Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Music 4

Ang Rhythmic Pattern sa Time Signatures

I. Layunin:
a. Nakabubuo ng rhythmic pattern sa time signature

II. Paksang-Aralin
A. Paksa: Pagbuo ng Rhythmic Pattern sa time signature
B. Lunsarang Awit: “Baby Seeds”, G, 2, so
4
C. Sanggunian: Music Time Teacher’s Manual, p. 38
D. Kagamitan: Mga flashcard ng note at rest, pitch pipe
E. Pagpapahalaga: Pakikiisa
F. Konsepto: Pagbubuo ng mga rhythmic pattern na may 2 time
signature 4

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Ipalakpak ang mga sumusunod:

1.

2.

3.

4.

5.

2. Balik-aral

Pangkatin ang gma note at rest upang makabuo ng rhythm ayon sa time
signature.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Paglalaro ng “The Boat is Sinking”

Paraan ng Pagsasagawa:
Ang mga bata ay pabilog na magkakahawak ang kamay habang umaawit
ng “Rain, Rain, Go Away”. Kapag sinabi ng guro na “The Boat is Sinking,
group into 5”, ang mag-aaral ay bubuo ng kani-kanilang pangkat na may
limang katao. Ang mga batang walang nasamahang pangkat ay aalisin
muna sa laro. Ang mga natirang bata ay muling maghahawakan ng
kamay pabilog at await na muli. Sa pagtigil ng pag-awit ay magpapangkat
muli ang mga bata ayon sa ibinigay na bilang ng guro.

2. Paglalahad
Ipakita ang tsart ng awiting Baby Seeds.
Iparinig ang awitin. Ituro sa paraang rote.
Awitin nang sabay-sabay ang “Baby Seeds”.
3. Pagtalakay
Ilang measure mayroon ang awit?
(Ang awit ay mayroong 16 na measure.)

Ano-anong mga simbolo ng musika ang nasa loob ng mga measure?


(Mga note at rest.)

Paano nabuo ang mga measure?


(Sa pamamagitan ng paglalagay ng barline sa time signature.)

Ano ang time signature ng “Baby Seeds”?


(Ang awit ay nasa 2 time signature.)
4

Ilang bilang mayroon ang bawat measure?


(Bawat measure ay may dalawang bilang.)

Paano ka makabubuo ng hulwarang/rhythmic pattern?


(Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng notes at rest na naaayon sa
isang nakatakdang time signature.)

4. Paglalahat
Ang rhythmic pattern ay ang pinagsama-samang mga note at rest na
naaayon sa isang nakatakdang time signature.

5. Paglalapat
Bigyan ang bawat pangkat ng kahon ng mga nota at pahinga. Ipabuo ito
sa 2 time signature. Ang unang makabuo ang panalo.
4

6. Repleksiyon
Ano-anong mga gawain ang higit na nakatulong sa pag-unawa ng aralin?

C. Pangwakas na Gawain
Muling awitin ang “Baby Seeds”. Sabayan ng pagpalakpak ng rhythm pattern ang
awitin.

IV. Pagtataya
Ipabuo ang sumusunod na hulwaran at palagyan ng kaukulang note o rest ang
bawat puwang.

2 =
4
V. Takdang Aralin
Bumuo ng rhythmic pattern sa 2 time signature sa apt na measure.
4

You might also like