Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Ang Wika at ang Lipunan

Lingua franca - Wikang ginagamit ng mas nakararami sa isang lipunan.

Ayon kay Durkheim ( 1985), isang sociologist,nabubuo ang lipunan ng mga taong nasa isang lipunan ay
may kanya-kanyang papel na ginagampanan. Sila ay namumuay, nakikisama at nakikipagtalastasan sa
bawat isa

W.P Robinson ang mga tungkulin ng wika sa aklat. Language and Social Behavior (1972)

1.Pagkilala sa estado ng damdamin at pagkatao,panlipunang pagkakakilanlan at ugnayan

2. Pagtukoy sa antas ng buhay sa lipunan.

Michael Alexander Kirkwood Halliday o mas kilala sa taguri na M.A.K Halliday ay isang bantog na
iskolar mula sa Inglatera.Ibinahagi niya sa nakararami ang kanyang pananaw na ang wika ay isang
panlipunang phenomenon. Naging malaking ambag niya sa mundo ng lingguwistika ang popular niyang
modelo ng wika, ang Systemic functional linguistics.

Pitong tungkulin ng wika ni M.A.K Halliday

1. Instrumental-Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng


pakikipag-ugnayan sa iba. Ang paggawa ng liham pangangalakal,liham sa patnugot, at
pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng
produkto ay mga halimbawa ng tungkuling ito.
2. Regulatoryo- Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal ng biang tao.
Ang pagbibigay ng direksiyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon ng isang partikular na
lugar;direksyon sa pagluluto ng isang ulam;direksyon sa pagsagot sa pagsusulit; at direksyon sa
paggawa ng anumang bagay ay mga halimbawa ng tungkuling regulatoryo.
3. Interaksyonal-Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang
kapwa;pakikipagbiruan;pakikipagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa partikular na
isyu;pagkukuwento ng malulungkot o masasayang pangyayari sa isang kaibigan o kapalagayang-
loob;paggawa ng liham-pangkaibigan.
4. Personal-Saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa paksang
pinag-uusapan. Kasama rin dito ang pagsulat ng talaarawan at journal, at ang pagpapahayag ng
pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.
5. Heuristiko-Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may
kinalaman sa paksang pinag-aaralan. Kasama rito ang pag-iinterbyu sa mga taong makasasagot sa
mga tanong tungkol sa paksang pinag-aralan;pakikinig sa radyo;panonood sa telebisyon; at
pagbabasa ng pahayagan,magasin,blog, at mga aklat kung saan nakakukuha tayo ng mga
impormasyon.
6. Impormatibo-Ito ang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay pagkuha o paghanap ng
impormasyon,ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at
pasalita. Ang ilang halimbawa nito ay pagbibigay-ulat,paggawa ng pamanahong
papel,tesis,panayam at pagtuturo.

Jakobson ( 2003)- paraan ng pagbabahagi ng wika. Isa sa pinakamagaling na dalubwika ng


ikadalawampung siglo. Isa siya sa mga nagtatag ng linguistic Circle of New York.Ang kanyang bantog na
functions of language ang kanyang naging ambag sa larangan ng semiotics

Ang semiotics ay ang pag-aaral sa mga palatandaan at simbolo at kung paano ito gamitin.

A.Pagpapahayag ng damdamin (Emotiv)-

Saklaw nito ang pagpapahayag ng mga saloobin,damdamin at emosyon.

B.Panghihikayat ( Conative)- gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensya sa iba sa


pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap.

C.Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan ( Referential )- Ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa


aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at
impormasyon.

D.Paggamit ng kuro-kuro ( Metalingual )- Ang gamit na lumilinaw sa mga suliranin s pamamagitan


ng pagbibigay ng komento s isang kodigo o batas.
E.Patalinghaga ( Poetic )-Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya
ng panulaan,prosa, sanaysay at iba pa. Ang prosa o madalas ring tinatawag na pananalitang tuluyan
ay isang anyo ng pagsulat o pananalita. Sapagkat ito ay walang natatanging ritmo o metro, ito ay
inihahalintulad sa pang-araw-araw na pananalita o kumunikasyon.

Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika

Wika - Isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo,tunog, at mga kaugnay na
batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.Ginagamit ang pamamaraang ito sa
pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat.

Ayon kay Paz, Hernandez, at Peneyra ( 2003:1), ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at
mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin. Ito ay behikulo ng ating eksprisyon at
komunikasyon na epektibong nagagamit.

Ayon kay Henry Allan Gleason, Jr., isang lingguwista at propesor emeritus sa University of Toronto,
ang wika ay masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamamaraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura.

1934: Marami sa mga delegado ang sumang-ayon sa panukalang isa sa umiiral na wika sa bansa ang
dapat maging wikang pambansa subalit sinalungat ito ng mga maka-Ingles na naniniwalang higit na
makabubuti sa mga Pilipino ang pagiging mahusay sa wikang Ingles.

Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral
na wika sa Pilipinas. Ang mungkahing ito ay sinusugan ni Manuel L. Quezon na noo’y Pangulo ng
Pamahalaang komonwelt ng Pilipinas.

Charles Darwin- ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng cake, o ng
pagsusulat. Hindi rin daw ito tunay na likas sapagkat ang bawat wika ay kailangan munang pag-aralan
bago matutuhan

Cambridge Dictionary- ang wika sa ganitong paraan: ito ay isang Sistema ng komunikasyong
nagtataglay ng mga tunog, salita at gramatikang ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga
mamamayan sa isang bayan o sa iba’t ibang uri ng gawain.

1935: Ang pagsusog ni Manuel L. Quezon ay nagbibigay-daan sa probisyong pangwika nakasaad sa


Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935

“Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang
ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi itinatakda ng batas, ang wikang
Ingles at Kastila ang siyang mananatiling opisyal na wika.

1937: Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wikang Tagalog ang
maging batayan ng Wikang Pambansa base sa rekomendasyon ng Surian sa bisa ng Kautusang
Tagagapagpaganap Blg. 134. Magkakabisa ang kautusang ito pagkaraan ng dalawang taon.

1940: Dalawang taon matapos mapagtibay ang Kautusang Tagagapagpaganap Blg. 134, nagsimulang
ituro ang wikang pambansa na batay sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado.

1946: Nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan, sa Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas
noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag ding ang mga wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bias
ng Batas Komonwelt Bilang 570.

