Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang Mga Isda Sa Palengke

ni: Edna Repuya-Soriano

Iba't ibang isda ang tinda sa palengke.Sariwa ang mga isdang


mabibili doon.Kumakawag kawag pa ang mga tindang tilapya sa
pwesto ni Aling Leyte.

Marami rin siyang tindang matatabang bangus.Sariwang sariwa


ang mga tindang dilis, sapsap, lapu-lapu at bisugo sa pwesto naman
ni Aling Lita.

Marami siyang suki kaya marami siyang tinda.Bangus din ang


tinda ni Mang Delio.Libre ang linis sa isda kapag doon ka sa kanya
bibili.Sariwa at masasarap ang isdang nahuhuli sa Lamon Bay at
karatig dagat.
Sagana sa mabibiling isda ang palengke ng Calauag.

Piliin ang tamang sagot


1. Anong uri ng isda ang mabibili sa palengke ng Calauag?
A. sariwa C. bislad
B. sabog ang tiyan D. tuyo

2.Sino ang naglilinis ng isda para sa bumibili sa kanya?


A. Mang Delio C. Aling Leyte
B. Mang Kardo D. Aling Delia

3. Sino ang maraming tindang isda sa kanyang pwesto?


A. Aling Lita C. Aling Leyte
B. Aling Denia D. Aling Rodha

4.Bakit maraming tinda si Aling Lita?


A. marami siyang kaagaw C. marami siyang suki
B. marami siyang pautang D. marami siyang kamag-anak

5.Anong isda ang ginagawang okoy dahil maliliit?


A. dilis C. bangus
B. tulingan D. tilapia
Ang Mga Bulaklak sa Hardin
ni: Edna Repuya-Soriano

Maraming halaman sa hardin ng paaralan. Itinanim iyon ng


aming guro.Iba't ibang uri ang mga halamang iyon.Magaganda ang
mga bulaklak ng mga halaman.

Pulang pula ang gumamela.Puting puti naman ang maliliit na


bulaklak ng sampaguita.Kay gandang pagmasdan ang mga
mayayabong na yellowbells.

Dilaw na dilaw iyon sa init ng araw.Hindi rin patatalo ang


bulaklak ng malalagong amarilyo.Di man ito mabango ay
napakadilaw naman ng bulaklak.

Piliin ang tamang sagot.


1.Anong halaman ang namumulaklak ng pula?
A. sampaguita C.gumamela
B.yellowbells D. amarilyo

2.Ano ang kulay ng bulaklak ng Sampaguita?


A. pula C. dilaw
B. puti D. lila

3. Anong bulaklak ang kasingkulay ng hinog na mangga?


A. yellowbells
B. sampaguita
C. gumamela
D. rosal

4. Anong bulaklak ang maganda pero hindi mabango?


A. amarilyo C. rosas
B. yellowbells D. gumamela

5.Anong bahagi ng halaman ang nagpapaganda sa hardin?


A. dahon C. sanga
B. ugat D.bulaklak
Ang Paragos ni Kuya Cris
ni:Edna Repuya-Soriano

Gamit ang kalabaw niyang alaga ,isinaklang ni Kuya Cris ang


paragos upang hakutin ang mga palay sa bukid.Paragos na hila ng
kalabaw ang sakayan ni Kuya Cris ng mga ani niya sa bukid.

Dito rin niya isinasakay ang mga tiniba niyang saging.Sa paragos
din isinasakay ni Kuya Cris ang mga palapang inukuha niya sa niyugan.
Ang mga palapa ay ginagamit nilang panggatong sa pagluluto.

Ang paragos din ang sinasakyan ni Kuya Cris sa mga container


ng tubig na iniigib niya sa poso.Dinadala niya ang tubig sa kanilang
bahay.Kapag walang laman ang paragos ni Kuya Cris,isinasakay din
niya kamingmagkakapatid doon.
Nakakatuwang sumakay sa paragos na hila ng kalabaw.
Mahalagang sasakyan ang paragos kapag ikaw ay nasa bukid.
Hinihila lamang ito ng kalabaw.

Piliin ang titik ng wastong sagot:


1. Ano ang humihila sa paragos?
A. kalabaw C. Aso
B. kambing D. tao

2. Saan isinasakay ni Kuya Cris ang mga inani sa bukid?


A.sa kotse C. sa paragos
B. sa kariton D. sa trak

3. Saan umiigib ng tubig si Kuya Cris?


A. sa ilog C. sa poso
B. sa dagat D. sa gripo

4.Bakit isinasakay sa paragos ang mga sako ng palay?


A. upang gumaan ang Gawain C. upang makasakay sa kalabaw
B. upang makatipid sa gasoline D. upang maging masaya sa bukid

5.Ano ang kahalagahan ng paragos kapag nasa bukid?


A. Ito ay sasakyan. C. Ito ay laruan.
B. Ito ay tulugan. D. Ito ay labahan.
Ang Lapis ni Tala
ni: Edna Repuya-Soriano

Tuwang-tuwa si Tala nang mabuksan ang regalo ng kanyang


ina. Iba't ibang lapis ang laman ng kahon na kanyang natanggap.

"Salamat Mama sa pabirthday mo po sa akin",tuwang tuwang


yakap ni Tala sa kanyang ina. "Ingatan mo anak at gamitin nang
maayos ang mga lapis mo ha?",paalala ni Aling Elay sa anak.

Itinago ni Tala ang kanyang mga lapis sa loob ng durabox.Isa


lang ang kinuha niya. Tinasahan ni Tala ang lapis.Maingat siya sa
pagtatasa upang di maputol.

Inilagay din ni Tala ang lapis sa isang pencilcase.Ayaw niyang


maputol ang talim nito upang di tasa nang tasa. Maingat din si Tala sa
pag gamit ng lapis ipang di mabutas ang kanyang papel.

Saka na niya gagamitin ang ibang lapis.Isa isa lang ang


kanyang pag gamit upang matagal niyang gamit. Mahalaga kay Tala
ang mga regalong lapis ng kanyang Mama.Iingatan niya ang mga
lapis.

Piliin ang tamang sagot.


1.Kanino galing ang mga lapis ni Tala?
A. sa kanyang ina C. sa kanyang ama
B. sa kanyang ninang D. sa kanyang ninang

2.Bakit niregaluhan ng ina si Tala?


A. dahil kaarawan ni Tala C. dahil araw ng Pasko
B. dahil kaarawan ng ina D. dahil masaya siya

3. Ano ang ginawa ni Tala sa mga lapis?


A. itinago niya C. tinasahan lahat
B. ipinagbili sa kaklase D. ipinahiram sa iba

4. Ilang lapis ang kinuha ni Tala?


A. isa C.tatlo
B. dalawa D.lahat

5. Paano tinasahan ni Tala ang lapis?


A. maikli ang tasa C. matulis ang tasa
B. Pudpod ang pagkakatasa D. hinati-hati ang lapis

You might also like