pa ang naibibigay ng gawaing ito.

Sa Ating pang-araw-araw na buhay, 80% n gating mga gawain ay kasangkot ang pagbasa. Binabasa natin
ang ngalan ng kalye, ang mga patalastas, ang mga tala ng pagkain sarestoran, at pamilihan, mga babala
sa daan at marmi pang iba. Bumabasa tayo ng pahayagan, magasin , komiks at iba’t uri ng babasahin at
aklat para sa ating kasiyahan. Kapag tayo’y nag-aaral lalong maraming oras ang ating inilalaan sa
pagbabasa. Sinasabing 90% sa napagaralan ng tao ay mula sa kanyang karanasan sa pagbasa.

KAHUKUGAN NG PAGBABASA

Sa simpleng pagkakahulugan, ang pagbasa ay ang pagkilala at pag-unawa sa mga simbolo at sagisag na
nakalimbag. Ang mga simbolo o sagisag ay tumutukoy sa mga letra, salita, mga parirala o pangungusap.

Ang pagbabasa ay gintong susi na nagbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan.


Pangunahin itong kasangkapan sa pagtuklas ng kaalaman sa iba’t ibang larangan ng buhay.

Ang pagbabasa ay tiket sa paglalakabay sa mga lugar sa daigdig na nais mong marating, pagkilala sa mga
bantog at dakilang tao na hindi mo nakikita. Ito’y patnubay sa landas sa mga karanasan at mga mithiing
iyong pinapangarap.

Sa pagbabasa, naaantig ang iyong damdamin, nagbabago ang iyong saloobin at layunin sa buhay at
nagsisilbi rin itong lunas sa iyong mga suliranin at mga kahinaan.
Ayon kay Toze, ang pagbabasa ay nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at
karunungan. Ito ay isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at
nakakapgdulot ng iba’t bang karanasan sa buhay.

ANG MGA KAHALAGAHAN NG PAGBASA

Karanasan, kabatiran at imahinasyon guniguni ang mahalagang puhunan sa matalinong pagbasa. Ang
kahusayan sa pagbabasa ang nagpapagingganap sa tao. Di matatawaran, samakatuwid, ang importansya
ng pagbasa.

Narito ang ilan sa magandang naidudulot ng pagbabasa:

1. Pangkasiyahan - Sa halip na mabagot sa mabagal na takbo ng oras o tumunganga kung walang


ginagawa, makakapulot ng saya sa pagbabasa.

Halimabawa :

Pagbabasa ng mga “kapalaran” o Horoscope sa isang Tabloid

Pagbabasa ng komiks strip

Pagbabasa ng pinakabagong tsismis sa showbiz

2.Pangkaalaman – Maraming imormasyon ang maaring mabasa, trivia man makabuluhan tungkol sa mg
abagay-bagay sa mundo at kapaligiran.

Halimbawa :

Pagbabasa ng User’s Guide o Instruction Manual para sa isang bagay na bagong bili.

3. Pangmoral – Mababatid ang mga aral sa buhay mula sa pagbabasa upang mabago ang pananaw,
magkaroon ng direksyon, na harapin ang problema.

Halimbawa :

Pagbabasa sa mga banal na sulatin gaya ng Bibliya

Pagbabasa sa mga isinulat ng mga tanyag na pilosopo

4.Pangkasaysayan – Mababalikan ang mga pangyayari sa nakaraan upng magsilbi itong leksyon sa
kasalukuyan at mapaghandaan ang kinabukasan.

Halimbawa :
Pagbabasa ng mg aklat tungkol sa kasaysayan ng mga bansa o mga istorikong dokumentp na isinulat
noong sinaunang panahon.

5.Pangkapakinibanagan – Makatutuklas ng mga kaisipan sa paglikha ng mga bagay na makakatulong sa


pang-araw-araw na pamumuhay.

Halimbawa :

Pagbabasa ng mga magasin tungkol sa isang hobby

Pagbabasa ng mga librong Do-It-Yourself upang hindi na iasa pa sa iba.

6. Pampaglalakbay-diwa – Sa pagbabasa mararating ang malalayong lugar, makakasalamuha ng ibat’t-


ibang tao, at magkakaroon ng pamilyaridad sa mga banyagang bagay o gawa mula sa tulong ng
imahinasyon.

