Siargao

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sugar Rey Rumart G.

Remotigue AS Chem 1A/BS Chemistry

Buod at Mga Teorya ng Panitikan

Siargao

May mga bagay, panahon, o sitwasyon na sadiyang mahirap ipagtanto. Ito ang mga bagay
na biglaang darating at magiging mga pilat sa ating mga damdamin. Ngunit ito ang
siyang bubuo at huhubog sa ating tunay na pagkatao. Itoy maaring ikasisiya o hindi kaya
ay ikasisira ng ating mga prisepyo, pero sabi nga nila mahirap ito o sa subrang bigat ng
dinadala mo may solusyon sa mga ito. Ito narin ang tutulong, aagakay at magaahon sayo.
Kagaya nalang sa kwentong makapagmithing damdamin nila ni laura at diego na
parihong naghahanap ng makakapaglibangan upang alisin ang kanilang mabibigat na
kahapon nagdaan. Papunta at nakasakay na sa sasakyang panghimpapawid si laura
habang siya ay napaupo at gumagawa ng video para sa kanyang video blogger o sabihin
nalang nating vlogger, ay biglaang dumating si diego upang kunin at upuang kinauupuan
ni laura. Pagdating nila sa daungan tila napagewanan si laura ng kanyang sundo buti
nalang nandyan si deigo upang siya ay makakapang hitch sa jeep na sundo rin nito. Sa
kalagitnaan ng kanilang pagbibiyahe ay naisipan nila diego na magkalibangan muna at
magsurfing. Naiwan si laura at walang nagawa kung hindi ay mag hintay nalang muna.
Hangang sa natapos sila ng dapit hapon at dinala na nila si laura sa kanyang destinasyon
sa hotel na villa socaria, naging mahaba rin ang kanilang usapan sa maikling daan na
kanilang tinahak. Habang si deigo naman ay patungo sa bahay ng kanyang pamilya. At sa
gabi ring iyon may naganap na party o madamihang pagsasalo sa tinutuluyang hotel ni
laura at nagkataon din na nakasali si diego sa naturang aliwan. Nagkita sila doon at
nagkakwentohan naging malapit at naging magkaibigan, hangang sa nakita ni diego ang
dating babaing nagpamulat sa kanya ng tunay nararamdaman at pagmamahal na siya ring
dahilan kung bakit noon ay umalis siya sa kanilang tahanan. Siya ay si abi na dating
malapit sa puso ni diego, sila ay nagkabangayan nagkakwentohan habang si laura ay
nandoon sa palikuran. Hangang sa umalis na itong si abi at umalis narin sila laura at
diego. Isang araw nagkacross ang landas ni laura at abi, sila ay nagkita at nagkaroon ng
usapan hangan sa naisipan ni abi na tulungan si laurang matutung mag surfing. Kasi hindi
daw magiging buo ang pag bisita mo sa siargo paghindi mo naranasan at ganda at saya ng
pagsusurfing sa siargao. Sa panahon ding iyon ay nagkita si abi at si diego
nagkabangayan nag kwentuhan at hangang nakapaglahad sa kanilang kasalukuyang
nararamdaman, tinangap nila ang bawat isa at pinaglaanan ng oras ang bawat
nararamdaman sa isat isa. Nakapagsurfing na si laura at hindi panakuntingto at sinuyod
pa ang buong ganda ng siargao kasama si diego hangan sa nakatita sila ng kainan sa may
dakong silangan at doon ay nagpahinga at nag usapan. Inilahad ni laura kung bakit siya
pumunta sa siargao na mag isa at ganon pala ay sa kadahilanang nagiisip siya sa pagalok
sa kanya ng kasal ng kanyang kasintahan. Naging masmatibay ang samahan nila ni diego
na akalain mo ng sila ba ang magkakatuluyan sa kwento. Hangang sa isang araw ay
naliwanagan ang dalawa at nagdesisyong kung ano ang dapat na ilalapat sa bawat
pagsubok na kanilang tinatahak. Si laura ay naisipang umuwe at itoy ang alok ng
kanyang kasintahang gusto siyang pakasalan. At si diego ay muntikan ng lumakad at
napagtanto niya na mahal pa niyang talaga ang dalagang si abi na kung dati ay hindi mo
matiis ang tamis ng kanilang mga ngiti. Doon napagtanto ng dalawa kung ano ang tunay
na kahulugan ng pagmamahal sa taong gusto mo na makapiling sa buhay.

Ang Mga Bahagi ng Kwento:

Pagmamahalan o pag iibigan

Pagmove on sa mga maling nagawa

Paguunawa sa tunay na nararamdaman

Mga Teoryang Panitikan napapaluob sa pelikula:

Teoryang Romantisismo

Teoryang Modernisismo

Teoryang Eksistensyalismo

Paglalapat sa Teoryang Doma

Teoryang Romantisismo

Ito ang siyang teoryang umusbong sa pelikula na kung saan ang mga pangunahing tauhan
sa kwento ay nagbabalik tanaw sa mga kaganapang nagpabago at nagpamulat sa
kanikanilang buhay. Pinili nila ang pagmamahal sa kalayan upang mabigyan puri at
magkaroon ng magagandang katangian, inspirasyon at kagandahan sa paguunawa. Ito rin
ang nagbigay kahulugan sa kanikanilang buhay at mga kaganapan.

You might also like