1959:Noong Agosto 13, 1959,pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula Tagalog ito ay nagging
Pilipino sa bias ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang Kalihim ng
Edukasyon noon. Sa panahong ito’y higit na binigyang halaga at lumaganap ang paggamit ng wikang
Pilipino.

1972: Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1972


kaugnay ng usaping pangwika. Sa huli, ito ang mga nagging probisyong pangwika sa Saligang Batas
ng 1973, Artikulo XV, Seksiyon 3, blg, 2.

1987: Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng komisyong Konstitusyunal na binuo ni dating


Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino> Nakasaad sa Artikulo
XIV, Seksiyon 6 ang probisyon tungkol sa wika na nagsasabing:
Barayti ng Wika

Heterogeneous na Wika – wikang iba-iba ayon sa lugar, grupo, at pangangailangan ng paggamit nito , maraming
baryasyon na wika

Homogeneous na Wika – nagsasabing ang wikang “pormal” ay iba sa “naimbentong” wika

Nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo, maging ng kani-kanilang
tirahan, interes, Gawain, pinag-aralan at iba pa

May dalawang dimensiyon ang baryabiliti nito: heograpikal at sosyal (Constantino, 2006)

Dayalek – ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat. Ito
ang wikang ginagamit sa isang particular na rehiyon, lalawigan o pook, Malaki man o maliit.

Sosyolek – naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong sosyal (
pamantayan ) na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan

Idyolek – indibidwal na paraan/ istilo ng paggamit ng wika

Pidgin – ay tinatawag sa Ingles na nobody’s native language. Nagkakaroon nito kapag ang dalawang taal na
tagapagsalita ng dalawang magkaibang wika na walang komong wika ay nagtatangkang magkaroon ng
kumbersasyong makeshift

Creole – naman ay isang wika na unang nagging pidgin at kalaunan ay nagging likas na wika (notivized). Nagkaroon
nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-angkin ditto bilang kanilang

Iba pang Barayti

Ekolek – wika sa bahay

Etnolek – wika ng mga etnolinggwistikong grupo

Register – wikang ginagamit sa isang particular na domeyn na may tiyak na pagpapakahulugan

Unang wika

Ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao. Tinatawag din itong katutubong
wika ,mother tongue, arterial na wika at kinakatawan din ng L1.

Pangalawang wika

Mula sa salitang paulit-ulit niyang naririnig ay unti-unti niyang natutuhan ang wikang ito hanggang sa magkaroon
siya ng sapat na kasanayan at husay rito at magamit niya na rin sa pagpapahayag at sa pakikipag-usap sa ibang tao.
Ito na ngayon ang kanyang pangalawang wika o L2.

Pangatlong wika

Nagagamit ang wikang ito sa pakikiangkop niya sa lumalawak na mundong kanyang ginagalawan. Ang wikang ito
ang kanyang magiging ikatlong wika o L3.

Monolinggwalismo Bilinggwalismo Multilinggwalismo

Tawag sa pagpapatupad ng iisang Isang taong may sapat na Ang Pilipinas ay isang bansang
wika sa isang bansa tulad ng kakayahan sa isa sa apat na multilinggwal. Mayroon tayong
isinasagawa sa mga bansang makrong kasanayang pangwikang mahigit 150 na wika at wikain kaya
England, Pransya,South Korea, kinabibilangan ng pakikinig, naman bibihirang Pipilino ang
Hapon at ipa kung saan iisang wika pagsasalita, pagbasa at pagsulat sa monolongguwal.
ang ginagamit na wikang panturo. isa pang wika maliban sa kanyang
unang wika.

Gayunpama’y nananatiling laganap sa nakararaming batang Pilipino ang paggamit ng unang wika sa halip na Filipino
at Ingles kaya, sa pagpapatupad ng Deped ng K to 12 Curiculum, kasabay na ipinatupad ang probisyon para sa
magiging wikang panturo particular sa kindergarten at sa Grade 1, 2, 3. Tinatawag itong MTB-MLE o Mother Tongue
Based- Multilingual Education.Ang pamantayan sa pagpapatupad nito ay nakasaad sa DO 16, s. 2012 na kilala rin
bilang Guidelines on the Implementation of the Mother Tongue-Based-Multilingual Education ( MTB-MLE ).

Ponciano B. P. Pineda ( 2004: 159 ) ang probisyong ito sa Saligang Batas ang naging basehan ng Surian ng Wikang
Pambansa sa pagharap sa Kalihim ng Edukasyon at Kultura ng kahilingang ipatupad ang patakarang bilingual
instruction na pinagtibay ng Board of National Education ( BNE ) bago pa umiral ang Martial Law. Ang patakarang
iyon ay alinsunod sa Executive Order No. 202 na bubuo ng Presidential Commission to Survey Philippine Education
( PCSPE ) tungkol sa dapat maging katayuan ng Pilipino at ng Ingles bilang mga wikang panturo sa paaralan.

Ducher at Tucker ( 1977 ) napatunayan nila ang bisa ng unang wika bilang wikang panturo sa mga unang taon ng
pag-aaral.Bilang matibay na pundasyon sa pagkatuto ng pangalawang wika.

Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973

“Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang
wikang Filipino. Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Filipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas.

Pananaw ng mga dalubwika ng bilinggwalismo

• Leonard Bloomfield ( 1935 ), isang Amerikano lingguwista bilang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang
wika na tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika. Ang pagpapakahulugang ito ay maaaring
mai-kategorya sa tawag na “perpektong bilingguwal” ay kinontra ng pagpapakahulugan ni John
Macnamara.

• John Macnamara ( 1967 ), isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang
pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita,pagbasa at pagsulat sa isa pang wika maliban sa unang
wika.

• Uriel Weinreich ( 1953 ) isang lingguwistang Polish-American, na nagsasabing ang paggamit ng dalawang
wika nang magkasalitan ay matatawag na bilingguwalismo at ang taong gagamit ng mga wikang ito ay
bilingguwal.

• Maituturing na bilingguwal ang isang tao kung magagamit niya ang ikalawang wika nang matatas sa lahat
ng pagkakataon. Sa pananaw na ito, dapat magamit ng mga bilingguwal ang dalawang wika nang halos hindi
na matutukoy kung alin sa dalawa ang una at pangawalang wika.

