Benitez, sa aktibong coordinator ng departamentong Filipino,
Mam Lucy Pattalitan, sa mga tagapamahala ng pagdiriwang na ito sa pangunguna ng mga guro ng wika, mga kapwa ko guro, panauhin, mga mag-aaral maganda at makabuluhang umaga sa ating lahat!
"Ang wika ay susi ng puso at diwa, tuluyan ng tao’t ugnayan
ng bansa." -Marisol Mapula-
Masasabi kong malaking karangalan na kayo ay aking
makaharap sa umagang ito dahil alam nating lahat na ating ipinagdiriwang ang buwan ng wika. Bilang isa sa mga guro ng wika, ako ay nalulungkot na sa pagdaan ng humigit pitongpu’t-dalawang taon mula ng ideklara ang Tagalog, na ngayon ay Filipino, bilang pambansang wika ni Presidente Manuel Luis Quezon,ay marami pa rin sa ating mga kababayan, lalo na ang mga prominenteng opisyal ng gubyerno, ang mas nanaisin pang gamitin ang banyagang salita sa loob at labas ng tahanan,…..at kung minsa’y ititinatatwa pa ang salitang sariling atin.
Ang tema ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum sa
paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Sa pamamagitan ng tema, layon na palaganapin ang wikang Filipino sa iba’t ibang larang ng karunungan, lalo na sa agham at matematika. Sa madalas paggamit ng wikang sariling atin, mapapalaganap ang paggamit nito sa mga larangang hindi lang saklaw ng edukasyon kundi pati na rin sa teknolohiya, syensya, kultural at akademiko sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Filipino bilang wikang saliksik.
Ano nga ba ang wikang saliksik? Ito ay naglalayon na
pagtibayin ang paggamit ng wikang Pambansa bilang daan para sa malalimang pag-aaral at pagsasaliksik. Sa ilalim ng Konstitusyon ng 1987, muling nabigyan ng halaga ang salitang Filipino. Datapwat Filipino at Ingles pa rin ang opisyal na wika sa ating saligang-batas, isang tunay na pambansang wika na tatawaging Filipino na kakatawan sa lahat ng mga katutubong wika at maging wikang banyaga na malaki rin ang impluwensya sa paghubog ng ating kalinangan .Labing-anim na taon mula ng maipagtibay ang kasalukuyang Saligang-Batas, malayo na ang narating ng ating pambansang wika. Malaki na ang itinaas ng kamalayan ng bawat mag-aaral na Pilipino sa wikang Filipino. At iyan ay pinagpapasalamat natin sa lahat kayong mga nasa Kagawarang ito. Taas noo kong itataguyod ang ating sariling wika dahil ito ang simbolo ng ating pagka-Pilipino. Gaya nga ng katagang iniwan ni Gat Jose Rizal: “Ang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika ay masahol pa ang amoy sa malansang isda”. Sa pagdiriwang natin ng Buwan ng Wika, huwag nating kaligtaan na ang Pambansang Wika ay dapat magsilbing dagta na makapag-bubuo sa ating mga Pilipino saan man dako ng mundo tayo makarating.
Hayaan ninyong tapusin ko ang aking talumpati sa isang
hangarin na sana ay mabigyang katuparan ang pangarap nina Gat Jose Rizal at dating Pangulong Quezon na isang araw ay mangingibabaw ang salitang Filipino sa pang-araw- araw na buhay ng ating mga kababayan.
Anuman ang tibay ng piling abaka, wala ring lakas kapag