Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Introduksyon sa Blog

Sa muling pagyuyugto ng kasayasayan ng ating panitikan, nais kong gawing angkla ang tema ng
larong patintero. Napili ko ang ganitong angkla palibhasa sinasalamin nito kung paano mas
lumilitaw ang mapanlikhang abilidad at gising na kamalayan ng manunulat na Filipino sa harap
ng puwersa ng kolonyalismo. Tulad ng pagtawid ng opensibong koponan kung saan
pansamantala lamang silang nananatili sa teritoryo ng depensibong kupunan (para bang
nakikiraan lamang), hindi basta-bastang namamahay ang epekto ng kolonyalismo sa ating bayan
sa puntong nakabatay lamang ang ating identidad sa mga iniwan ng panahon. Sa kabuuan,
ipinahahatid ko lamang na bagaman madalas tinitingnan ang mga kolonisado bilang
makapangyarihan at mapanatiling puwersa sa pagkakabuo ng sariling identidad ng panitikan
Filipino, maaari rin itong ituring mga kalaro na nagpupuwersang gisingin ang sigla at
imahinasyong likas sa manunulat na Pilipino.

Unang Labanan: Pangangapa sa Takbo ng Laro (1565 hanggang 1872)


Sari-sari ang posibilidad na pumapalibot sa salitang laro—maaaring pisikal tulad ng basketbol o
patintero, pangkatalinuhan tulad ng chess at matematika, pangkasiyahan tulad ng video games
at board games, o simpleng suwertihan lang gaya ng bato-bato pick at maiba-taya. Anumang uri
ng paligsahan ang pinag-uusapan, walang sinumang manlalaro ay nagsisimula agad bilang isang
kampeon. Malimit ay hindi pa sanay ang mga koponan sa pamamalakad ng laro, kung kaya’t
kailangan muna nitong mangapa—mangapa sa alituntunin ng laro, mangapa sa kalakasan at
kahinaan ng sariling pangkat, at mangapa sa kalakasan at kahinaan ng kalaban. Kung ilalapat ang
konseptong ito sa lente ng panitikan, mabibigyang diin ang pagkasalimuot ng tagisan ng ating
panitikan sa banyagang katapat na siya’y pinapatunayan ng ating banggaan sa pangunahing
kolonisador—ang mga Espanyol. Alinsunod sa ganitong pagbabanghay, umuusli ang iilang mga
tema sa yugto ng pangangapa: 1) ang hindi maiiwasang silakbo sa simula; 2) ang mapalinlang na
diskarte ng kolonisador; at 3) ang kakulangan sa pangkalahatang estratehiya ng depensibong
koponan. Mahalaga ring bigyang diin na tinitingnan ng pagyuyugtong ito ang katutubong
panitikan bilang bukal ng enerhiya o powerhouse kung saan tinatamo ng depensibong koponan
and kanyang sigla upang harapin ang makatotohanang laro. Ito ang saligang dahilan kung bakit
sa aking pagyuyugto, nilalaktawan ang panahon ng katutubo at lumalarga agad sa taong 1565
kung saan umusbong ang ating panitikan sa pamamahala ni Miguel Lopez de Legazpi, ang
pangunahing Spanish governor-general sa Pilipinas.

Ang bawat simula ng larong patintero ay kinakatawan ng silakbo o pagdaluyong ng mga


tagatawid. Pagkatapos nang pagkatapos ng “Isa! Dalawa! Tatlo,” palagi’t palaging maiisahan ng
mga tagatawid ang unang depensibong harang sapagkat hindi sapat ang haba ng braso nito sa
rami ng dumadaang mga opensibo. Nakikita ang ganitong penomena sa panahon ng Espanyol
sapagkat sinasalungguhitan ang bukod-tanging kapangyarihan ng Kristiyanismo na kung pag-
iipingin sa kahinaan ng sangkatauhan ay walang kahirap-hirap tatagos sa kanilang sensibilidad.
Kung titingnan ang huling saknong ng tulang May Bagyo Ma’t May Rilim,
“Cun lompo ma’t, cun pilay
Anong di icahacbang
Naito ang aacay
Magtuturo nang daan:
Toncod ay inilaan
Sucat pagcatibayan.”
bumabalantok ang malumanay na tono ng persona na pumapantay sa kanyang kamalayan ng
sariling mga kapansanan. Tulad ng tagaharang na maikli ang braso at kaya’y madaling lampasin,
madali ring hinihila ang napinsalang katauhan ng persona patungo sa Kristiyanismo na unang
ipinapakilala ng mahiwagang Bibliya. Sa ganitong pagpapalagay, umaalingawngaw ang ikalawang
tono ng persona na mapagtiwala kung kaya’t nananalig itong sa pamamagitan ng
pananamplataya ay makakatawid sa kahit anong uri ng unos. Samatuwid, ang mapagtiwalang
tonong ito ang siyang pangunahing patunay o palatandaan ng silakbo ng relihiyong Kristiyanismo
sa panitikang Filipino.

