Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

EMA EMIT COLLEGE PHILIPPINES

Del Pilar St.;Pinamalayan Oriental Mindoro


Telefax No.(043) 284-3974

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO II

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Oras an Gugulin: 1oras

I. LAYUNIN:

A. Pamantayang Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Paggawa

C. Mga Kasanayang Pampagkatuto

II. NILALAMAN:

Paksa: Kakayahang Lingguwistiko

III. KAGAMITAN:

Sanggunian:

May-akda:

Pahina:

Iba pang Kagamitan:

IV. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
*Magsitayo ang lahat.
Jecell maari mo bang pangunahan ang *Itungo ang ating ulo.
ating panalangin. Panginoon po naming Diyos…
Amen..
Maraming salamat.

b. Pagbati
*Magandang hapon sa inyong lahat. Magandang hapon din po.

c. Pagsasaayos ng silid
*Bago kayo umupo pakiayos ng linya (Aayusin ng mga mag-aaral ang linya ng
ng inyong mga upuan at pakipulot ng mga upuan at pupulutin ang mga basura.)
basura.

d. Pagtatala ng Liban sa Klase


*Sarra, maari mo bang itala ang liban
sa klase ngayong araw. Opo ma’am.

e. Pagbabalik-aral
*Bago tayo dumako sa ating aralin sa
araw na ito ay balikan muna natin ang pinag-
aralan natin kahapon.
Karen, ano nga ang pinag-aralan natin
kahapon?
Ma’am ang pinag-aralan po natin kahapon ay
ang Interaksiyonal, Personal, at
Mahusay. Ano naman ang gampanin ng Imahinatibong Tungkulin ng Wika.
Interaksiyonal, Personal at Imahinatibong
Tungkulin ng wika? Analyn?
Ang gampanin ng interaksiyonal ay ang
interaksiyon o humuhubog ng panlipunang
uugnayan, gampanin naman ng personal ay
palakasin ang personalidad at
pagkakakilanlan ng isang indibidwal, at ang
imahinatibo ay upang ipahayag ang
imahinasyon at lumikha ng bagong
Magaling. Sa palagay ko ay lubos na kapaligiran o bagong daigdig.
ninyong naunawaan ang pinag-aralan natin
kahapon, kaya dumako na tayo sa aralin
ngayon.

B. Pagganyak
Bago tayo dumako sa ating aralin sa
araw na ito ay mayroon akong inihandang
laro para sa inyo. Tatawagin natin itong
“UPUAN MO, SAGOT MO”. Sa ilalim ng
inyong mga upuan ay may mga papel na
nakatago, sa bawat papel na ito ay nakasulat
ang angkop na salita para mabuo ang
pangungusap na inihanda ko. Piliin lamang
ang tamang salita.
Hahatiin ko kayo sa dalawang pangkat at
pagkatapos ay paunahan kayong makasagot
sa mga angkop na salita na kukumpleto sa
pangungusap.
Naunawaaan ba?
Maari na kayong magsimula. Opo Ma’am.
(Gagawin ng mga mag-aaral ang larong
inihanda ng guro.)
Matapos ninyong mapili ang mga angkop
na salita. Meron akong katanungan sa inyo.
Ano ang inyong napansin sa kakatapos lang
nating gawain? Jessa? Ang napansin ko po sa katatapos lamang
nating gawain ay wastong pagpili ng mga
salita upang mabuo o makabuo ng isang
mahusay na pangungusap.
Mahusay! Tama ang iyong kasagutan.
Bigyan natin siya n gang galling galling clap.

C. Paglalahad ng Aralin
*Ngayong hapon na ito ang tatalakayin
natin ay ang Kakayahang Lingguwistiko:
Pangunahing Sangkap sa Pagkatuto ng Wika.
Aalamin natin ang kahulugan ng kakayahang
lingguwistiko at pagkakaiba nito sa
kakayahang komunikatibo at ang mga bahagi
ng pananalita

D. Paglalahad ng Layunin Layunin:


Jessa, maari mo bang basahin ang ating
layunin sa araw na ito. A. Pamantayang Pangnilalaman: nauunawaan
nang may masusing pagsasaalang-alang ang
mga lingguwistiko at kultural na katangian at
pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at mga
sitwasyon ng paggamit ng wika ditto.
B. Pamantayan sa Pagganap: nakakagawa ng
mga pag-aaral ukol sa iba’t ibang sitwasyon
ng paggamit ng wikang Filipino sa loob ng
kultura at lipunang Pilipino.
C. Mga Kasanayang Pampagkatuto:
a. nabibigyang kahulugan ang kakayahang
lingguwistiko (F11PT-IIe-87);
b. natutukoy ang mga bahagi ng pananalita
sa wikang Filipino (F11PN-IId-89); at
c. nahihinuha ang pagkakaiba ng
kakayahang linnguwistiko at kakayahang
komunikatibo (F11-WG-IIf-88).
E. Pagtatalakay ng Aralin
*Sa inyong palagay ano ang Kakayahang Para po sa akin ang kakayahang
Lingguwistiko? Orlan? lingguwistiko ay tumutukoy sa kakayahan ng
isa na makapagsalita ng iba’t ibang mga
lenggwahe, wika, at dayalekto.
Mahusay! Ito rin ay tumutukoy sa abilidad
ng isang tao na makabuo at makaunawa ng
maayos at makabuluhang pangungusap.
Ngayon ay ipagpatuloy natin ang ating
talakayan. Ang sunod naman ay ang
Kakayahang Komunikatibo na
nangangahulugan namang abilidad sa angkop
na paggamit ng mga pangungusap batay sa
hinihingi ng isang interaksiyong sosyal.
Para sa inyo, ano ang pagkakaiba ng
kakayahang lingguwistiko at kakayahang Sa akin pong palagay ang pagkakaiba ng
komunikatibo? Mary Rose Anne? dalawa ay ang kakayahang lingguwistiko ay
tumutukoy sa abilidad ng isang tao na
makabuo at makaunawa ng pangungusap
samantalang ang kakayahang komunikatibo
ay tumutukoy sa abilidad sa angkop na
paggamit ng pangungusap.
Napakahusay, tumpak ang iyong
kasagutan. Bigyan ng congratulation clap si
Mary Rose Anne.