Walong Pangunahing Wika

1. Tagalog 5. Hiligaynon
2. Kapangpangan 6. Pangasinense
3. Ilokano 7. Bikol
4. Cebuano 8. Waray

Apat na iba pang wikain

1. Maguindanaoan 3. Tausug
2. Chavacano 4. Meranao

Pagkalipas ng isang taon, noong 2013 ay nagdagdag ng pitong wikain kaya’t naging labinsiyam na ang wikang
ginagamit sa MTB-MLE

1. Ybanag para sa mga mag-aaral sa Tuguegarao City,Cagayan, At Isabela


2. Ivatan para sa mga taga Batanes
3. Yakan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao
4. Surigaonon para sa lungsod ng Surigao City
5. Kinaray-a sa Antique
6. Aklanon sa Aklan, Capiz
7. Sambal sa Zambales

Ito ngayon ang magiging bridge o tulay upang kasunod na mapalakas at mapalusog ang pagkatuto ng ating wikang
pambansa, ang Filipino at gayundin ang wikang Ingles. Sabi nga ni Pangulong Benigno Aquino III :

“We should become tri-lingual as a country. Learn English well and connect to the World. Learn Filipino well and connect to our
country. Retain your dialect and connect to your heritage”
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Panahon ng mga Katutubo

Teoryang Teoryang Teoryang Teoryang Teoryang


Ding Dong Bow-Wow Pooh-Pooh Ta-Ta Yo-he-ho

Nagmula ang Ang wika ay mula Nagmula ang May koneksyon Ang wika ay
wika sa sa panggagaya ng wika sa mga ang kumpas o nabuo mula sa
panggagaya ng mga sinaunang salitang namutawi galaw ng kamay pagsama-sama,
ma sinaunang tao tao sa mga tunog sa mga bibig ng ng tao sa lalo na kapag
sa mga tunog ng na nilikha ng mga sinaunang tao paggalaw ng dila. nagtratrabaho
kalikasan.Ito hayop, katulad ng nang Ito raw ang sanhi nang
marahil ang bow-wow para sa nakaramdam sila ng pagkatuto ng magkakasama.
dahilan kung aso, ngiyaw para ng masisidhing taong lumikha ng Ang mga tunog o
bakit ang boom ay sa pusa, kwak-kwak damdamin tulad tunog at matutong himig na
palaging para sa ng tuwa, galit, magsalita. namumutawi sa
naikakabit sa pato.Ngunit sakit, sarap, mga bibig ng tao
pagsabog, splash marami ang hindi kalungkutan at kapag sila ay
sa paghampas ng sang-ayon sa pagkabigla. Ang nagtratrabaho
tubig. Ang lahat teoryang ito. ai ai sa Basque ay nang sama-sama.
ng bagay ay may “aray”
sariling tunog.
Mga Makabagong Teorya

1. Teoryang Ta-ra-ra-boom De-ay – ang wika ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nilikha
sa mga ritwal. Halimbawa: pagsayaw, pagsigaw at incantation o mga bulong na ginagawa tuwing
makikidigma, pagtatanim at iba pa
2. Teoryang Mama - Nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng pinakamahahalagang
bagay. Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’y hindi niya masasabi ang salitang mother ngunit
dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi ang
mama bilang panumbas sa salitang mother.
3. Teoryang Sing-Song - Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa
paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal.
Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at
musical, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.
4. Tore ng Babel - Teoryang nahalaw mula sa Banal na Kasulatan. Nagkaroon ng panahon kungsaan
ang wika ay iisa lamang. Napag-isipang magtayo ng isang tore upang hindi na magkawatak-watak
at nang mahigitan ang Panginoon. Nang malaman ito ng Panginoon, bumababa Siya at sinira ng
tore. Nang nawasak na ang tore, nagkawatak-watak na ang tao dahil iba-iba na ang wikang
kanilang binibigkas kaya nagkanya-kanya na sila at kumalat sa mundo.
5. Teoryang Hey You! - Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na bunga ng interpersonal na kontak
ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika. Ayon kay Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na
nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang
pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang kontak.
6. Teoryang Coo Coo - Ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol. Ang mga
tunog daw na ito ang ginaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay- bagay sa
paligid, taliwas sa paniniwala ng marami na ang mga bata ang nanggagaya ng tunog ng mga
matatanda.
7. Teoryang Babble Lucky - Ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng tao.
Sa pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang daw siya nang ang mga hindi sinasadya at walang
kabuluhang tunog na kanyang nalikha ay naiugnay sa mga bagay-bagay sa paligid na kalaunan
ay naging pangalan ng mga iyon.
8. Teoryang Hocus Pocus - Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad
ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno.
Maaari raw kasing noo’y tinatawag ng mga unang tao ang mga hayop sa pamamagitan ng mga
mahikal na tunog na kalaunan ay naging pangalan ng bawat hayop.
9. Teoryang Eureka! - Sadyang inimbento/nilikha ang wika ayon sa teoryang ito ayon kay (Boeree,
2003). Maaari raw na ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong
tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis
na iyong kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay- bagay.
10. Teoryang Yum Yum – Katulad ng teoryang ta-ta, pinag-uugnay ang teoryang ito ang tunog at kilos
ng pangangatawan. Katulad halos ng teoryang ta-ta ang paliwanag ng mga proponent ng teoryang
ito sa pinagmulan ng wika

Masistemang Balangkas : Balangkas Ng Wika

TUNOG [Ponolohiya (Ponema)] -> Salitang-Ugat + Panlapi + Morpema [ Morpolohiya (Morpema)] ->
Pangungusap [Sintaksis (Sambitla) -> Diskurso

Sinasalitang Tunog – Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Ang
mga tunog ay nalilikha ng ating aparato sa pagsasalita. Pinakamahalagang tunog na anlilikha natin ang
kung gayo’y kasangkapan ng komunikasyon.

Dinamiko – ang isang wika ay maaring madaragdagan ng mga bagong bokubaloryo. Bunga ito ng
pagiging malikhain ng mga tao. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika. Nagbabagu-bago ang
kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon ng wika.

Pinipili at isinasaayos – ang wikang gagamitin upang maintindihan tayo ng ating kausap. Kailangan
pumili ng parehong wika upang magkaunawaan.

Nakabatay sa Kultura – hindi maaring paghiwalayin ang wika at kultura, sapagkat sa pamamagitan ng
wika,m nasasalamin ang kultura ng isang bansa.