Ngayong nakalusot at nakakalat na ang opensibong koponan sa parilya, darating ang laro sa isang
puntong maaaring tawaging deadlock kung saan mapanlinlang ang labanan ng dalawang
koponan. Sa pamamagitan ng maliksi at biglaang pagtakbo sa kaliwa’t kanan ng mga tagaharang,
maaaring litohin ng opensibong manlalaro ang tagaharang kung saang puwang talaga ito nais
dumaan. Gusto man o hindi, kinakailangang talimahin ng depensibong manlalaro ang
mapanuksong pakana ng opensibo upang hindi ito makapunto. Laganap ang ideyang ito sa lente
ng panitikan sa estratehiyang substitution kung saan mapantuksong inaayon ng kolonisador ang
kolonisasyon sa mga paniniwala at tradisyong matagal nang pinanghahawakan ng mga Pilipino.
Ang tanyag na tulang Mahal na Passion ni Jesu Christong Panginoon Natin ni Gaspar Aquino de
Belen ay isa sa mga patunay rito sapagkat ginagamit nito ang talinghaga ng kamatayan at muling
pagkabuhay na kung susuriin ay katugma sa tala ng mga andá ng epikong Pilipino na binalangkas
ni Isagani Cruz. Subalit laganap na ang ideyang Sa ganitong paraan, inihahantulad ng mga Pilipino
si Jesu Kristo bilang isang bayani mula sa katutubong epiko at sa huli, inaakala nito na siya’y
napapalapit sa katutubong ideolohiya subalit sa katotohanan ay maaaring nalalayo rito.

Subalit nasa diwa ng patintero ang kooperasyon at pakikiisa, taglay rin nito ang elementong
indibidwalistiko na mabisang mapapansin sa unang raun ng laro. Kung susuriin nang mabuti, ang
bawat miyembro ng depensibong koponan ay nakapokus lamang sa paghaharang ng tagatawid
sa harap nito at madalang binibigyang pansin ang kaganapan sa paligid, kung kaya’t walang iisang
tiyak na estratehiya ang depensibong koponan. Nakikita ito sa lente ng panitikan noong
kolonisasyon ng Espanyol sapagkat hindi pa tahasang nangingibabaw ang patriotic consciousness
sa akda ng Pilipino at sa halip ay nakakubli sa kani-kanilang mapanlarong talinghaga. Sa Florante
at Laura ni Francisco Balagtas, hindi direktang binabatikos ang pagdurusa ng mga Pilipino sa ilalim
ng mapang-aping rehimen ng mga Espanyol subalit ibinabaon ito sa pamamagitan ng mga
mapangathang tauhan, tagpuan, kabalintunaan. Alinsunod sa ganitong pananaw, tinitingnan ang
pananangis ni Florante, na nakagapos sa punong nakatayo sa kalagitnaan sa mapanglaw na gubat,
bilang isang paglalarawan ng malubhang kalagayan ng Pilipino sa panahon ng mapaniil na
Espanyol. Sa ganitong paraan din nakikita na ang himakas ng persona sa harap ng nagbabantang
kamatayan,
“Paalam, Albanyang pinamamayanan
ng kasamaa’t lupit, bangis, kaliluhan,
akong tanggulan mo’y kusa mang pinatay
sa iyo’y Malaki ang panghihinayang!”
ay katangi-tangi sapagkat siya ay inaapi hindi lamang ng kalaban ngunit pati ang mismong bayang
pinanglilingkuran nito—ang Albanya. Habang nananatili itong matatag sa ganitong antas ng
digmaan, sumisipot ang kahanga-hangang uri ng nasyonalismo na siyang dahilan din kung bakit
pumapayag itong lumisan sa bansa. Ang imaheng ito ay nag-aanino sa nabanggit na patriotic
consciousness na mamaya ay lantarang matatamo sa mga akda nina Andres Bonifacio, Emilio
Jacinto, at iba pang manunulat sa panahon ng rebolusyon.

Sa pagtatapos ng unang labanan ng patintero, pinaaalahanin tayo na subalit malaki pa ang agwat
ng puntos natin sa puntos ng kolonisador, marami pang raun upang bumawi at magtagumpay.
Ang higit na mahalaga ay kahit papaano, mabisa nating nangapa ang iba’t-ibang aspeto ng takbo
ng laro—mula sa hindi mailagang silakbo sa umpisa, tungo sa posibilidad ng mapanlinlang na
pamamaraan, at sa huli’y ang kakulangan ng isang namamayaning plano ng aksyon.

