Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Life of Christ

Lesson 1: JESUS CALMS THE STORMS (Pinatigil ni Jesus ang bagyo)


Outline
I. Introduction
Nagkaroon o nakaranas na ba kayo ng problema na nagbigay sa inyo ng labis na takot?
II. Progression of Events
A. Isang gabi tumawid si Jesus kasama ang kanyang mga alagad sa kabilang ibayo ng lawa. (Mark 4:
35-36)
B. Pero biglang umihip ang malakas na hangin at lumaki ang mga alon, pumasok ito sa loob ng
bangka na halos ikalubog nito. (4: 37)
C. Samantala, natutulog nuon si Jesus sa likod ng bangka kung kaya’t ginising siya ng kanyang mga
alagad at tinanong kung wala ba sa kanya na malunod sila at mamatay. (4:38)
D. Bumangon si Jesus at sinaway ang bagyo. Tumigil nga ang hangin at bumuti ang panahon. (4:39)
E. Pagkatapos, tinanong ni Jesus ang kanyang mga algad kung bakit natakot sila at hindi nagtiwala
sa kanya, ngunit lalo lang silang natakot at nagtanungan sa kapangyarihan ipinamalas ni Jesus.
(4:40)
F. Nang ibang araw pinatawid ni Jesus ang kanyang mga alagad sa kabilang ibayo ng lawa habang
siya ay pumunta sa bundok upang manalangin. (Matthew 14:22-23)
G. Habang nasa lawa (ang mga alagad), nagkaroon ng malakas na hangin at malalakas na alon na
humahampas sa kanilang bangka na halos magpataob dito. (14:24)
H. Sinundan sila ni Jesus, lumapit siya sa bangka na naglalakad sa tubig ngunit sumigaw at natakot
ang mga alagad dahil inakala nilang Siya ay multo. (14:25-26)
I. Ngunit nagsalita si Jesus at nagpakilala, sinabi naman ni Pedro kung maaari ay pumunta siya kay
Jesus at maglakad din sa tubig. (14:27-28)
J. Sinabi ni Jesus kay Pedro, “Halika,” nakalakad din siya sa tubig papunta kay Jesus, ngunit ng
makaramdam siya ng takot nagumpisa siyang lumubog, no’oy humingi siya ng tulong kay Jesus.
(14:29-30)
K. Inabot at iniligtas agad siya ni Jesus at tinanong kung bakit kay liit ng pananampalataya niya.
(14:31)
L. Nung makasakay na si Jesus at si Pedro sa bangka ,tumigil ang malakas na hangin at alon.
(14:32)
III. Climax
Ipinakikita ni Jesus na kaya ninyong lagpasan ang anumang problema kung magtitiwala kayo sa
kanya!
IV. Conclusion
Sinamba ng mga alagad si Jesus at ipinahayag na siya ang Anak ng Diyos. (14:33)
Challenge(saved child): Magtiwalang tutulungan ka ni Jesus sa oras ng problema at pangangailangan.
[Psalm 46:1]
Invitation(unsaved child): Magtiwala kay Jesus na kaya ka niyang tulungan sa iyong problema, gaano man
ito kalaki at kaya ka niyang patawarin ano man ang iyong pagkakasala. [Acts 16:31]
Lessson 2: JESUS HEALS THE LEPERS (Pinagaling ni Jesus ang mga ketongin)

Outline
I. Introduction
“Marumi! Marumi!” sigaw ng isang kawawang lalaki habang pasuray-suray na lumalakad.

II. Progression of Events


A. Lumapit kay Jesus ang isang taong may ketong at nagmakaawang siya’y pagalingin.
(Mark 1:40)
B. Labis na naawa si Jesus sa kanya. (1:41)
C. Kung kaya’t hinawakan siya ni Jesus at agad siyang gumaling. (1:41-42)
D. Sinabi ni Jesus sa lalaki na pumunta sa isang pari at ipasuri ang kanyang paggaling.
(1:43-44)
E. Ipinahayag naman ng lalaki ang himala ng kayang paggaling na nagdulot ng padagsa ng
maraming tao kay Jesus. (1:45)
F. Habang papunta si Jesus sa isang bayan, may nakasalubong siyang sampung tao na may
ketong. (Luke 17:11-12)
G. Nang makita ng sampung ketongin si Jesus, sumigaw sila mula sa malayo na sila’y
pagalingin. (17:13)
H. Sinabi ni Jesus sa kanila na pumunta sila sa pari sa temple at magpasuri; nag ginawa ng
nila nagulat sila ng makitang sila’y magaling na. (17:14)

III. Climax
Tanging si Jesus lamang ang makapagpapagaling sa kanilang nakamamatay na sakit!

IV. Conclusion
A. Tanging isang lalaki lamang sa sampung pinagaling ang bumalik kay Jesus upang
magpasalamat. (17:15-18)
B. Sinabi ni Jesus sa lalaki na tumayo na umuwi at ikinatuwa ni Jesus ang kayang
pananampalataya. (17:19)

Invitation (unsaved child): Tanging si Jesus lamang ang makapaglilinis ng iyong mga kasalanan.
[John 1:12]
Lesson 3: JESUS MEETS ZACCHAEUS (Nakilala ni Zaqueo si Jesus)
Outline
I. Introduction
Hindi alam ng maniningil ng buwis na may napakagandang mangyayari sa kanya sa araw na
ito na magpapabago ng kayang buong buhay!

II. Progression of Events


A. Pumunta si Jesus sa bayan ng Jericho. (Luke 19:1)
B. Duon ay may nakatirang isang mayaman ngunit hindi tapat na maniningil ng buwis na ang
pangalan ay Zaqueo. (19:2)
C. Ninais niyang makita si Jesus dahil sa mga balita ngunit napakarami ng mga tao at siya
ay maliit lamang. (19:3)
D. Kaya naman umakyat siya sa isang puno ng Sikamoro upang makita kung saan daraan si
Jesus. (19:4)
E. Pagdating ni Jesus sa tapat ng puno tumongala siya at tinawag si Zaqueo sa pangalan.
(19:5)
F. Pinababa niya si Zaqueo at sinabing tutuloy siya sa bahay nito, (19:5)
G. Nagmamadaling bumaba si Zaqueo at masayang pinatuloy si Jesus sa kanyang bahay.
(19:6)
H. Nagbulungan ang mga tao at tinatanong kung bakit sa makasalanang tao pa siya
makikituloy? (19:7)
I. Sinabi ni Zaqueo kay Jesus na ibabahagi niya ang kalahati ng kanyang kayamanan sa mga
mahihirap at kung merong man siyang nadaya isasauli niya ito ng maka-apat na beses.
(19:8)
III. Climax
At sinabi ni Jesus na si Zaqueo, isang makasalanan ay nagkatagpo na ng tunay na
kaligtasan! (19:9)
IV. Conclusion
Ipinahayag ni Jesus ang kanyang misyon sa mundoang hanapin at iligtas ang nawawala.
(19:10)
Invitation (unsaved child): Naparito ang Panginoong Jesus upang iligtas ka mula sa kasalanan.
[Romans 10:13]

You might also like