KAANTASAN NG WIKA

A. PORMAL – ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na
nakakarami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika
1. PAMBANSA – ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila
sa lahat ng mga paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang ginanagamit ng pamahalaan at
itinuturo sa mga paaralan. Halimbawa: Asawa, Anak, Tirahan
2. PAMPANITIKAN o PANRETORIKA – ang mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa
kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalim,
makukulay at masining. Halimbawa: Kahati sa buhay, bunga ng pag-ibig, pusod ng
pagmamahalan
B. IMPORMAL – antas ng wika na karaniwan, palasak, pang-araw-araw, madalas gamitin sa
pakikipag-usap at pakikipagtalastasan
1. LALAWIGANIN – ginagamit ito sa mga particular na pook o lalawigan lamang. Makikilala
rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono o ang tinitawag ng marami nap unto. Halimbawa:
Papanaw ka na? (aalis ka na?) Nakain ka na? (kumain ka na?) Buang! (Baliw!)
2. KOLOKYAL – mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal.
Maaring may kagaspangan ng kaunti ang salita ngunit maari rin itong refinado ayon sa kung
sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita lalo sa pasalitang
komunikasyon ay mauri rin sa antas nito. Halimbawa: Nasan, pa’no, sa’kin, kelan, meron ka
bang dala?
3. BALBAL – and tinatawag sa Ingles na slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas
na ito; ikalawa sa antas bulgar. Halimbawa: Chicks (dalagang bata pa), Orange ( beinte pesos),
Pinoy ( Pilipino). May karaniwang paraan ng pagbuo ng salitang balbal
a. Paghango sa mga salitang katutubo – gurang (matanda), bayot (bakla), barat (kuripot)
b. Panghihiram sa mga wikang banyaga – epek(effect), futbol (naalis, natalsik), tong (wheels)
c. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog – buwaya (crocodiles – greedy), bata (child
– girlfriend), durog (powdered – high in addiction), papa (father – lover)
d. Pagpapaikli – pakialam (paki), tiyak (tyak)
e. Pagbabaliktad – pwedeng buong salita gaya ng etned (bente) at kita (atik) o pwede
naming papantig gaya ng Ngetpa ( panget) at tipar (parteJean-Jacques Rosseau, ang
pagkalikha ng wika ay hindi nagmula sa pangangailangan nito ngunit nanggaling sa
silakbo ng damdamin.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa

1. Teorya ng Pandarayuhan - Kilala rin ang teoryang ito sa taguring wave migration theory na pinasikat ni
Dr. Henry Otley Beyer, isang Amerikanong antropologo noong 1916. Tatlong Pangkat: Negrito, Indones
at Malay. Nasira ang teorya ni Beyer nang matagpuan ng pangkat ng mga arkeologo ng Pambansang
Museo ng Pilipinas sa Pangunguna ni Dr. Robert Fox

Tinawag na Taong Tabon ang mga labing kanilang natagpuan dito.Tinatayang nanirahan ang mga
unang taong ito sa yungib ng Tabon may 50,000 taon na ang nakaraan. Kagamitang bato tulad ng chertz,
isang uri ng quartz, gayundin ang mga buto ng ibon. Unang nagkaroon ng tao sa Pilipinas kaysa sa
Malaysia at sa Indonesia.

Linda Jocano - Sa kanyang pag-aaral ukol sa kasaysayan ng Pilipinas sa UP Center for Advanced
Studies noong 1975 at ng mga mananaliksik ng National Museum na ang bungong natagpuan ay
kumakatawan sa unang lahing Pilipino sa Pilipinas.

2. Teorya ng Pandarayuhan Mula sa Rehiyong Austronesyano - Sa pinakabagong teorya tungkol sa


pinagmulan ng lahing Pilipino ay ang Teorya ng Pandarayuhan mula sa rehiyong Austronesyano. Ito ang
mga Pilipino na nagmula sa lahing Austronesian. Ang Austronesian ay hinango sa salitang Latin na auster
na nangangahulugang “south wind” at nesos na ang ibig sabihin ay “isla”.

Ayon kay Wilheim Solheim II, Ama ng Arkeolohiya ng Timog-Silangang Asya, ang mga
Austronesian ay nagmula sa mga isla ng Sulu at Celebes na tinawag na Nusantao. Sa pamamagitan ng
kalakalan,migrasyon at pag-aasawa ay kumalat ang mga Austronesian sa iba’t ibang panig ng rehiyon.

Peter Bellwood ng Australia National University - Ang mga Austronesian ay nagmula sa Timog
Tsina at Taiwan na nagtungo sa Pilipinas noong 5,000 BC.

Gayunpaman,napatunayang marunong sumulat at bumasa ang mga katutubo. May sinusunod


silang pamamaraan ng pagsulat na tinatawag na baybayin. Ang mga ito ay matatagpuang nakasulat sa
biyas ng kawayang matatagpuan sa Museo ng Aklatang Pambansa at ng Unibersidad ng Santo Tomas.
Sinasabing malaking bahagi ng kanilang ginawa noon ay hindi na matagpuan sapagkat sinunog na ng mga
dayuhang Espanyol ang mga ito.Ang baybayin ay binubuo ng labimpiyong titik-tatlong patinig at labing-
apat na katinig.

Panahon ng mga Amerikano

Almirante Dewey - Wikang Ingles ay 1. Ginamit bilang wikang panturo sa lahat ng antas at 2.
Pakikipagtalastasan.

Dahil sa pagnanais na maisakatuparan ang mga plano alinsunod sa mabuting pakikipag-ugnayan,


nagkaroon ng pambansang Sistema ng edukasyon sa kapuluan. Inaasahang sa pamamagitan ng Sistema
nila ng edukasyon, magiging tama ang edukasyon ng mamamayan, masaklaw at magtuturo sa mga
Pilipino ng pamamahala sa sariling bayan, at higit sa lahat ay mabibigyan din sila ng isang wikang
nauunawaan ng lahat para sa mabisang pakikipagtalastasan sa buong kapuluan.

Jacob Schurman -> Ingles sa edukasyong primary -> Batas Blg. 74 noong ika-21 ng Marso, 1901
na nagtatag ng mga paaralang pambayan at nagpahayag na Ingles ang gagawing wikang panturo.

3Rs: Reading, writing, arithmetic

Hindi maiwasan ng mga guro ang paggamit ng bernakular sa kanilang pagpapaliwanag sa mga
mag-aaral. Naging dahilan ito upang ang Superintende Heneral ng mga paaralan ay magbigay ng
rekomendasyon sa Gobernador Militar na ipagamit ang bernakular bilang wikang pantulong.

