PETA Komunikasyon

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

PAMPINID NA INAASAHANG PAGGANAP

(CULMINATING PERFORMANCE TASK)

Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga


penomenang kultural at panlipunan sa bansa

Inaasahang Pagganap:

Ikaw ay isang Program Researcher mula sa isang estasyong pantelebisyon. Naatasan ka ng


iyong pinuno na magsaliksik ukol sa isang penomenang kultural na nagaganap sa bansa – ang
sitwasyon ng wikang Filipino sa kasalukuyang panahon sa iba’t ibang larangan. Ito ay itatampok
sa isang sikat na programa sa nasabing estasyon. Makatutulong ito upang higit na
mapahalagahan ng mga Pilipino ang ating wikang pambansa. Ang iyong nabuong panimulang
pananaliksik ay tatasahin o bibigyang kritik muna ng iyong pinuno at kapwa Program Researcher
gamit ang mga pamantayang panimula, organisasyon ng mga ideya, paraan ng pagkuha ng
datos at kongklusyon.

Panuto:

1. Makipagpangkat sa lima mo pang kaklase. Ang mabubuong pangkat ay maghahanap ng


kasagutan para sa tanong na: “Ano na ba ng kalagayan o sitwasyon ng wikang Filipino sa
mga kabataan sa kasalukuyang panahon?”
2. Pag-usapan sa pangkat ang nasabing tanong o suliranin. Talakayin ang maaaring gawin
upang maihanap ito ng angkop na kasagutan.
3. Gamit ang talatanungan o survey form, ang bawat miyembro ay magpapasagot nito para
malaman ang kalagayan o sitwasyon ng wikang Filipino sa mga kabataan sa kasalukuyang
panahon.
4. Ang survey form ay maaaring ipadala sa Facebook messenger o kaya’y i-post nang naka-
custom para lang sa mga respondent. Ang mga sasagot o respondents ay hindi bababa sa
sampung kabataang may edad 13 hanggang 19 na “friend” sa facebook ng bawat
miyembro.
5. Hindi dapat ma doble ang mga respondent kaya’t pag-usapan kung sino-sino ang mga
kaibigang padadalhan ng survey sa Facebook. Makabubuti kung hindi sa isang bayan lang
sa ating bansa magmumula ang mga respondent.
6. Kapag nakompleto na ang talatanungan o survey form ng bawat kasapi ay i-tally ang
lahat upang magkaroon ng datos na pagbabasehan sa gagawing ulat.
7. Mula rito’y buoin ang ulat. Sundan ang balangkas sa ibaba para sa mga bahagi ng
bubuoing ulat:
 Panimula o Introduksyon
Unang talata – Ilarawan ang kahulugan, kahalagahan at katuturan ng wika
Ikalawang talata – Ilarawan ang sitwasyon ng wika sa kasalukuyang panahon
Ikatlong talata – Banggitin ang layunin ng panimulang pananaliksik

 Kahalagahan ng Pag-aaral
 Sakop ng Pag-aaral
 Paraan sa Pagkuha ng Datos
 Kongklusyon
Rubric sa Pagmamarka

Pamantayan Napakahusay Mahusay (3) Katamtaman Nangangailangan


(4) (2) pa ng
Pagsasanay (1)
Panimula Nakapupukaw Nabanggit ang Nabanggit ang Walang nabanggit
ng interes ng pangunahing pangunahing na paksa at
mambabasa, paksa at ang paksa subalit karagdagang
nabanggit ang maaaring wala nang impormasyon sa
pangunahing kalabasan ng karagdagang pag-aaral.
paksa at ang pag-aaral. impormasyong
maaaring naisama.
kalabasan ng
pag-aaral.
Organisasyon Naipakita sa May maayos na Hindi gaanong Hindi naipakita ang
ng mga Ideya kabuoan ng ulat pagkakasunod- naipakita ang maayos na
ang maayos na sunod ng mga maayos na pagkakasunod-
pagkakasunod- ideya sa mga pagkakasunod- sunod ng mga
sunod ng mga talata. sunod ng mga ideya sa mga
ideya sa ideya sa mga talata.
pamamagitan talata.
ng malilinaw na
mga talata;
ginamitan ng
angkop na
transisyon o
pag-uugnay-
ugnay upang
maipakita ang
organisasyon.
Paraan ng Nakakalap ang Nakakalap ang Nakakalap ang Nakakalap ang
Pagkuha ng bawat kasapi bawat kasapi ng bawat kasapi ng bawat kasapi ng 5
Datos nang mahigit pa sampung wala sa sampung o mas bababa pa
sa sampung kabataan sa kabataan sa ritong bilang ng
kabataan sa pamamagitan ng pamamagitan ng kabataan sa
pamamagitan Facebook. Facebook. pamamagitan ng
ng Facebook. Facebook
Kongklusyon Ang Ang Kongklusyon Ang kongklusyon Ang kongklusyon
kongklusyon ay ay naaangkop sa ay di gaanong ay sadyang hindi
sadyang tanong o angkop sa tanong naaangkop sa
naaangkop sa suliraning o suliraning tanong o suliraning
tanong o inihahanap ng inihahanap ng inihahanap ng
suliraning kasagutan. kasagutan. kasagutan.
inihahanap ng
kasagutan.