- Lahat ito ay dahil naniniwala si Floranteng kung mahal niya siya ng Albanya, hindi dapat
siya nandirito ngayon sa ganitong masaklap na kalagayan.

kung kaya’t napakatindi ng digmaang kaniyang hinaharap.


at sa kabila nito, matibay ang loob ng tauhan.

ang mismong bayang pinanglilingkuran ay ang nang-aapi sa

- Lahat ito ay dahil naniniwala si Floranteng kung mahal niya siya ng Albanya, hindi dapat
siya nandirito ngayon sa ganitong masaklap na kalagayan.

- Selfless
- higit sa lahat ay nagpaalam siya sa baying kanyang ipinagtanggol sa digmaan na ngayon
ay magdiriwang dahil sa kanyang sinapit.
- Nangusap siya sa Albanya, Albanya, at ang mga naipaglingkod niya roon. At dahil sa
paglilingkod niyang ito, itinatanong niya sa Albanya kung bakit siya hinayaang
magkaganito, at ipinalagay na lamang niyang ito ang kabayaran sa kanya ng Albanya
bagaman pinaglingkuran niya ito at ipinagtanggol.
- e Bukod sa mga Muli, kagaya ng mga sinabi ni Florante, at ipinaliwanag sa mga huling
kabanata, inilalarawan ni Florante ang Albanya bilang isang kahariang pinamamayanan ng
kasamaan, lupit, bangis at kaliluhan. At dahil sa mga kasaklapang iyon, lubhang
nanghihinayang si Florante sa Albanya.
-
- Mga pahayag ni Florante sa Albanya
- Sa ikalawang pahayag ni Florante, ihinihiling niyang huwag sanang mapilantikan ang
Albanya ng mga kalaban nito, at maipagtanggol nito ang sarili gamit ang espadang
kagaya ng binitbit ni Florante upang ipagtanggol ang Albanya.
- Para kay Florante, pinabayaan na siya ng Albanya, kinasusuklaman ng Albanya ang
sinupaan niyang tungkuling magtanggol, at hinayaan pa nitong patayin siya ng mga
hayop kahit iginugugol niya sa Albanya ang mga iniyak niyang dugo, at kung itanggol
niya ang Albanya sa mga mananakop nito, nauubos pa ang tulo ng kanyang dugo,
nagpapahiwatig ng marahas na digmaang kanyang dinaraan upang maipagtanggol
lamang ang Albanya. Sa huli itinuturing ni Floranteng kamatayan ang bayad sa kanya ng
Albanya. Lahat ito ay dahil naniniwala si Floranteng kung mahal niya siya ng Albanya,
hindi dapat siya nandirito ngayon sa ganitong masaklap na kalagayan.
- Bagaman dito pinasasalamatan pa rin ni Florante ang Albanya, malamang sa dahilang
hangad na ring mamatay ni Florante dahil sa sobrang pagpapasakit at kalungkutan.

habang nakagapos sa punong nakatayo sa gitna ng mapanglaw na gubat bilang isang

Ang imahen ni Florante na nakakapit sa puno sa kalagitnaan ng mapanglaw na kagubtan

Sa loob at labas ng bayan kong sawi


kaliluha’y siyang nangyayaring hari,
kagalinga’t bait ay nalulugami,
ininis sa hukay ng dusa’t pighati

inaanino

inaanino ang nasyonalismo sa pamamagitan ng mapangathang mga tauhan at

A national consciousness is a shared sense of national identity; a shared understanding that a


people group shares a common ethnic/linguistic/cultural background. Historically, a rise in
national consciousness has been the first step towards the creation of a nation.
 Jose Rizal and his generation readily saw the “foreshadowing of nationalism” in
“Florante at Laura” and their own condemnation of colonial abuses.
 Thus his fantastic characters and settings have been regarded as symbolic, and Florante
at Laura has come to be read consequently as a stirring piece of patriotism—a depiction
of the sufferings of the Filipino people under the oppressive Spanish colonial regime.
Balagtas is now a Filipino hero and Florante at Laura one of the country's sacred texts. It
was the longing for and imagining of a Philippine nation that engendered the secular
canonization of the poet and his poem.
 Dr. José Rizal (the Philippine National Hero) considers Florante at Laura to be the best
awit (form of Filipino poetry) in his time. It was written as a depiction of the country’s
situation during the rule of the Spaniards. Balagtas was playful with his use of mockery,
irony, paradox, satire, disdain; he sets all this up like chess pieces. The characters and
the setting used were of foreign origin but the nature, gesture and custom are
undoubtedly Filipino and the events in the story are similar to the real incidents during
that period.
 Balagtas was thought to have employed elements far removed from 19 th century
Philippine society to get his poem past the strict censorship of the government and the
Church. Thus his fantastic characters and settings have been regarded as symbolic, and
Florante at Laura

Florante at Laura
 Mapanlaro
 Deviates
 Iba’t ibang tema
 Wala pang iisang social consciousness
 Non-secular

You might also like