Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon

o Damdamin
1. Mga Pangungusap na Padamdam – Ito ay mga pangungusap na
nagpapahayag ng matinding damdamin o emosyon. Ginagamitan ito ng
tandang padamdam (!)
Halimbawa:
 Nakupo, hindi ko maaatim na patayin ang inosenteng sanggol na ito!
 Ang sakit malamang ang sariling anak ang pumaslang sa ama!
2. Maiikling Sambitla – Ito ay mga sambitlang iisahin o dadalawahing
pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa:
 Aray! Nasugatan ako ng patalim.
 Wow! Ang bango ng ulam natin ngayon.
3. Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o
Emosyon ng Isang Tao
– Ito’y mga pangungusap na pasalaysay kaya’t hindi nagsasaad ng
matinding damdamin, ngunit ito ay nagpapakita ng tiyak na damdamin o
emosyon.

Halimbawa:
Kasiyahan: Napakasayang isipin na may isang bata na namang isinilang
sa mundo.
Pagtataka: Hindi ko lubos maisip kung bakit ipatatapon ng isang magulang
ang isang
walang kamalay-malay na sanggol.
Pagkalungkot: Masakit isiping ang mag ama ay ang nagharap sa isang
pagtutunggali.
Pagkagalit: Hindi dapat kinikitil ang buhay ng isang sanggol.
Pasang-ayon: Tama ang naging desisyon ng pastol na hindi patayin ang
bata.
Pagpapasalamat: Mabuti na lamang at nakapag-isip ang pastol.
REPORT THIS AD

4. Mga Pangungusap na Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi


Tuwinrang Paraan
– Ito ay mga pangungusap na gumagamit ng matatalinghagang salita sa
halip na tuwirang paraan.

Halimbawa:
 Kumukulo ang dugo ko kapag naiisip ko ang mga magulang na
pinababayaan ang mga anak.
(Ibig sabihin ng kumukulo ang dugo ay galit na galit.)

You might also like