Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sa ating pinagpipitagang panauhing tagapagsalita, sa ating minamahal na punong guro Gng.

, sa nga
butihing guro at kawani, sa mga tagapagtaguyod, sa ating mapagmahal na magulang,at sa nga kapwa ko
magsisipagtapos at lahat ng naririto para makisaksi sa pagtatapos na ito isang maligayang araw.

Isang mahaba, magulo, makaalaman at masayang pahina na naman ng ating kwento ang magsasara
Mula sa ating alma mater. ito na ang huling araw na tayo ---- mga nagsipagtapos sa taong 2019 ay
magkakasama-sama. Alam ko na kagaya ko NASA puso din ng mga kapwa ko nagsipagtapos ang saya,
saya sapagkat natapos na namin ang aming research paper , saya sapagkat malapit na nating makamit
ang tagumpay na ating inaasam. Ngunit hindi rin natin maitatago sa likod ng mga kolorete na nilagay
natin sa ating mga mukha ang lungkot , lungkot ng paghihiwalay sapagkat sa paaralang ito nabuo ang
matatag na pagkakaibigan na mas pinatatag ng pananampalataya pagdadamayan at pagmamahalan ng
tulad sa magkakapatid, lungkot sapagkat iiwan na natin ang pangalawa nating mga magulang, na
nagturo sating tumayo sa ating mga paa, mag solve ng ibat ibang Formula sa math at magturo ng mga
katotohanan sa mundo. Kaya aking hinihiling sa mga kapwa ko studyante na tumayo at magbigay pugay
sa kanilang guro at isang group hug para sa kanila. (tatayo pupunta sa Kay ma'am and Sir?) . Syempre
nararapat din nating bigyan ng pagpupugay ang pinaka mahalagang biyaya ng ating amang maykapal ang
ating mga magulang kayadapat din nating ibigay ang mainit init na yakap at halik na puno ng
pagmamahal at isang matamis na I LOVE YOU sapagkat sila ang laging nanjan sa pagharap natin sa ating
mga suliranin.

Sa aking kapwa nagsipagtapos maari ba nating ipakita ang ating pagpupugay at pagmamahal sa
panginoon sa pamamagitan ng isang masigabong palakpakan ( clap) "God is really great" guys kaya sa
aking mga kaibigan, kaeskwela, at kapwa magsisipagtapos kaunting oras na lang ang ating hinihintay para
sarhan ang pahina ng ating senior high life at magbukas at sumulat ng bagong kwento ng ating buhay
sapagkat tapos na tayong hubugin ng ating inang paaralan. Mula sa isang uod na hindi alam ang
nangyayari sa atin, isa na tayong paru paru na sumisimbulo ng katapangan na handang harapin ang mga
pagsubok na handang harapin ang mga pagsubok na ibabato ng buhay.at namumukod tangi Hindi dahil
tayo ay nakakalamang sa ibat ibang larangan, namumukod tangi sapagkat ang diyos ang gumagabay at
umaagapay sa ating buhay.

Sa bawat pagsasara ay ang pagbubukas ng mga bagong pahina. Kaya sa aking kapwa magsisipagtapos sa
taong 2019 umpisahan natin ang ating mga bagong pahina ng ating buhay na puno ng pagmamahal,
detrmenasyon, at Aral na inukit sa atin ng ating Alma mater (name of school) . Sana dumating ang oras at
panahon na muli tayong magkita kita.

Bago ko tapusin ang aking pananalita nais ko kayong iwanan ng isang Verso galing sa bibliya (bible
verse?) na nagsisilbing insperasyon para makamit ang aking pangarap.

Muli magandang araw at mabuhay sa mga nagsipagtapos ��

You might also like