Pinagtibay naman ng Lupon ng Superyor na Tagapayo ang resolusyon sa pagpapalimbag ng mga


librong pamprimarya na Ingles-Ilokano, Ingles-Tagalog,Ingles-Bisaya at Ingles-Bikol. Noong 1906,
pinagtibay ang isang kurso sa wikang Tagalog para sa mga gurong Amerikano at Pilipino sa panahon ng
bakasyon ng mga mag-aaral.

Nang mapalitan ang direktor ng Kawanihan ng Edukasyon, napalitan din ang pamamalakad at
patakaran. Ipinahayag ng bagong direktor na wikang Ingles lamang ang gagamitin wikang panturo at
ipinagbawal ang paggamit ng bernakular. Mga sundalo ang unang nagsipagturo ng Ingles at sumusunod
ang grupong kinikilala sa tawag na Thomasites.
Jorge Bocobo at Maximo Kalaw - > Noong taong 1931, ang Bise Gobernador Heneral George
Butte na siyang Kalihim ng Pambayang Pagtuturo, ay nagpahayag ng kanyang panayam ukol sa paggamit
ng bernakular sa pagtuturo sa unang apat na taong pag-aaral.

Ang sumusunod ay ilan sa mga dahilang nagtataguyod ng paggamit ng Ingles.

1. Ang pagtuturo ng bernakular sa mga paaralan ay magre-resulta sa suliraning administratibo.


2. Ang paggamit ng iba’t ibang bernakular sa pagtuturo ay magdudulot lamang ng rehiyonalismo sa
halip na nasyonalismo.
3. Hindi magandang pakinggan ang magkahalong wikang Ingles at bernakular.
4. Malaki na ang nagasta ng pamahalaan para sa edukasyong pambayan at paglinang ng Ingles
upang maging wikang pambansa.
5. Ingles ang nakikitang pag-asa upang magkaroon ng pambansang pagkakaisa.
6. Ingles ang wika ng pandaigdigang pangangalakal. Ang paggamit ng wika ay mayaman sa
katawagang pansining at pang-agham.
7. Ang Ingles ay mayaman sa katawagang pansining at pang-agham.
8. Yamang nandito na ang Ingles ay kailangang hasain ang paggamit nito.
Ang mga tagapagtaguyod ng paggamit ng wikang Ingles ay maraming dahilan. Ito ang sumusunod.

1. Walumpung porsiyento ng mag-aaral ang nakaabot ng hanggang ikalimang grado lang kaya
pagsasayang lamang ng panahon at pera ang pagtuturo sa kanila ng Ingles na walang kinalaman
sa kanilang sosyal at praktikal na pamumuhay.
2. Kung bernakular ang gagamiting panturo, magiging epektibo ang pagtuturo sa primary.
3. Kung kailangan talagang linangin ang wikang komon sa Pilipinas, nararapat lamang na Tagalog
ito sapagkat isang porsiyento lamang ng tahanang Pilipino ang gumagamit ng Ingles.
4. Hindi magiging maunlad ang pamamaraang panturo kung Ingles ang gagamitin dahil hindi
naman natututo ang mga mag-aaral kung paano nila malulutas ang mga problemang kahaharapin
nila sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
5. Ang paglinang ng wikang Ingles bilang wikang pambansa ay hindi nagpapakita ng nasyonalismo.
6. Nararapat lamang na magsagawa ng mga bagay para sa ikabubuti ng lahat katulad ng paggamit
ng bernakular.
7. Walang kakayahang makasulat ng klasiko sa wikang Ingles ang mga Pilipino.
8. Hindi na nangangailangan ng mga kagamitang panturo upang magamit ang bernakular,kailangan
lamang na ito ay pasiglahin.

Henry Jones Ford - “ gaya ng makikita, ang gobyerno ay gumastos ng milyon-milyon para sa
maisulong ang paggamit ng Ingles upang mabisang mapalitan nito ang Espanyol at mga dayalek sa mga
ordinaryong usapan, at ang Ingles na sinasalita ay kay hirap makilala na Ingles na nga.”

Propesor Nelson at Dean Fansler (1923) - Maging ang mga kumukuha ng mataas na edukasyon ay
nahihirapan sa paggamit ng wikang Ingles.

Sa surbey na ginawa nina Najeeb Mitri Saleeby at Educational Survey Commission na


pinamumunuan ni Dr. Paul Monroe. Natuklasan nila na ang kakayahang makaintindi ng mga kabataang
Pilipino ay napakahirap tayahin kung ito ba ay hindi nila malilimutan paglabas nila ng paaralan.

Joseph Ralston Hayden, Bise Gobernador ng Pilipinas noong 1933-1935, ang sistemang Amerikano
ng edukasyon ngunit tinanggap din niyang wikang hango sa katutubong wika nang sa gayun ay maging
malaya at mas epektibo ang paraan ng edukasyon sa buong bansa. Ang panukala ay sinusugan ni
Pangulong Manuel L. Quezon na siyang pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas. Nakasaad ang
probisyong pangwika sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935.

Nilikha ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagsasaad ng opisyal na paglikha
sa Surian ng Wikang Pambansa noong ika- 13 ng Nobyembre, 1936. Ang tungkulin nito ay magsasagawa
ng pananaliksik, gabay at alintuntunin na magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Pilipinas.
Napili nila ang tagalog bilang batayan ng wikang tatawaging Wikang Pambansa. Ipinalabas noong 1937 ni
Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Bld. 134 na nag-aatas na Tagalog ang magiging
batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng wikang pambansa
KOMUNIKASYONAT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Mga Konseptong Pangwika. Ano nga ba ang kahalagahang naidudulot ng wika sa buhay ng tao?

Ang bawat nilikha ay naghahangad na magkaroon ng kahusayan sa wika. Ito ay isang mahalagang
kasangkapan upang maipahayag ng tao ang kanyang damdamin at kaisipan.

Ang kakayahan sa paggamit nito na nasasalig sa isipan, damdamin at kilos ng tao ay resulta ng isang
dinamikong prosesong bunga ng kanyang karanasan- kabiguan, tagumpay, pakikipagsapalaran at maging ng
kanyang mga pangarap at mithiin.