Sino sa inyo ang makapagbibigay ng 10


bahagi ng pananalita sa makabagong Ang 10 bahagi po ng pananalita sa
gramatika? Kathleen. makabagong gramatika ay ang pangngalan,
panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay,
pangatnig, pang-angkop, pang-ukol,
pantukoy, at pangawing o pangawil.
Maari mo bang basahin kung ano ang
kahulugan ng pangngalan at panghalip?
Jhenie? Ang pangngalan po ay nagsasaad ng
pangalan ng tao, hayop bagay, pook,
katangian at pangyayari. At ang panghalip
naman ay pamalit o panghalili sa pangngalan.
Salamat Jhenie.
Cassy maari ka bang magbigay ng
halimbawa ng panghalip at gamitin mo ito sa
pangungusap? Maam, para po sa akin ay sila, tayo, kami,
nila, kanila, at marami pa pong iba.
Ang halimbawa po nito ay “Masaya silang
naglalaro sa parke.”
“Napakagaling Cassy.”
Ngayon naman ay magbigay kayo ng
halimbawa ng pangngalan at gamitin ito sa
pangungusap. Sige nga Sarra.
Ang halimbawa po ng pangngalan ay Megan,
doctor, aso, Pinamalayan, Mindoro at iba pa.
Hal. Si Megan ay umuwi ng madaling araw
kaya napagalitan siya.
Magaling.
Sige, Janine. Sa parke pumunta ang magkakaklase para sa
kanilang pagsasanay.

Ngayon naman ay ang pandiwa. Ang pandiwa ay nagsasaad ng kilos o


Pakibasa nga Hanna. nagbibigay-buhay sa pangkat ng mga salita.

Halimbawa:
Ang aking ina ay nagluto ng masarap na
hapunan.
Mahusay.
Dumako naman tayo sa pang-uri at Pang-uri ay nagbibigay-turing o
pang-abay. Glydel, maaari mo bang naglalarawan sa pangngalan at panghalip.
basahinan kahulugan ng dalawa. Samantalang ang pang-abay ay nagbibigay-
turing o naglalarawan sa pandiwa, oang-uri,
at kapwa pang-abay.
Maraming Salamat.
Ikaw naman Heide, maaari ka bang Halimbawa:
magbigay ng halimbawa ng pang-uri. Ang aming guro ay masipag magturo.

Ana Rose magbigay ka ng


halimbawa ng pang-abay. Halimbawa:
Magalang niyang tinanggap ang mga
panauhin sa kanilang bahay.
Salamat.
Sunod naman ay ang halimbawa ng
pang-ugnay.
1. Pangatnig – nag-uugnay ng dalawang
salita, parilala,o sugnay.
2. Pang-angkop – ito ay katagang nag-
uugnay sa panuring at salitang tinuturingan
3. Pang-ukol – nag-uugnay sa isang
pangngalan sa iba pang salita.

Maaari ba kayong magbigay ng


halimbawa ng pangatnig, pang-angkop, at
ang pang-ukol? Jezel. Halimbawa :
1.pangatnig – (at,pati, ni, subalit,ngunit)

Maganda si Anne ngunit masama naman


ang ugali.

2. pang-angkop – (na, -ng)

Ang pagsugpo sa bisyo at krimen ay


puspusang isinasagawa ng mga bisig ng batas

3. pang-ukol (sa,ng,ayon sa, alinsunod kay)

Alinsunod sa batas, bawal ang illegal na


pagpuputol ng mga puno sa kagubatan.
Pakibasa nga ang kahulugan ng
pantukoy at pangawing. Analyn.
Ang pantukoy ay salitang laging
nangunguna sa pangngalan o panghalip.

Hal. (si, ang, ang mga)


Ang mga bata ay nagsipasok na sa silid
aralan pagtunog ng bell.

At ang pangawing ay salitang nagkakawing


ng paksa o simuno at panag-uri.

Hal. (ay)

Si Megan ay napakamasunuring bata sa


kanyang magulang.

You might also like