Professional Documents
Culture Documents
Buod NG Urbana
Buod NG Urbana
Sa Piging
Ang sulat na ito ni Urbana kay Feliza ay mga bilin niya sa kanyang dalawang
nakababatang kapatid tungkol sa karapat dapat na asal nila kapag sila’y
naanyaya sa isang piging sapagkat maaari makasira sa imahe ang maling
gawain.
Pagdating sa bahay:
·7 Bumati ng magandang gabi o magandang araw sa may bahay, saka isusunod
ang mga kaharap.
·8 Huwag magpapatuloy sa kabahayan hanggat hindi inaanyayahan.
·9 Bago lumuklok ay hintayin muna na pagsabihan at huwag pipili ng mahal na
luklukan.
·10 Iwasan ang mamintas, itago na lamang sa sarili.
Sa lamesa:
·11 Huwag makikiluklok sa matatanda.
·12 Sa pagkain, ay iwasan ang pag-ubo, pagsingha o pagbahing.
·13 Iwasan kumain ng puno ang bibig at malalaki ang subo.
·14 Masama ang mahalatang ma-ibigan sa alak.
·15 Huwag magpahuli sa lahat sa pagkain at huwag namang magpapa-una ng
pagtindig.
Sa pag-alis:
·16 Bago umalis sa dulang ay magpasalamat sa Diyos, ang dapat mamuno ay
ang may-bahay.
·17 Magpasalamat sa may-bahay.