Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Brecs Kent B.

Cervantes

SPS X-A Pascal

ISANG SURING-PELIKULA

Harry Potter and the Philosopher’s Stone (Sorcerer’s Stone)

I. Panimula

a. Uri ng Panitikan

i. Tuluyan o Prosa

1. Nobela

b. Bansang Pinagmulan

i. United Kingdom

c. Pagkilala sa may-akda

i. Mula sa kanyang pagkabata, alam na niya na ang ambisyon niya ay

maging isang manunulat. Sa tignin ko, isang impluwensiya na rin sa

kanyang pagsusulat ay ang kanyang mga pinagdaanan sa buhay.

ii. Isinulat niya ang ideya niya para sa buong serye ng Harry Potter noong

naantala ang tren na kaniyang sinasakyan mula Manchester patungong

London noong 1990.

d. Layunin ng may-akda

i. Wala siyang sinadyang ipahayag na isyu kung hindi, ang kanyang

ipinahahayag lamang ay ang kanyang sariling saloobin at imahinasyon.

Kung mayroon man ito ay masasagot sa mga tema ng kanyang isinulat.

II. Pagsusuring Pangnilalaman

a. Tema o Paksa ng akda

i. Pagmamahal

1. Ipinahayag ni Rowling ang importansya ng pagmamahal sa

pamamagitan ng pagkaligtas ni Harry sa sumpang nakamamatay

ni Voldemort. Walang pag-unawa si Voldemort sa pagmamahal,

kaya naman ang pagmamahal na ibinigay ng nanay ni Harry sa

kanya ang siyang pumoproktekta sa kanya.

ii. Desisyon

1. Maraming pagkakatulad si Harry kay Voldemort, kung titignan ng

mabuti ay parang nakalaan kay Harry na sundan ang yapak ni

Voldemort sa pagiging masamang wizard, ngunit, alam niya na


mayroon siyang kalayaan sa pagdedesisyon kaya naman naiayos

niya ang landas na ito patungo sa mas mabuti.

iii. Kahalagahan ng Rebelyon

1. Sa panahon natin ngayon, may kaugnayan ang paksa ng

rebelyon. At sa isyung ito madalas na hindi maganda ang

kahulugan nito. Ngunit sa Harry Potter, ipinakita na may mga

pagkakataon na maganda rin ito kung ang pagkilos ay siguradong

nasa tama at makabubuti sa iba. At saka, malugod na

pumapayag si Harry na harapin ang anumang mga kahihinatnan

ang idudulot nito.

iv. Pagpapakumbaba

1. Isang katangian ni Harry na nangingibabaw sa nobelang ito ay ang

kanyang pagpapakumbaba. Siya ay lumaki sa tahanan na

ipinaramdam sa kanya na hindi siya espesyal, sa tingin ko isa ito sa

plano ni Dumbledore. Ang kanyang natatanging kababaang-loob

ang isa ring rason kung paano niya nakuha ang Philosopher’s

Stone.

v. Pagkakaibigan

1. Ipinahayag ni J.K. Rowling ang importansya ng pagkakaibigan sa

libro lalong-lalo na padating sa pagtatagumpay laban sa mga

hamon ng buhay at mga mahihirap na gawain. Kahit na sabihin

nating kaya ni Harry na tumayo mag-isa, siya ay sumasandal pa rin

sa suporta at tulong ng kanyang mga kaibigan.

vi. Kamatayan

1. Malapit sa dulo ng kuwento, sinabi ni Dumbledore kay Harry na

“Death is but the next great adventure." Dito malalaman na nais

ipahatid ni J.K. Rowling na ang kamatayan ay dapat di katakutan,

dahil ito ay isang parte ng ating buhay. Ang kamatayan ay minsa’y

maganda at ipinakita ito sa pagsasakripisyo ni Lily Potter para kay

Harry. Binigyan niya ng hangarin si Harry na pigilan si Voldemort sa

kanyang mga gawain.

2. May imortalidad si Voldemort, ngunit ito lamang ay nagpapakita

ng kanyang pagtanggi sa likas na kaayusan ng buhay at

kamatayan. Kaya naman, isa rin itong rason kung bakit naiiba si

Harry kay Voldemort.


vii. Kapangyarihan

1. Ito ay tanging makikita sa paghahangad ni Voldemort sa

kapangyarihan. Gusto niyang makuha ang Philosopher’s Stone,

gamitin ang elixir of life upang makagawa ng bagong katawan, at

makuha ang taas ng kanyang kapangyarihan at kalupitan na

taglay niya noon.