Kabuuang Marka : _____


Mga Miyembro: ____________________

____________________ _________________________

____________________ _________________________
TALATANUNGAN

Pangalan (opsyonal): _____________________________ Edad: _____

Kasarian: _____

Sagutin ang sumusunod na mga tanong kaugnay ng paggamit mo ng wika.

1. Kailan ka huling nagpadalang text message o SMS? __________


Maaari mo bang isulat sa linya ang huling mensaheng ipinadala mo?
_______________________________________________________________________

Ang SMS ba ay nakasulat sa FILIPINO INLGES TAGLISH?

2. Kailan ka huling nag-post ng status sa Facebook o Instagram? __________


Maaari mo bang isulat sa linya ang huling post mo?
________________________________________________________________________

Ang post ba ay nakasulat sa FILIPINO INLGES TAGLISH?

3. Ano ang pinakahuling palabas pantelebisyong pinanood mo?


_________________________
Ano ang wikang ginamit sa palabas? _______________
Mas madalas ka bang manood ng palabas pantelebisyong nasa wikang Filipino o
nasa wikang Ingles?

4. Ano ang pinakahuling pelikulang pinanood mo? _________________________


Ano ang wikang ginamit sa palabas? _______________
Mas madalas ka bang manood ng pelikulang nasa wikang Filipino o nasa wikang
Ingles?

5. Ano ang pinakahuling video sa Youtube na pinanood mo?


____________________________
6. Ang video ba ay nasa wikang Filipino Ingles Taglish?

7. Ano ang huling blog na nabasa mo?


Ang blog ba ay nakasulat sa Filipino Ingles Taglish?

8. Kailan ka huling nagbasa ng dyaryo o magasin? __________


Ang binasa mo ba ay nakasulat sa Filipino Ingles Taglish?

9. Anong wika ang mas madalas ninyong gamitin sa inyong tahanan?

wikang katutubo sa inyong lugar ____________________


Filipino
Ingles
Taglish

10.Sa alin-aling lugar mo higit na nagagamit ang wikang Filipino? ______________________

11.Gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Filipino?


Mahalagang-mahalaga
Mahalaga
Hindi gaanog mahalaga
Hindi mahalaga

Bakit?___________________________________________________________________

12. Gaano ka kahusay sa pagsasalita ng wikang Filipino?

Mahusay na mahusay
Mahusay
Hindi gaanong mahusay
Sadyang hindi mahusay

13. Sa alin-aling lugar mo naman higit na nagagamit ang wikang Ingles?


__________________________________________________________________

14.Gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Ingles?

Mahalagang-mahalaga
Mahalaga
Hindi gaanong mahalaga
Hindi mahalaga

Bakit?
______________________________________________________________________

15.Gaano ka kahusay sa pagsasalita ng wikang Ingles?

Mahusay na mahusay
Mahusay
Hindi gaanong mahusay
Sadyang hindi mahusay

 Batay sa isinagot mo sa mga tanong, ano sa palagay mo ang sitwasyon o


kalagayan ng wikang Filipino sa iyong sarili at sa inyong tahanan sa kasalukuyang
panahon?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
________
 Ano naman ang kasalukuyang kalagayan ng wikang Ingles sa iyong sarili at sa
inyong tahanan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
________

Sanggunian:

Dayag, A. M. (2016). Pinagyamag Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City: Phoenix Publishing House Inc.

You might also like