Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Si Alberto Palec Perlas ay ipinanganak noong ika-5 ng Marso, 1920 sa Passi,

Iloilo. Ang kaniyang ama ay si Jose Perlas Sr. at ang kaniyang ina naman ay si
Margarita Palec Perlas. Siya ay nagtapos ng kanyang elementarya sa Passi I Central
School at ng sekondarya naman sa Iloilo Provincial High School. Pumasok naman siya
sa College of Engineering ng MAPUA Institue of Technology noong siya ay nasa
kolehiyo.

Ngunit sa kabila ng lahat, pinangarap ni Albert na maging isang sundalo kung


kaya’t siya’y pumasok sa PFC of United States Armed Forces ng Far East (USAFFE), 6th
Military District nong 1941. Sumali rin siya sa Kilusang Guerila ng Pana. Pagkatapos ng
digmaan, nagging miyembro rin siya ng Philippine Constabulary Combat Team.

Bilang isang sundalo, marami rin siyang naimbag na karangalan sa kanyang


propesyon. Nanguna siya sa pagtambang sa Imperyo ng mga Kasundaluhan ng Japan
sa Panay. Napag-alamang bago ang pag-ataking naganap, noong ika-25 ng Agosto,
1942, mga bandang 2:30 ng hapon ay sumakay sila sa tren mula sa Brgy. Bitaogan
Railroad Station malapit sa Passi, Iloilo. Sa pag-ataking naganap,7 sundalo na hapon
ang napatay ng kanilang pangkat. Namatayan rin sila ng isang kasapi at yan ay sa
katauhan ni Private Alfonso Delena na kinilalang kauna-unahang namatay na miyembro
ng Free Panay Guerilla Forces.

Hindi nagging madali ang naging buhay sundalo ni Albert. Sumapi siya sa
Masbate Campaign at Kamlon Campaign sa Mindanao. Sumama rin siya sa mga
pagsalakay sa mga Hapong garison sa Panay at sumali rin siya sa pakikipaglaban upang
makamit ng Panay ang inaasam-asam na kalayaan. Pagkatapos nito, siya ay itinalaga sa
isang napakahalang kampanya laban sa “Hukbalahap” sa Central Luzon. Habang siya’y
inatasan sa pagbabantay, namatay si Alberto Perlas sa biglaang pag-ataki sa kanilang
hukbo noong ika-13 ng Setyembre, 1950 sa Mauban, Quezon. Ang labi ni Albert ay
agad na inuwi sa Passi, Iloilo at inilibing noong ika-27 ng Setyembre sa Passi Public
Cemetery.

You might also like