Sa pamamagitan ng wika, nabubuo ang mabuting relasyon sa kapwa, napapaunlad ng tao ang kanyang
sarili at nakatutulong din siya sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng iba. Dahil sa wika nakatatanggap at nakikibahagi
siya sa kapwa ng bisang dala ng pagbabago sa kultura at kabihasnan.

Ano nga ba talaga ang wika? Bakit ito’y totoong napakakomplikado at tunay na may kapangyarihan? Ang
kahulugan ng wika bilang representasyon ng karanasan ay nag-iiba sa bawat tao. Ito’y umuunlad at patuloy na
nagbabago. Kailanman ito’y hindi static.

Isa sa mga pinakadakilang biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay ang wika. Ito ang kasangkapan
upang maipadama ng tao sa kanyang kapwa ang kanyang iniisip, nadarama at nakikita tungkol sa kanyang paligid.

Wika: Kahulugan, Katangian, Kahalagahan

Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin.
(Edward Sapir). Matatagpuan sa wika ang mga tanda o simbolo na nagkakaroon ng kahulugan ayon sa mga
gumagamit nito. Ang mga simbolo o tanda ay maaring salita, bilang, drowing, larawan o anumang hugis na
kumakatawan sa konsepto, ideya o bagay.

Ang mga tao’y nabubuhay sa mga simbolo na kinukontrol naman nila. Ang kakayahan ng mga tao na
kontrolin ang mga simbolong ito ay napatangi sa kanya sa iba pang nilikha. Ito rin ang ikinaiba ng tao sa hayop.
(Lachica, 1993).

Si Caroll (1964) ay nagpahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng
lipunan.

Ayon kay Todd (1987) ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon.
Hindi lamang binibigkas na tunog kungdi ito’y sinusulat din.Ang mga tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at
sistematiko. Dahil dito, ayon sa kanya, walang dalawang wikang magkapareho bagamat bawat isa ay may sariling set
ng mga tuntunin.

Ayon naman kay Bram, ang wika ay nakabalangkas na sistema ng mga arbitraryong simbolo at tunog
na binibigkas at sa pamamagitan nito’y nagkakaroon ng interaksyon ang isang pangkat ng tao.

Ang wika ang pangunahin at pinakatiyak na anyo ng simbolikong gawaing pantao ayon kay Archibald
Hill.

Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabahagi at kasama sa isang kultura sa kanilang
pakikipagtalastasan.

Katangian ng Wika:

- Walang Superyor na Wika - Arbitraryo


- May pulitika ang wika - Sinasalitang Tunog
- Makapangyarihan - Masistemang Balangkas
- Dinamiko di-namamatay, nabubuhay - Midyum sa Komunikasyon
- Nakabatay ito sa kultura

Kahalagahan ng Wika

Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan din nito nalalaman natin kung ano ang
gustong ipahiwatig ng ating kapwa.

Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isa sa pamamagitan ng paggamit ng wika. Ito ang
nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa mga ibang bansa rin.

Sa pamamagitan ng wika kaya nagkakaunawaan at nagkakaroon ng madaling komunikasyon ang bawat


tao kundi pati na rin sa mga karatig bansa nito. Ang wika ang sumasagisag sa napakaraming aspekto ng buhay ng
tao. Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng lipunan.
Ang wika ay sagisag ng pambansang pagkakakilanlan. Ang wikang pambansa ay siyang susi sa
pagkakabuklod-buklod ng damdamin at diwa ng mga mamamayan. 4- Nakakapagkomunikasyon sa iba at
nasasanay tayo sa gramatika

Pambansang Wika - Hindi naging madali ang pagpili nito. Dumaan sa mahaba at masalimuot na proseso

1935- Art. XIV Seksyon 3 ng 1935 na Saligang Batas - Batas komonwelt Blg 184(Surian ng Wikang Pambansa)

1937- iprinoklama ni Pangulong Quezon ang wikang Tagalog bilang batayan (Kautusang Tagapagpaganap Blg.
134)

1940- inumpisahang ituro ang wikang pambansang batay sa Tagalog sa lahat ng paaralan- publiko at pribado

1946- ipinahayag na Tagalog at Ingles ang opisyal na wika ng Pilipinas (Batas Komonwelt Blg. 570)

1959- pinalitan ng Pilipino ang wikang pambansa (Kautusang Pangkagawaran Blg. 7)

1972- nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensyong Konstitusyunal. Unang na gamit ang salitang Filipino
bilang bagong katawagan sa wikang pambansa ngunit hindi napagtibay

1987- Art. XIV, Seksyon 6 ng S.B. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.

Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng
mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa
pamamagitan ng panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang
barayti ng wika para sa iba- ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito, na may iba’t ibang sanligang sosyal at para
sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.

Wikang Opisyal - isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging istatus sa saligang batas ng mga bansa,
mga estado, at iba pang teritoryo. Wikang kadalasang ginagamit sa lehislatibong mga sangay ng bansa

Wikang Panturo - opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-
aaral sa mga eskwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid- aralan.

Monolinggwalismo - ang pagpapatupad ng iisang wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura, (England,
Pransya, South Korea, at Japan), iisang wika sa larangan ng komersyo, wika ng negosyo, at wika ng
pakikipagtalastasan sa pang-araw- araw na buhay.

Ang tawag sa patakarang pangwika kung saan nakasalig ito sa paggamit ng wikang pambansa at
katutubong wika bilang pangunahing midyum sa pakikipagtalastasan at pagtuturo, bagamat hindi
kinakalimutan ang wikang global bilang isang mahalagang wikang panlahat

Bilinggwalismo - Ito ay paggamit at pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay kanyang
katutubong wika. (Leonard Bloomfield, 1935)

Taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng
pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika. (John Macnamara,
1967).

Ang pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa mga paaralan at wikang opisyal na iiral sa lahat ng
mga pormal na transaksyon sa pamahalaan man o sa kalakalan. (Artikulo 15, Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng
1973)

Magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang wikang panturo mula Grade 1 pataas sa mga
tiyak na asignatura. (D.O. No. 25, s. 1974)

Register ng Wika - Mga wika/salitang partikular ang gamit sa isang tiyak na disiplina.

Barayti ng Wika - Ito ay pagkakaiba ng mga wikang sumusulpot at nagiging bahagi ng pamumuhay ng mga tao sa
iba’t ibang larangan o panig sa bansa.

