Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

REVIEWER IN AP 8

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang salitang nangangahulugang pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig?

A. Ekonomiks B. Heograpiya C. Kasaysayan D. Sikolohiya

2. Alin sa isa sa limang tema ng heograpiya ang tumutukoy sa pag-aaral ng katangiang natatangi sa isang pook?

A. Lokasyon B. Lugar C. Rehiyon D. Paggalaw

3. Ang lokasyon ay tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig. Ano ang dalawang pamamaraan sa
pagtukoy nito?

A. Absolute at Relatibong Lokasyon B. Anyong Lupa at Anyong Tubig


C. Latitude line at Longitude line D. Distansyang Linear at Time

4. Ang rehiyon ay tumutukoy sa bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o


kultural. Saang rehiyon sa Asya matatagpuan ang bansang Pilipinas?
A. Hilagang Asya B. Silangang Asya
C. Timog Asya D. Timog Silangang Asya

Para sa mga bilang 5-8, basahin at unawain ang mga impormasyon o mga pahayag. Pagkatapos, piliin sa ibaba
kung alin sa mga ito ang tumutukoy sa limang tema ng heograpiya.
A. Lokasyon
B. Lugar
C. Rehiyon
D. Interaksyon ng Tao at Kapaligiran
E. Paggalaw

5. May tropical na klima ang Pilipinas.

6. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West Philippine
Sea.

7. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.

8. Libo-libong Pilipino ang nangingibang-bansa sa Australia at New Zealand upang magtrabaho.

9. Ang daigdig ay binubuo ng matigas at mabatong bahagi na umaabot ang kapal mula 30-65 kilometro palalim
mula sa mga kontinente. Ano ang tawag sa pinakaibabaw na bahaging ito ng mundo?

A. Crust B. Core C. Mantle D. Pangaea

10. Ano ang tumutukoy sa distansyang angular na nasa pagitan ng dalawang meridian patungo sa kanluran ng
Prime Meridian?

A. equator B. latitude C. longitude D. prime meridian

11. Ano ang tawag sa distansyang humahati sa hilaga at timog hemispero na nagtatakda ng zero-degree latitude?

A. equator B. latitude C. longitude D. prime meridian

12. Ang kontinente ay isang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig. Ayon kay Alfred Wegener,
isang German na nagsulong sa Continental Drift Theory, dati nang magkakaugnay ang mga kontinente sa isang
super kontinente na Pangaea. Ayon sa teorya, ano raw ang nangyari?

A. Dahil sa paglawak ng katubigan, unti-unting nagkahiwa-hiwalay ang mga kontinente.

B. Dahil sa paggalaw ng continental plate o malaking bloke ng bato kung saan nakapatong ang kalupaan,
nagkahiwa-hiwalay ang Pangaea at nabuo ang kasalukuyang mga kontinente.

C. Dahil sa pag-uumpugan ng tectonic plate na nagbunga ng pagsabog ng mga bulkan sa ilalim ng


karagatan at madalas na paglindol.

D. Dahil wala pang taong naninirahan noon kaya unti-unting naanod ang mga kalupaan sanhi upang
mgakahiwa-hiwalay ang mga kontinente.
Para sa mga bilang 13-14, suriin ang talahanayan sa ibaba tungkol sa ilang datos ng pitong kontinente.

Kontinente Lawak (km2) Tinatayang Bilang ng Bansa


Populasyon (2018)

1. Asia 44 614 000 4 545 133 094 47

2. Africa 30 218 000 1 287 920 518 54

3. Europe 10 505 000 742 648 010 43

4. North America 24 230 000 587 615 976 23

5. South America 12 814 000 428 240 515 12

6. Antarctica 14 245 000 0 0

7. Australia and 8 503 000 41 261 212 14


Oceania

13. Ayon sa mga datos na nasa talahanayan, alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang tumutukoy sa wastong
pagkakasunud-sunod ng mga kontinente ayon sa lawak?