Halimbawa :

Pagbabasa ng Wattpad o Ebooks

Pagbabasa ng mga travel guides o babasahin tungkol sa I ang bansa o di kaya’y ibang daidig/realidad
(totoo man o hindi)

MGA LAYUIN SA MAUNLAD NA PAGBASA

1. Mapabuti ang pag-unawa at bilis sa pagbasa.

2. Maihanda ang mga tiyak na kagamitan sa masidhing pagbasa.

3. Makilala ang mga paksang pinagaaralan.

4. Mapagbuti ang kasanayan sa sa pakikinig, pagsasalita at pagsusulat.

5. Matamo ang mabisang pag-uugali sa pagaaral sa tahanan, paaralan at aklatan.

6. Mapadalisay ang mga kasanayan sa kritikal na pagiisip sa pamamagitan ng pagtataya at pagpapahalaga


sa binabasa.

7. Makamtan ang kasiyahan at katuwaan na dulot ng pagbabasa.

8. Magkaroon ng kalinawan ang pag-iisip tungkol sa mga bagay na di malinaw sa kaalaman gaya ng
paniniwala o sa sakit o sa batas.

9. Magkaroon ng katatagan at kapayapaan sa buhay dahil sa kaalaman sa iba’t-ibang larangan.

10. Magkarron ng pagbabago o paniniwala sa kaugalian at mga desisyon dahil sa pagbabago ng panahon
at makabagong impormasyong nababasa.
11. Magkaroon ng bukas na isipan at tanggapin ang mga bagay na magaan s isipa’t kalooban.

URI NG PAGBASA AYON SA LAYUNIN

1. Pahapyaw na pagbasa - May layunin na nakukuha ng panlahat na impormasyon buhat sa isang aklat,
paghahanap ng materyales sa aklatan sa pamamagitan ng kard katalog o paggamit ng modernong
teknolohiya na kompyuter at internet sa silid-aklatan.

2.Masusing Pagbasa – May layuning makapagbigay ng detalye, makapagbigay ng halimbawa,


makapagbigay ng paghahambing at makapagbigay ng mga dahilan.

MGA KASANAYANG NALILINANG SA PAGBABASA

1. Kasanayan sa pagkuha ng pangunahing detalye at mga kaugnay na detalye.

2. Kasanayan sa pagbuo ng hinuha o palagay.

3. Kasanayan sapagdama o pagkilala sa estilo o paraan ng pagsulat ng manunulat.

4. Kasanayan sa pagkilala sa pamaksang pangugusap.

5. Kasanayan sa pagbubuo o pagbibigay ng konklusyon.

Mga Patnubay sa Pagbasa nang Malakas


1. Materyales na gagamitin ay naaayon sa layunin.

2. Tinsig at wastong galaw ng katawan habang nagbabasa.

3. Lakas ng tinig.

4. Paraan ng pagbugkas at pag-iiba-iba ng tono sa pagbigkas.

5. Paghinto sa wastong panahon at pagbibigay ng buhay at tamang damdamin sa binabasa.

6. Wadtong paghawak ng bagay na babasahin.

Mga Antas ng Pang-unawa sa Pagbasa

1. Literal na Pang-unawa

Ang 2literal na pang-unawa ay ang kakayahang kilalanin ang katotohanan o opinyon sa binabasa.
Mahalaga ang kakayahang ito sa pag-alam ng diwa ng binabasa.

2. Pang-unawang Kritikal

Nangangailangan ng masusing pag-aaral sa paksang tinatalakay ng may-akda. Ang antas sa pagbasang ito
ay nangangailangan ng malawak na kaalaman sa paksang binabaa upang masuri ang mga punto at
makabuo ng matatag na pananaw hinggil dito.

3. Inferensyal na pang-unawa

Ito ay interpretetiv na pagpapahintuloy sa mambababsa na magbigay ng kongklusyong ibinibigay at kung


ano ang ibinigay na imllplikasyon ng awtor.

Mga Teknik sa Pagbasa

1. Iskiming- ito ay pagbasa nang madalian para magkaroon lamang ng impresyon sa materyal kung dapat
o di-dapat basahing muli sa pagbasang ito, ang pokus ay wala sa detalye kundi sa pangkalahatang
kaisipan.
2. Iskaning- mabilis na pagbasa na ang pokus ay makuha ang mga ispesipikong impormasyon.

3. Kaswal- pag-uubos oras lamang ng pagbasa; walang tiyak na intensyon. Ito ay ginagawa habang
naghihintay upang hindi mainip.

4. Kritikal- pagsusuri at pagsasalang ng mga impormasyon ng iyong binabasa; paggamit ng sarili mong
pamantayan kung paniniwalaan o hindi ang impormasyong nabasa.

5. Komprehensibo- pagkuha ng detalye maging ito man ay maliit o malaking detalye. Maingat, masinsin,
matalino itong pagbasa sapagkat mahalaga sa lubos na pagkatuto.

