Ang Pagsagwan NG Bangkera Isang Pagsusur

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

2.

(a) Sa ganang akin, bilang isang guro ng wika sa kasalukuyan na patuloy pang
nagpapakadalubhasa, ang mga pangunahing dahilan kung bakit mahalagang pag-aralan
ang kasaysayan ng wika ay upang (1) makilala ang sariling tatak at kultura; (2)
magkaroon ng kabatiran ang tao sa pundasyon at pinagmulan nito; (3) lubusang
maunawaan ang pagbabago nito mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan; (4)
magkaroon ng pagpapahalaga sa sariling wika; at (5) mahikayat pa ang tao sa patuloy
na pananaliksik at pag-aaral nito.
Higit na magiging epektibo ang paggamit ng wika kung ang mga gumagamit nito ay may
malalim na kaalaman, karanasan, kakayahan, at kamulatan sa kasaysayan nito. Kung
ilalapat sa pagtuturo at pagkatuto ng wika, nabanggit sa isang Seminar-Worksyap ng
PSSLF (2019) na aking dinaluhan na kailangang bigyan ng kamalayan ang mag-aaral sa
historical context ng debelopment ng wika ang mga mag-aaral upang magamit ito nang
mabisa. Samakatuwid, ang pag-aaral sa kasaysayan ng wika ay isang daan upang
maipaunawa sa tao na likas na nagaganap ang language shift o pagbabago ng wika sa
bawat henerasyon. Sa pamamagitan nito, patuloy na uunlad ang wika.
(b) Sa pagsusuri ng mga pag-aaral ng mga Pilipino tungkol sa wikang Tagalog/Pilipino
mula 1893 hanggang 1977 na isinagawa ni Lydia Gonzales-Garcia, kanyang iminungkahi
ang apat na hati hinggil sa gramatikang Filipino: (1) Mga Pag-aaral sa Molde sa Wikang
Kastila na nagpakita na may malinaw na impluwensya ng gramatikang Kastila; (2)
Tagapanguna sa Pananaw Pilipino na unang ginamit ang wikang Tagalig sa paglikha ng
terminolohiyang panggramatika; (3) Gramatikang pang-edukasyon na kinapapalooban
ng gramatikang isinulat upang gawing batayan sa pagtuturo nito; (4) Kontemporaryong
Gramatika na kinabibilangan ng mga pag-aaral na lumaganap sa bansang kanluranin at
maging sa Asya.
Ito ay maituturing na malaking kontribusyon sa lalong ikauunawa sa pag-aaral ng
gramatikang Filipino. Ayon kina Tanawan, et. al (2007) sa aklat na Istuktura ng Wikang
Filipino, ang ginawang pag-aaral ni Gonzalez (1992) sa gramatikang Tagalog,
masasabing maayos at malaki ang ambag niyo sa pagkakaroon ng batayang kaalaman
sa gramatikang Filipino. Matagumpay niyang naipakita ang pagbabagong naganap sa
gramatikang Filipino mula noong panahon ng mga Kastila na siya na ring naging batayan.
Ang aklat na kanyang inilabas ay malaking tulong sa mga mag-aaral, lalo't maging sa
mga guro ng wika. Ang kontribusyong ito ni Garcia ay isang makabuluhang pundasyon
sa pagkakaroon ng kaalaman sa kasaysayan ng gramatikang Filipino.
(c) Sa pamamagitan ng Batas Republika blg. 7104, naitatag ang Komisyon ng Wikang
Filipino na nasusulat ngayon sa Saligang Batas 1987. Batay sa batas na ito, ang misyon
ng KWF ay itaguyod ang patuloy na pag-unlad at paggamit ng Filipino bilang wikang
pambansa habang pangangalagaan ang mga wikang katutubo ng Pilipinas tungo sa
pagkakaunawaan, pagkakaisa, at kaunlaran ng sambayanang Filipino.
Ang pagrereporma sa mga tuntuning pangwika ay isa rin sa kanilang misyon na kung
saan nagsasagawa sila ng maraming pananaliksik at pag-aaral upang makatulong pa sa
higit na pag-unlad ng wikang Filipino. Katulad ng reporma sa Ortograpiyang Filipino na
kung saan nagdaos muna sila ng mga simposyum at dumaan sa maraming pagpupulong
upang magkaroon ng istandardisasyon sa mga bagong tuntunin ng nasabing
Ortograpiyang Filipino. Bagamat ang wika ay daynamiko at kailanma'y hindi
magkakaroon ng kalagayang eutopia, napakahalagang magkaroon ito ng tinatawag na
istandardisasyon. Ayon nga kay Fortunato (1991) mula sa isang mapagkakatiwalaang
batis ng impormasyon, ang istandardisasyon ay ang proseso ng pagiging magkakaanyo,
magkakahawig o uniporme ng isang wika para sa malawakang pagtanggap at paggamit
nito. Samakatuwad, ito ang nagiging daan upang magkaroon ng iisang mukha ang ating
wika.

DANICA ANN P. PANGILINAN, LPT (MAEd FILIPINO 2-A)


Republika ng Pilipinas
Don Honorio Ventura State University
Villa de Bacolor, Pampanga

PAGSASANAY
SA
KAYARIAN NG WIKANG
FILIPINO

DANICA ANN P. PANGILINAN, LPT


MAED FILIPINO 2-A

DR. CHERRY G. VINLUAN

DANICA ANN P. PANGILINAN, LPT (MAEd FILIPINO 2-A)

You might also like