A. 1,2,3,4,5,6,7 B. 1,2,4,5,3,7,6 C. 1,2,4,6,5,3,7 D. 1,2,4,5,6,3,7

14. Batay sa ipinakikita ng talahanayan, aling kontinente ang pangalawang may pinakamalaking populasyon sa
daigdig?

A. Africa B. Australia and Oceania C. Europe D. North America

15. Sa pag-aaral ng heograpiyang pantao, saklaw nito ang pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa
iba’t ibang bahagi ng daigdig. Alin sa mga sumusunod na pangunahing pamilya ng wika ang may pinakamaraming
taong gumagamit?

A. Afro-Asiatic B. Austronesian C. Indo-European D. Niger-Congo

16. Samantala, alin naman sa mga sumusunod na pangunahing pamilya ng wika ang kinabibilangan ng pamilya
ng wikang Pilipino?

A. Afro-Asiatic B. Austronesian C. Indo-European D. Niger-Congo

17. Batay sa makaagham na pag-aaral ng pinagmulan ng tao, mga ilang milyong taon na ang nakalipas mula nang
makita ang pinagmulan ng mga ninuno ng tao na Homo species?

A. 1.5 milyong taon B. 2.5 milyong taon

C. 3.5 milyong taon D. 4.5 milyong taon

Para sa mga bilang 18-27, piliin sa ibaba kung anong yugto sa pag-unlad ng kultura ng mga sinaunag tao ang
tinutukoy ng bawat pahayag.

A. Panahong Paleolitiko B. Panahong Neolitiko

C. Panahon ng Metal D. Panahon ng Bakal

18. Ito ay tinatawag na Panahon ng Lumang Bato.

19. Ito ay itinuturing na pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan.

20. Ito ay tinatawag na Panahon ng Bagong Bato.

21. Inililibing ang mga yumao sa loob ng kanilang bahay.

22. Nagkaroon na ng mga unang pamayanan sa anyong mga campsite.

23. Naimbento ang Persian Silver Cup.

24. Natutuhan ang magtunaw at magpanday ng bakal.

25. Unang gumamit ng apoy at nangaso.


26. Umusbong ang pagiging artistiko ng mga tao sa pagpipinta sa katawan at pagguhit sa bato.

27. Kilala sa paggamit ng makikinis na kasangkapang bato at naganap sa panahong ito ang sistematikong
pagtatanim.

28. Alin sa mga sumusunod na Homo species ang marunong gumawa ng kagamitang bato?

A. Homo Habilis B. Homo Erectus C. Homo Sapiens D. Sapiens Sapiens

29. Ano ang isang pamayanang Neolitiko na matatagpuan ngayon sa kapatagan ng Konya ng gitnang Anatolia,
Turkey?

A. Catal Huyuk B. Cro- Magnon C. Mesopotamia D. Neanderthal

30. Ano ang mga patunay na ang Catal Huyuk ay lumitaw noong panahong Neolitiko?

A. Dahil sa mga artifacts na natagpuan doon ng mga archaeologists.


B. Dahil napatunayan na ang mga sinaunang taong nanirahan doon ay may sistema ng sakahan.
C. Dahil sinasabing umunlad ang sinaunang pamayanang ito 9000 taon na ang nakararaan.
D. lahat ng nabanggit

Piliin sa ibaba kung saang kontinente matatagpuan ang mga pook na tinutukoy sa bilang 31-34.