6. Pribyuwing- kinukuha lamangng mamababasa ang mga mahahalagang impormasyon ng isang


babasahin.

Kinukuha ang mga sumusunod:

Pamagat, awtor, publisher, yalaan ng nilalaman, buod ng isang aklat at iba pa.

7. Replektib- pagsasabuhay ng isang mambabasa sa kaniyang binabasa at nauunawaan niya ito nang
lubos.
Proseso ng Pagbasa

Ayon kay William Gray na tinaguriang Ama ng Pagbasa, ang pagbasa ay dumadaan sa apat na hakbang:

1. Persepsyon - ito ay ang hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo at maging sa pagbigkas
nang wasto sa mga simbulong nakabasa.

2. Kumprehensyon - ang prosesong ito ay nagaganap sa isipan kung saan inuunawa ng nagbabasa ang
mga impormasyon at kaisipan ng teksto.

3. Reaksyon - ito ay umaayon sa bisang hatid ng binabasa sa nagbabasa. Sa hakbang na ito hinahatulan o
pinapasyahan ang kawastuhan ng teksto at kahusayan ng may akda.

4. Integrasyon - sa hakbang namang ito, iniuugnay ang mga kaalamang nabasa at mga dati ng kaalaman
at karanasan ng nagbabasa.

Katangian ng Pagbasa

1. Naiuugnay sa pakikinig, pag-unawa at pagsulat.

- Sa tuwing may nagbabasa ay nahahasa ang ating pakikinig dahil nais nating makakuha ng mga
impormasyon kasabay nito ang paggamit natin ng mapanuri o kritikal na pag iisip upang malalimang
maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat.

2. Lumilinang sa iba't ibang kakayahan.


- Gaya na lamang ng winika ni Gustave Flaubert na nagpapahiwatig na bukod sa mga layunin ng pagbasa
ay upang malibang at matuto, mas malalim at malawak pa ang naibibigay ng gawaing ito. Binibigyan tayo
ng pagbasa ng iba't ibang paraan kung paano unawain at suriin ang mundo. Gayundin ay nalalaman natin
ang ideyal sa pamamagitan ng pagsusuri ng iba't ibabg karanasan ng tao at lipunan batay sa nababasa.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Mabisang Pagbasa

1. Basahin at bigkasin nang wasto ang mga titik na nakalimbag sa bawat pahina.

2. Sikaping unawain at ilagay ang sarilisa nararamdaman at pananaw ng may-akda upang lubos na
maunawaan ang binabasa.

3. Unawain ang mensahe ng binabasa.

4.May malawak na talasalitaan.

5. Isaalang-alang ang mga bantas sapagkat ang mga ito ay mahalagang aspekto sa pagbabasa tungo sa
mabuting pa-unawa.

MGA TEORYA SA PAGBASA

TEORYANG BOTTOM-UP

-Ang teoryang ito ay tinatawag na "pagkilala sa sarili at ang teksto ang tinatayang pinakamahalagang
elemento sa pagbasa.

-Ang teksto ang pinakafocus para maunawaan ang binasa. Sa teksto (Bottom) nagsisimula ang pag-unawa
patungo sa tagabasa (Up). Mula sa ibaba pataas ang direksiyon ang pag-unawa.
-Tinawag itong "outside-in" o "data driven ni Smith (1983) sapagkat ang impormasyon sa pag-unawa ay
hindi nagmula o nanggaling sa tagabasa kundi sa teksto.

TEORYANG TOP-DOWN

-Ang teoryang ito ay nagsisimula sa isip ng mambabasa (top) tungo sa tekstop (down).
Naiimpluwensiyahan ang teoryang ito ng siklohiyang GESTALT na nagsasabing ang pagbasa ay isang
"HOLISTIKONG PROSESO" (HOLISTIC PROCESS).

-Ayon din kay Goodman na isa ring masugid na nagpapataguyod ng teoryang top-down. Ang kanyang
paniniwala ang mahusay na pagbabasa ay gumagamit lamang ng kaunting panahon at oras sa pagpili ng
makahulugang hudyat o "cues" sa pag-unawa at pagbibigay kahulugan sa teksto.

-"Inside-out" conceptually driven din kung tawagin ang teoryang ito sa dahilang ang pag-unawa ay
nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto kung saan ang mga dating alam ng mambabasa ay
inuugnay sa mga binanggit na ideya sa teksto ng awtor.

