Katarungan- pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kaniya.
Ayon ky Dr. Manuel Dy Jr.
ito ay isang pagbibigay at hindi isang pagtanggap. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ito ay isang gawi na gumagamit lagi ng kilos- loob sa pagbibigay ng nararapat sa isang indibidwal.
Ano ang isang makatarungang tao?
Ayon kay Andre Comte- Sponville, isa kang makatarungang tao kung ginagamit mo ang iyong lakas sa pagglang sa batas at sa karapatan sa kapwa.
Pangunahing prinsipyo ng Katarungan
“Karapatan ng bawat isa na mabuhay at mamuhay nang hindi hinahadlangan o pinanghihimasukan ng iba.”
Ano ang katarungang panlipunan?
- Ito ay nauukol hindi lamang sa ugnayan ng tao sa kaniyang kapwa kundi sa ugnayan din niya sa kalipunan. Ang kapuwa ay personal o interpersonal na ugnayan mo sa ibang tao. Ang kalipunan ay ang ugnayan ng tao sa isang institusyon o sa isang tao dahil sa kaniyang tungkulin sa isang institusyon. - Ay para sa paglilingkod sa kapwa. MGA PALATANDAAN NG MGA PARAAN O HAKBANG MGA KAUGNAY NA PAGIGING NA GAGAWIN KO SA PAGPAPAHALAGANG MAKATARUNGANG TAO NA PAGSASAKATUPARAN NG MAHUHUBOG SA AKING KAILANGAN KONG BAWAT PALATANDAAN SARILI TAGLAYIN Hal. Hininaan ko ang volume ng Paggalang sa kapwa Isinaalang-alang ko ang mga aming component tuwing karapatan ng mga tao sa pinapatugtog ko ito upang aking paligid. hindi makaistorbo sa aming kapitbahay. 1. Paggalang sa Personal na Pag-aari (Private Property) 2. Paggalang sa Kalikasan 3. Paggalang sa Paniniwala 4. Paggalang sa Personal na Emosyon ng Tao