A. Asia B. Africa C. North America

D. South America E. Europe F. Australia and Oceania

31. Egypt Sahara Desert Nile River

32. Mt. Everest Himalayas Mountain Tibet

33. Borneo Tibetan Plateau Arabian Peninsula

34. Appalachian Mountain Gulf of Mexico Hudson Bay

35. Ang Mesopotamia ay itinuturing na lupain sa pagitan ng dalawang ilog. Ano ang dalawang ilog na ito?

A. Ilog Indus at Ganges B. Ilog Huang Ho at Ilog Yangtze


C. Ilog Nile at Ilog Amazon D. Ilog Tigris at Euphrates

36. Ito ay ang kabihasnang dumadaloy sa Indus River.

A. Mesopotamia B. Indus C. Tsina D. Ehipto

37. Ito ay ang kabihasnang may matabang lupain sa Huang Ho.

A. Mesopotamia B. Indus C. Tsina D. Ehipto

38. Ito ay kabihasnang itinuturing na biyaya ng Ilog Nile.

A. Mesopotamia B. Indus C. Tsina D. Ehipto

39. Bakit naging tanyag sa kasaysayan si Haring Sargon I?

A. Dahil siya ay mula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia sa lungsod-estado ng Akkad.


B. Dahil isa siya sa pinakamahusay na hari ng Akkad.
C. Dahil siya ang nagtatag ng kauna-unahang imperyo sa daigdig.
D. wala sa nabanggit

40. Sa anong dinastiya sa Tsina nagsimula at lumaganap ang kaisipang Mandate of Heaven?

A. Chou B. Q’ing C. Shang D. Sui

41. Ito ang tawag sa panritwal na laro sa Olmec na tila kahalintulad ng larong basketbol, subalit hindi maaaring
gumamit ng kanilang kamay. Sa halip, gamit ang mga siko at baywang.

A. Pok-a-tok B. Lilok ng anyong ulo mula sa mga bato


C. Jaguar D. Teotihuacan

42. Siya ang pinakamatagal na naghari sa lahat ng hari sa kasaysayan ng Ehipto. Pinaniniwalaang tumagal ng 94
na taon ang kanyang pamumuno.
A. Khufu o Cheops B. Pepi II C. Reyna Hatshepsut D. Rameses I

43. Ito ang bahay-sambahan ng mga Sumerian.

A. Hanging Garden B. Great Wall C. Piramide D. Ziggurat

44. Pinakamalaking estruktura at libingan ng pinuno ng sianunang Ehipto.

A. Hanging Garden B. Great Wall C. Piramide D. Ziggurat

45. Estruktura sa China na nagsilbing harang at proteksiyon laban sa mga mananakop.

A. Hanging Garden B. Great Wall C. Piramide D. Ziggurat

46. Tawag sa sinaunang sistema ng pagsulat ng mga Sumerian.

A. Ayurveda B. Calligraphy C. Cuneiform D. Hieroglyphics

47. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napakikinabangan pa rin sa kasalukuyan?

A. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura.


B. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa.
C. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan.
D. Natutugunan nito ang ibang pangangailangan ng tao.

48. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong panahon ng kabihasnan sa Mesopotamia, aling sitwasyon ang
hindi nararapat na maganap sa iyong lungsod-estado?

A. Walang pagkakaisa ang mga ito upang hindi madaling masakop ang mga teritoryo.
B. May mahusay na pinunong mamamahala na magpapaunlad sa iyong pamumuhay.
C. May sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at sa iba pang bagay.
D. May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas ng lungsod.

49. Bakit karapat-dapat hangaan ang mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesoamerica?

A. Dahil itinatag ang mauunlad na kabihasnang ito sa America.


B. Dahil higit na matas ang antas ng pamumuhay ng mga taga-Mesoamerica kaysa sa mga kabihasnang itinatag
sa Asya at Africa.
C. Dahil nananatili pa rin ang kanilang kabihasnan hanggang sa kasalukuyang panahon.
D. Dahil nagtagumpay ang mga katutubo na makapagtatag ng mahusay na pamayanan sa kabila ng mga
hamon ng kapaligiran sa kanilang buhay.

50. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang inihandog ng mga sinaunang kabihasnan sa
kasalukuyang panahon?

A. Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass, at imprentang naimbento ng mga sinaunang Tsino.
B. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat maging asignatura sa mga paaral sa kasalukuyan.
C. Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
D. lahat ng nabanggit

You might also like