Homogenous ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit ng isang wika (Paz, et al., 2003).

Heterogenous ang wika kung hindi pare-parehong magsalita ang gumagamit ng isang wika dulot ng mga salik
panlipunan.

Linggwistikong Komunidad - binubuo ng grupo o pangkat ng mga taong kabahagi ng tradisyon,paniniwala at


kaugalian at wika. Ayon kay Gumperz (1968), ang kabuuang katangian ng taong kinakatawan ng regular at
kadalasang interaksyon sa pamamagitan ng katawan at berbal na senyales at ang makabuluhang pagkakaiba sa gamit
ng wika.
Unang Wika - Ito ay ang wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao. Kilala din itong
katutubong wika, mother tongue, arterial na wika at kumakatawan sa L1

Pangalawang Wika - alinmang wikang natutuhan ng isang tao matapos niyang maunawaang lubos at magamit ang
kanyang sariling wika o ang kanyang unang wika. Ito ay bunga ng kanyang exposure sa iba pang wika.

Idyolek- ang uring ito ay tangi sa isa o pangkat ng mga tao na may komon na wika. May mga taong kilometriko at
mabulaklak kung magpahayag. May mga ilan ding nakagawiang magsalita nang malakas o di kaya ay
mahina.Mayroon ding mga tao na may isang salitang nakasanayan nang banggitin nang paulit-ulit sa bawat linya ng
kanilang pangungusap.

Dayalekto- ang barayting ito a inuuri ayon sa lugar, panahon at katayuan sa buhay ng mga taong nagsasalita at
kabilang sa isang heyograpikal na komunidad. Tinatawag din itong panrehiyunal o wikain.

Sosyolek- sinasabi naman itong pansamantalang barayti. Tinatawag itong pansamantala dahil nadedevelop ito sa
pamamagitan ng malayang interaksyon at sosyalisasyon natin sa isang partikular na grupo ng mga tao. Halimbawa:
Allergy (Galis para sa mahihirap) Gravy (Sarsa para sa ordinaryong tao) Slim (tawag sa mga payat na tao)

Etnolek- barayti ito ng wika na nadedevelop mula sa mga salita ng mga etnolinggwistikong grupo. Halimbawa:
Waray, Bukidnon, B’laan, T’boli

Ekolek- tumutukoy ito sa mga salita na kadalasang nagmumula o sinasalita sa loob ng bahay. Halimbawa:
Inihaw/Sugba, Tinola/ Sinabawan/ Sinigang,

Pidgin- ito ay tumutukoy sa wikang walang pormal na estruktura. Nadedevelop ito dahil na rin sa pangangailangan
na makabuo ng isang pahayag. Kadalasan, napaghahalu-halo ng nagsasalita ang kanyang unang wika sa wikang
sinasalita ng isang komunidad na bagong kinabibilangan niya.

Creole- ito ay produkto ng pidgin na wika, kung saan, nadedevelop naman ang pormal na estruktura ng wika sa
puntong ito. Halimbawa: Chavacano ng Zamboanga, Chamoro ng Guam

Kohesyong Gramatikal (Cohesive Device Reference) ay nagpapatungkol sa mga salitang nagsisilbing


pandanda upang hindi maging paulit-ulit ang mga salita. Halimbawa:

Para sa lugar/bagay/hayop :

Kung hindi ako nagkakamali, itong hawak ko ngayon ang unang tsokoleyt na nakain ko, matapos ang
ilang buwan.

Sa Luneta tayo unang nagkita, dito kita unang nakilala.

Para sa tao/hayop: sila, siya, tayo, kanila, kaniya

Si Jessica ang bunso sa magkakapatid. Siya ay ang nagtatanging babae sa magkakapatid.

Ang pamilya nila Krystal ay nagmamay-ari ng maraming building. Kanila ang condominium na
tinitirahan natin ngayon.

Ang kohesyong gramatikal o Cohesive Device Reference ay nahahati sa dalawa na nagpapatungkol sa iba’t
ibang bagay.

1. Anapora – ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa


unahan. Halimbawa:

Kung makikita mo si manong, sabihin mo lamang na ibig ko siyang makausap.

Si Rita’y nakapagturo sa paaralanang- bayan, diyan sa nakilala ng iyong anak.

Kinausap ko si Manolo, sinabi ko sa kaniya na ang kanyang ginawa ay mahusay.

2. Katapora – ito ang panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa
hulihan.

Siya’y hindi karapat-dapat na magtaglay na aking apelyido, si Pedring ay kahiya-hiya!

Ano ang mawawala sa akin pintasan man nila ako?


Ang Pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.
Ang mga pang-abay ay nagsasabi ng kung paano, kalian, saan at gaano.

a. Pang-abay na Pamaraan – tumutukoy ito sa paraan kung paano ginawa ang isinasaad na aksyon
ng pandiwa.

Halimbawa:Taimtim na pinakinggan ang kanyang awitin hanggang sa huling nota.

b. Pang-abay na Pamanahon – tumutukoy ito sa panahon kung kailann naganap ang isinasaad na
aksyon ng pandiwa.

Halimbawa: Agad napalalambot ng musika ang isang matigas na kalooban.

c. Pang-abay na Panlunan – tumutukoy ito sa pook na pinagganapan ng aksyong isinasaad ng


pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na saan.

Halimbawa: Umawit si Nelsa sa isang amateur singing contest sa radyo

d. Pang-abay na Pang-agam – nagsasaad ito ng pah-aalinlangan at walang katiyakan

Halimbawa: Tila nagwagi siya ng unang gantimpala

e. Pang-abay na Panggaano – tumutukoy ito sa bilang o dami ng isinasaad ng pandiwa. Sumasagot


ito sa tanong na gaano o ilan.

Halimbawa: Kaunti ang sumali sa paligsahan ng pagtakbo.

f. Pang-abay na Panang-ayon – ito ay nagsasaad ng pagpapatotoo o pagsang-ayon

Halimbawa: Opo, mahusay sumayaw si Gabby.