2. Ngunit, naipakita ni rowling na tunay na mas malakas ni

Dumbledore kaysa kay Voldemort. At si Dumbledore lang ang

wizard na kinatatakutan niya. Ngunit, hindi ginamit ni Dumbledore

ang kanyang katalinuhan at kagalingan upang taglayin ang

kapangyarihan, at mangibabaw sa mga taong asa paligid niya,

hindi siya nabubulag ng kapangyarihan tungo sa punto ng

kasamaan. Ang kapangyarihan na kanya lamang nais ay ang pag-

huhubog sa mga batang witches at wizards na gamitin ang

kanilang mahika nang maayos para na rin sa benepisyo ng lipunan.

b. Mga Tauhan/Karakter sa akda

i. Albus Dumbledore

1. Siya ay tinuagurian ni Rowling bilang “epitome of goodness,” siya

ang madalas pinagtutunguhan patungkol sa pagkabukas-palad,

karanasan, at gabay.

ii. Hagrid

1. Sakanyang karakter makikita na ang mga tao ay medaling

magpadala sa hitsura. Si Hagrid man ay makikita na parang isang

dambuhala o halimaw na dapat katakutan at layuan, siya ay isang

mabait na wizard, at isang matalik na kaibigan. Isa sigurong

impluwensiya nito ay ang pagkakaroon niya ng positibong

pagtingin sa buhay.

iii. Harry Potter

1. Isa siyang karakter na naipapakita ang pakiramdam ng may

pumanaw na mahal sa buhay na sa kabila nito ay ginawa niya

itong inspirasyon na lumaban pa rin sa buhay at hindi mawala sa

landas sa tulong ng mga taong gumagabay sa kanya.

iv. Professor Quirrell

1. Sa literal man o matalinghagang pagpapahayag, siya ay may

dalawang mukha. DIto makikita na may mga tao na hindi totoo, o


mapagpanggap. Makikita natin siya bilang mahina at kahabag-

habag, ngunit sa dulo, ipinakita niya ang kanyang tunay na kulay

lalo na’t malapit na siya sa kanyang hinahangad.

v. “He Who Must Not Be Named” / Voldemort

1. Siya ay kumakatawan sa mga taong mapaghangad sa

kapngyarihan at hindi mabitaw-bitawan ang mga materyal na

bagay na makikita sa buhay.

vi. Hermione Jean Granger

1. Sa umpisa, makikita natin na hindi siya nag-iwan ng magandang

impresyon sa kanyang kapwa estudyante at may mga naiinis sa

kanya dahil sa kanyang talino na madalas niyang pinapasikat.

Ngunit, kung titignan nang mabuti ay nais lamang niya na

makibagay sa kanyang mga kamag-aral, lalo na’t hindi siya mula

sa isang wizarding family.

vii. Neville Longbottom

1. Mahiyain man sa paningin ngunit may sa ilalim nito ay may angking

din na katapangan.

viii. Draco Malfoy

1. Sa aking palagay, siya ay may malakas na pagkainggit kay Harry

at sa atensiyon na natatanggap niya.

ix. Professor Snape

1. Siya ay isang misteryosong karakter sa kuwento. Hindi pa nasasagot

ang lahat tungkol sa kanya. Sa umpisa ng kuwento nagbigay siiya

ng mapangit ng impresyon kay Harry, ngunit sa dulo ay ipinalabas

ni Quirrell na nililigtas ni Snape si Harry sa kanilang laro.

c. Tagpuan/Panahon

i. Sa England noong taong 1990s

d. Balangkas ng mga Pangyayari

i. Isang natatanging kuwento itong Harry Potter. Hindi siya isang gasgas na

mga pangyayari. Puno ng detalye ang kuwento, mula sa kanilang

kasuotan, hanggang sa pera. May kaisahan ang mga pangyayari, ngunit

may mga tanong na hindi pa nasasagot. Maraming mensahe ang

naipahatd ng kuwento na makikita na rin sa tema pa lamang nito at

siguradong may natutuhan ako rito.

e. Kulturang Masasalamin sa akda


i. Naisalamin nito ang kultura na meron ang mga British. Halimbawa:

1. Importante ang pera. Makikita kung paano ginawan ng detalye ni

Rowling ang pera sa Wizarding World. Makikita doon pa lamang na

ang pera ay may kahalagahan sa kanila.

2. Sila ay nagdiriwang ng Pasko at Hallowe’en.

3. Ang social class ay may importansya para sa kanila. Makikita ito sa

paraan ng pagsasalita ni Draco kay Ronald Weasley.

III. Pagsusuring Pangkaisipan

a. Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng akda

i. MInsan, ang mga taong hindi mo inaasahang maging kaibigan ay siyang

nagiging pinakamatalik mong kaibigan sa buhay.

ii. Huwag kang matakot na ipahayag ang iyong pinaniniwalaan.

iii. Huwag husgahan ang isang tao base sa kanilang istura.

b. Estilo ng Pagkasulat ng Akda

i. Epektibo ang paraan ng paggamit ng salita.

ii. Hindi gaanong ankop sa antas ng pag-unawa ng mga manonood ang

pagkakabuo nito. Ang Harry Potter ay isang “children’s book” ngunit kung

ako’y isang munting bata ulit, maaaring hindi ko maiintindihan ang aking

pinapanood dahil ang Harry Potter ay nangangailangan ng kagalingan sa

pagtingin ng detalye.

iii. Mula sa pagpapakita ng mga lumilipad na susi, walis, mga pagkawala ng

ilaw at iba pa, makikitang masining ang pagkakagawa sa pelikula.

