Harry Potter

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Roba Cleverine S.

Samson
10-St. Peter

Ang Harry Potter ay isang serye ng pitong nobelang pantasya na


isinulat ng isang Briton, si J.K Rowling, ang may akda. Ang serye ay
sinasalaysay ang pakikipagsapalaran ng isang batang salamangkerong si
Harry Potter, ang pangunahing tauhan, at ang kaniyang mga kaibigang
sina Ron Weasley at Hermione Granger.
Simula nang ilabas ang unang nobela, ang Harry Potter and the
Philosopher’s Stone (Sorcerer’s Stone) noong 1997, umani ito ng sobrang
katanyagan at tagumpay sa buong mundo. Samantala, isinapelikula
naman ito ni Chris Columbos noong 2001, na naging daan upang siya’y
maging tanyag bilang patnugot ng pelikulang ito.
Sa mahiwagang mundo ng Hogwarts, makikilala si Harry Potter, ang
bida sa kwento. Sa murang edad pa lamang, siya’y naulila dahil ang
kaniyang mga magulang na sina Lily at James Potter, ay pinatay ni Lord
Voldermort. Sinubukan din nitong patayin si Harry noong gabing iyon
ngunit siya’y nabigo dahil bumalik sa kaniya ang sumpang dapat ay para
kay Harry. Ang katawan ni Voldemort ay nalupig at naging kawawang
kaluluwa. Sa isang banda, ang markang kidlat ay naiwan sa noo ni Harry
na palatandaan ng sumpa ni Voldermort. Ang pangyayaring naganap sa
pagitan nina Voldemort at Harry ay naging daan upang makilala si Harry
bilang, “ ang batang lalaki na siyang nabuhay,” o “the boy who lived” sa
mundo ng mga salamangkero.
Si Harry ay nakatira sa kaniyang kamag-anak, ang mga Dursleys.
Hindi maganda ang trato nila kay Harry. Siya’y pinapatulog sa maliit na
kwarto sa ilalim ng hagdan. Hanggang sa dumating ang araw ng kaniyang
kaarawan kung saan siya’y nakatanggap ng sulat mula sa Hogwarts School
of Witchcraft and Wizardry na nagsasabing sia’y nararapat na pumasok sa
paaralang ito. Ang sulat na ito ay personal na inihatid ni Hagdrid na siyang
nagturo ng mga mahika kay Harry.
Sa pagpasok ni Harry sa Hogwarts, nakilala niya sina Ron at
Hermione na naging malaking tulong upang malampasan niya lahat ng
mga suliranin sa kaniyang buhay. Kaagapay niya rin si Professor
Dumbledore na siyang naghubog sa kaniyang pagkatao sa loob ng
Hogwarts.
Tunay ngang nakakapukaw ng atensyon ang pelikulang ito dahil
unang serye pa lamang ay napakaganda na. Nanaisin mo na lamang na
hindi tumigil sa panonood at tapusin ang lahat ng serye nito.Hindi
lamang ito para sa mga bata dahil pati mga matatanda ay tiyak na
magugustuahn ito dahil sa kwento at mga aral na matutunan sa pelikula.
Piksyon man ang pelikulang ito, sumasalamin pa rin ang katangian
ng mga karaker sa lipunan na ating ginagalawan. Ang mga lalaki sa
pelikula ay malalakas sa pisikal na aspeto habang ang mga babae ay
ginagamit ang kanilang katalinuhan kagaya lamang ni Hermione. SI
Hermione ay isang matalinong karakter ngunit hindi siya gaanong
matapang. Sa isang eksena, yumukyok sa takot ang karakter nang
makakita ng isang troll. Kinakailangan niya ng lalaking tutulong sa kaniya
at iyon ay si Harry.
Sadyang pinag-isipan ang bawat lugar na pinagganapan ng mga
eksena. Bawat lugar ay agaw-pansin at tunay ngang nakakaakit. Ang mga
‘effects’ at ‘transitions’ na ginamit ay tumpak sa panlasa ng bawat
manonood. Tila makakatotohanan ang mga ipinakitang ‘monsters’ sa
pelikula dahil sa husay ng pagkaka-edit.
Isang masigabong palakpakan para sa mga taong nasa likod nitong
matagumpay na pelikula. Ang pelikulang ito ay produkto ng talino, pagka-
malikhain, pagod, pawis at husay ng mga artistang gumanap.

You might also like