RRL Reyna

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang edukasyon ay isa sa mga importanteng aspeto ng pag-unlad ng yamang tao.

Ang mahinang
akademikong pagganap ay hindi lamang nagdudulot ng mababang pagpapahalaga sa sarili bagkus ay
may epekto rin sa mga magulang. Ayon kay Karande, S., maraming dahilan ang nararanasan ng mga
mag-aaral kung kaya’t sila ay nahihirapan sa akademikong pagganap tulad ng problema sa kalusugan,
medyo mababa sa pangkaraniwang katalinuhan, emosyonal na aspeto at iba pang salik sa kapaligiran.
Ayon kay Kulkarni, M., mahalaga na malaman ang mga salik na nakaaapekto sa mahinang akademikong
pagganap ng mga mag-aaral upang magkaroon ng ideya kung paano ito makakaya at masolusyonan.

Ayon kay Kapur, R., maraming salik ang nakaaapekto sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Ang
iba ay sa tahanan, paaralan, guro at mga personal na dahilan ng mga mag-aaral. Ang mga salik sa
tahanan ay pinansyal na kalagayan at komunikasyon ng magulang at mag-aaral. Sa paaralan, ang mga
salik ay distansya ng paaralan mula sa tahanan at ang relasyon sa pagitan ng guro. Ang mag-aaral ay
mayroon pansariling salik tulad ng pangangasiwa ng oras, emosyonal na kalagayan, mga prayoridad at
desisyon sa buhay. Ang mga mag-aaral ay nangangailangan din ng suporta mula sa mga taong
nakapaligid sa kanya.

References:

https://doi.org/10.1007/BF02731673

https://www.researchgate.net/publication/324819919

You might also like