IV. Buod

a. Si Harry Potter ay isang sampung taong gulang na ulilang bata. Siya ay nakatira sa

4 Privet Drive, Little Whinging Surrey kasama ang kanyang mga kamag-anak na

ang pamilyang Dursley.

b. Sa pagpunta nina Harry sa zoo para sa pagdiriwang ng kaarawan ni Dudley, dito

natuklasan ang unang paggamit ni Harry sa mahika nang hindi niya sinasadya.

c. Matapos ang insidenteng iyon, isang araw, nagulat na lamang si Harry nang

makatanggap siya ng sulat, lalo na’t espesipikong naksulat na “the cupboard

under the stairs” na kung saan siya ay natutulog.

d. Ngunit, bago niya pa ito mabuksan, kinuha na ito agad ng kanyang pinsan na si

Dudley at agad ibinigay sa Tito niyang si Vernon. Sunod-sunod ang pagdating ng

mga sulat ngunit ang lahat ng ito ay sinira ni Vernon hanggang sa sila’y umalis sa

kanilang bahay patungo sa isang maliit na kubo sa maliit na isla.


e. Sa pagsapit ng kanyang ika-11 kaarawan, dumating si Hagrid sa kubo at sinabi na

si Harry ay isang wizard, at siya ay tinanggap sa Hogwarts School of Witchcraft and

Wizardry.

f. Nagkuwento rin siya tungkol sa nakaraan ni Harry – na ang mga magulang niya

ay pinatay ni Voldemort, isang masamang wizard, at siya ring dahilan sa hugis

kidlat niyang peklat.

g. Nang sila’y makarating sa Hogwarts, sila ay inuri sa apat na houses – Gryffindor,

Hufflepuff, Ravenclaw, or Slytherin. Napunta si Harry sa Gryffindor, at dahil sa

kanyang unang taon sa Hogwarts na puno ng mga pangyayari, nagkaroon siya

ng dalawang malapit na kaibigan na miyembro rin ng Gryffindor. Si Ron Weasley,

na nanggaling sa makasaysayang wizarding family, at si Hermione Granger, na

ang mga magulang ay Muggles.

h. Naging magkatunggali sina Draco, na isang Slytherin, at si Harry.

i. Dahil sa katapangan ni Harry na sumakay sa walis, siya ay nakuha bilang seeker

ng Quidditch team ng Gryffindor.

j. Para mapunta sa gulo sina Harry, niloko ni Draco sina Harry na umalis sila sa

kanilang kwarto sa gabi - isang paglabag sa alituntunin ng paaralan.

k. Habang iniiwasan nila na sila’y mahuli, nakita nilang ang asong may tatlong ulo

na nagbabantay sa trapdoor.

l. Nagkaroon ng konklusiyon sina Harry na si Snape ay may galit sa kanya at

nagpaplanong makuha kung ano man ang nasa loob ng trapdoor.

m. Natanggap ni Harry ang cloak of invisibility ng kanyang tatay bilang regalo sa

pasko. Habang siya ay gumagalugad sa ilalim ng cloak, nahanap niya ang Mirror

of Erised, na kung saan nakikita niya ang kanyang mga magulang. Ipinaliwanag

ni Albus Dumbledore na ipinapakita ng salamin na iyon ang pinakamalalim na

kagustuhan ng isang tao.

n. Naisip ng magkakaibigan na ang kayamanan sa ilalim ng trapdoor ay ang

Philosopher’s Stone na may kakayahang gawing ginto ang metal, at may

kakayahan ding magdulot ng imortalidad.

o. Nadiskubre nila na pumapatay si Voldemort ng unicorns sa Forbidden Forest at

iniinom ang dugo nito dahil ito ay isa pang paraan upang matamo ang

imortalidad. Naisip ng tatlo na kasabwat ni Snape ang masamang wizard.

p. Matapos masabi ni Hagrid ang sikreto kung paano mapapatulog ang asong may

tatlong ulo, naisip nilang nasa panganib ang Philosopher’s Stone. Ginamit nila ang
cloak of invisibility sa isang lihim na misyon na makuha ang bato upang maitago

ito kay Voldemort.

q. Nanalo ng House Cup ang Gryffindor dahil sa mga ginawa nina Harry, Ron,

Hermione, at Neville.

V. Teorya

a. Maaari na ang dahilan kung bakit parehas ng wand core si Harry at si Voldemort

ay nakaukol si Harry na sundan ang yapak ni Voldemort.

b. Sina Ron, Harry, at Hermione ay nasa Gryffindor dahil nagkaroon sila ng tapang na

hilingin na mapunta sila dito.

c. Nais malaman ni Dumbledore kung totoo bang “namatay” na si Voldemort, kaya

niya pinadala ang Philosopher’s Stone sa Hogwarts upang makita kung

pupuntahan ba ito ni Voldemort o hindi. Kumbaga, isang patibong lamang ang

Philosopher’s Stone upang makita kung buhay pa siya o hindi.

d. May mga sikretong daanan si Dumbledore kaya siya nakararating sa iba’t ibang

lugar sa loob ng Hogwarts.

e. Nakadisenyo ang mga hamon papunta sa Philosopher’s Stone base sa kakayahan

nina Harry, Ron, at Hermione.

You might also like