Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay-Aralin sa Filipino

Baitang 9
September 25, 2019

I- LAYUNIN

A. Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag sa parabula (F9PT-IIIa-50)


B. Napatutunayan na ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring maganap sa tunay
na buhay sa kasalukuyan. (F9PB-IIIa-50)
C. Nailalapat sa tunay na buhay ang mga mensahe o aral na napulot sa parabola
D. Naisusulat ang sariling parabula tungkol sa isang pagpapahalagang kultural sa Kanlurang Asya

II- NILALAMAN

Paksa : Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan (Mateo 20: 1-16)


Parabula - Kanlurang Asya
Sanggunian: Panitikang Filipino, Baitang 9, dahon 123
Kagamitan: kopya ng talata na nasa manila paper, pentel pen, yeso,isang buong papel at panulat.

III- PAMAMARAAN

A. Pang-araw-araw na Gawain ( 5 minuto )


1. Pagsasaayos ng klasrum
2. Panalangin
3. Pagbati
4. Pagtatala ng liban
5. Pagtalakay sa mga kasanayang pampakatuto
B. Balik-aral ( 5 minuto )
 Dula at mga sangkap nito
 Ipapaskil ng guro ang concept map ng salitang “Dula”, at susulat ang mga
mag-aaral ng isang salita na may kaugnayan sa salitang Dula. At ipaliliwanag
ang kanilang sagot.
C. Pagganyak ( 5 minuto )
 Panonood ng Video Clip
 Pahuhulaan ng guro ang mga bansa sa Timog-Kanlurang Asya sa pamamagitan
ng larong 4 pics 1 word.
D. Paglinang ng taasalitaan
 Kaparesalita
 bibigyang-kahulugan ang pahayag na ginamit sa parabula gamit ang laro.
E. Presentasyon ( 7 minuto )
 Pagbasa ng akda
 Ipapaskil ng guro ang salitang parabula at kahulugan nito. Ipaliliwanag ito ng
isang mag-aaral., saka babasahin nang tahimik ang halimbawang pabula na
pinamagatang “Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan (Mateo 20: 1-
16)
F. Pagtalakay sa Paksa ( 13 minuto )
 Q&A 2019
 Itatanong ng guro ang mga katunungan mula sa modyul ng mag-aaral.
G. Gawain
 Sulat ko, Salaysay ko
 Bubuo ng limang pangkat ang klase,at sa pamamagitan ng mga salitang ginamit
sa talasalitaan, susulat sila ng isang salaysay na naglalaman ng mga aral mula
sa pabula. Matapos makasulat, babasahin ng bawat pangkat ang kanilang
salaysay, nang sabay-sabay.
H. Paglalapat
 Iguhit mo ang iyong Imahinasyon
 Iparirinig ng guro ang mga pilosopiya hinggil sa kabutihang asal ng tao mula sa
pahayag ng iba’t ibang mangangaral, pipikit ang mga mag-aaral upang higit na
maunawaan ang mensahe o mga aral. At ilalapat nila ito sa mga pangyayari sa
buhay. Magbabahagi ang mga mag-aaral ng boluntaryo
I. Paglalahat
 Dugtungan mo!
 Dudugtungan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod pahayag na hindi tapos:
1. Nakatutulong ang parabula sa tao sa pamamagitan ng…
2. Mahalaga ang parabula, sapagkat…
IV. PAGTATAYA

 G-Quiz Tayo
 Bilang pagtataya, maglalaro ng G-Quiz Ang buong klase.

You might also like