TEORYANG INTERAKTIV

- Binibigyang pansin sa teoryang ito ang pag-unawa bilang proseso at hindi bilang isang produkto. Paano
mararating ng mag-aaral ang kanyang sagot (tama o mali?). Sinusuri natin ang naging proseso sa
kasagutan ng mag-aaral. Sa interaktiv na proseso, matutulungan ng guro ang mambabasa upang lubos
niyang maunawaan ang teksto.

TEORYANG ISKEMA

-Sa teoryang ito, Pinaniniwalaang ang teksto ay walang kahulugang taglay sa sarili. Ito (teksto) ay
nagbibigay lamang ng direksiyon sa nakikinig o nagbabasa kung dating kaalaman. Ang "Background
knowledge" ang aligang kaalaman at ang kayariang balangkas ng dating kaalaman ang iskema.

*LIMANG DIMENSYON SA PAGBASA

1. Pag-unawang

Literal

2. Interpretasyon
3. Mapanuring

Pag-unawa

4. Aplikasyon

5. Pagpapahalaga

Narito ang kanilang mga kahulugan at pagpapalawak:

1. Pag-unawang literal o Literal na pag-unawa – ito ay ang lohikal na antas na

siyang ginagamitan ng “simple recall” sa binasa. Naisasagawa rito ang

pagkilala, paggunita, at pagbubuo ng kaisipan. Ito ang dimensyon kung saan

nasasabi ng nagbasa ang pamagat ng binasa, pagkakasunod-sunod ng mga

pangyayari, at maging ang pagbubuod ng binasa.

2. Interpretasyon o pagpapakahulugan - matapos magbasa ng isang tao o

indibidwal, nagkaroon naman ito ng kanyang kamalayan para makaisip ng sarili

niyang teorya, palagay o hinuha. Para itong panghuhula na konektado sa mga

ipinahayag na binasa. Maging ang hindi deretsong pagpapahayag ng may- akda ay

na-iinterpret ng nagbasa.

3. Mapanuring Pag-unawa – ang dimensyon kung saan matapos basahin ang akda,

artikulo, ano pa mang sulatin ay nakabubuo ng matibay na pagpapasya ang


nagbasa. Konektado sa kung ano ang tunay na nangyayari o alin ang pantasya lang,

katotohanan o opinyon lang.

4. Aplikasyon – dimensyon na aplikasyon ng mga kaisipang nakuha sa pagbabasa ay

ang kakayahang ikonek ang personal na karanasan sa mga isyung pangkasalukuyan

at mga kaganapan sa lipunan.

5. Pagpapahalaga- alam na ng nagbasa kung paano ipapaintindi at ipahahayag nang

maayos, malinaw at wasto ang naging damdamin sa nabasang nilalaman ng akda.

KOGNITIVE AT METAKOGNITIVE SA PAGBASA

-1. Istratehiyang Kognitiv

Pagbubuod ng nabasa upang masigurado na matatandaan ang mahahalagang impormasyon.

-Pagkuha ng mga viswal na imahe upang matandaan ang bagong impormasyon.

2. Metakognitiv

-Pag-iisip sa mga prosesong pangkaisipan na ginagamit sa proseso ng pagkatuto

-Pagmomonitor sa mga natutunan habang isinasagawa ang proseso ng pagkatuto

-Pagtatasa o pag-eevalweyt matapos ang proseso.


Nahahati sa dalawang pangkalahatang kategorya ang mapanuring pagbabasa

Intensibo at Ekstensibong Pagbabasa

Intensibo- Ipinaliwanag ni Douglas Brown (1994) sa kaniyang aklat na Teaching by Principles: An


iteractive Approach to Language Pedagogy na ang intensibong pagbabasa ay panunuri sa kanyang
grammatikal at iba pang datalye sa estruktura upang maunawahan ang literal na kahulugan.

Ekstensibo - ayon parin kay Brown ang ekstensi!ong pag babasa ay isinasagawa uoang makuha ng
pangkalahatang pag unawa sa maramihang bilang ng teksto.

Ang mga Kaantasan ng Pagbasa

1. Ang Batayang Antas - tinatawag din itong panimulang pagbasa sapagkat pinauunlad nito ang
indimentaryong kakayahan, denedevelop ito ng pagbasa.

2. Ang inspeksyunal na Antas - panahon ang pinakamahalaga dito sa antas na ito ng pagbasa. Itinatakda
sa limitadong oras ang pagbasa hindi hangad ditong kunin ang lahat sa binasa
3. Ang Mapanuri o Analitikal an Antas - hangad ditong intindihing mabuti ang ipinapakahulugan sa
pamamagitan ng malinaw na pag interpreta sa mga materyal

You might also like