SITWASYONG PANGWIKA

SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR

FLIPTOP

o Pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap.


o Nahahawig sa balagtasan dahil ang bersong nira-rap ay magkakatugma bagamat sa fliptop ay hindi
nakalahad o walang malinaw na paksang pagtatalunan.
o Kung ano ang paksang sisimulan ng unang kalahok ay siyang sasagutin ng katunggali.
o Gumagamit ng di pormal na wika at walang nasusulat na iskrip kaya karaniwang ang mga salitang
binabato ay balbal at impormal.
o Pangkaraniwan ang paggamit ng mga salitang nanlalait para mas makapuntos sa kalaban.
o Laganap sa mga kabataan na sumasali sa mga malalaking samahan na nagsasagawa ng kompetisyon
na tinatawag na “Battle League”
o Bawat kompetisyon ay kinatatampukan ng dalawang kalahok sa tatlong round at ang panalo ay
dinedesisyunan ng mga hurado.
o Ito ay isinasagawa din sa wikang Ingles subalit ang karamihan ay sa wikang Ingles lalo na sa tinatawag
nilang Filipino Conference Battle.
o Sa ngayon maraming paaralan na ang nagsasagawa ng fliptop lalo na sa paggunita sa Buwan ng Wika.

PICK-UP LINES

o Itinuturing na makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas
naiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay.
o Sinasabing nagmula ito sa bulalas ng mga binatang nanliligaw na nagnanais magpapansin,
magpakilig, magpangiti at magpa-ibig sa babaeng nililigawan nito.
o Kung may mga salitang makapaglalarawan sa mga pick-up lines masasabing ito ay nakakatuwa,
nakapagpapangiti, nakakakilig, cute, cheesy at masasabi ring corny.
o Madalas na marinig sa mga kabataang magkakaibigan at nagkakaibigan.
o Nakikita din ito sa mga facebook wall, Twitter at iba pang social networking sites.
o Ang wikang ginagamit dito ay karaniwang Filipino subalit may pagkakataon na nagagamit din ang
Ingles o Taglish dahil mga kabataan ang kadalasang nagpapalitan ng mga ito.
o Kailangang ang taong nagbibigay ng pick up line ay mabilis mag-isip at malikhain para sa ilang sandali
lang ay maiugnay o mai-konekta ang kanyang tanong sa isang nakapagpapakilig na sagot.
HUGOT LINES

o Tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakakilig, nakatutuwa, cute, cheesy o minsa’y nakakainis.
o Tianatawag ding love lines o love quotes na nagpapatunay na ang wika nga ay malikhain.
o Karaniwang nagmula sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyon na nagmarka sa puso’t isipan
ng mga manonood.
o May mga pagkakataon na nakakagawa rin ang isang tao ng hugot line depende sa damdamin o
karanasang pinagdadaanan nila sa kasalukuyan.
o Minsan ay nakasulat sa Filipino subalit madalas ay Taglish o pinaghalong Filipino at Ingles ang gamit
ng salita sa mga ito.

SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT

o Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS (short messaging system) na kilalang text message o text ay
isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa.
o Humigit kumulang sa apat na bilyong text ang ipinapadala at natatanggap sa ating bansa sa araw-
araw na dahilan upang tayo ay kilalanin bilang “Text Capital of the World”
o Higit na popular sa pagtawag sa telepono o cellphone dahil bukod sa mura ang mag-text mas
komportable ang taong magparating ng maiikling mensaheng nakasulat kaysa sa sabihin ito ng
harapan o gamit ang telepono.
o Hindi makikita ang ekspresyon ng mukha o tono ng boses na tumatanggap ng mensahe.
o Nabibigyan ng pagkakataon na ma- edit ang mensahe at mas piliin ang angkop na pahayag o salita
kaysa sa aktwal itong sabihin ng harapan o sa telepono.
o Mas madalas ang paggamit ng code switching o pagpapalit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag.
o Madalas din na binabago o pinapaikli ang baybay ng salita para mas madali o mas mabilis itong
mabuo.
o Walang sinusunod na tuntunin o rule sa pagpapaikli ng salita gayundin kung Ingles o Filipino ang
gagamitin basta maipadala ang mensahe sa pinakamaikli, pinakamadali at kahit paano’y
naiintindihang paraan.

SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET

o Pagyabong ng paggamit ng social media sites kagaya ng Facebook, Twitter, Instagram, Pinterest,
Tumblr atbp.
o Lahat ng uri ng tao ay umaarangkada ang social life at kabilang na rin sa mga netizen.
o Daan sa pagpapadali ng komunikasyon sa pagitan ng magkakaibigan o mga mahal sa buhay.
o Madaling makabalita sa mga nangyayari sa buhay sa pamamagitan ng mga nakapost na
impormasyon, larawan at pagpapadala ng pribadong mensahe (pm) gamit ang mga ito.
o Karaniwang code switching ang wikang ginagamit sa social media o pagpapalit palit ng Ingles at
Filipino sa pagpapahayag.
o May pagpapaikli o pagdadaglat sa mga post o komento dito.
o Mas pinag-iisipan mabuti ang mga salita at pahayag bago i-post dahil mas maraming tao ang
maaaring makabasa at makapagbigay reaksyon.
o Sa post o komento ay madalas makita ang edited na ang ibig sabihin ay may binago o inayos ang post
o nagkomento pagkatapos niyang mabasa ang kanyang isinulat.
o Sa internet, Ingles pa rin ang pangunahing wika ng mga impormasyong nababasa, naririnig at
mapapanood.
o Ang nilalaman ng internet ay ang mga sumusunod na nakasulat sa Filipino: impormasyon sa iba’t
ibang sangay ng pamahalaan, mga akdang pampanitikan, mga awitin, mga resipe, rebyu ng
pelikulang Filipino, mga impormasyong pangwika, video at iba’t ibang artikulo at sulatin sa mga
blog.
PANAHON NG MGA AMERIKANO

Pagkatapos ng mga kolonyalistang Espanyol, dumating ang mga Amerikano sa pamumuno ni Almirante
Dewey. Lalong nabago ang sitwasyong pangwika ng Pilipinas, nadagdag ang wikang ingles. Sa panahong iyon, ang
wikang Ingles ang ginamit bilang wikang panturo at wikang pantalastasan. Pambansang Sistema ng Edukasyon ->
Inaasahang sa pamamagitan nito, magiging tama ang edukasyon ng mamamayan, masaklaw, at magtuturo sa mga
Pilipino ng pamamahala sa sariling bayan. Mabibigyan sila ng isang wikang nauunawaan ng lahat para sa mabisang
pakikipagtalastasan.

Komisyong pinangungunahan ni Jacob Schurman -> naniwalang kailangan ng Ingles sa edukasyon primary.
Itinakda noong ika-21 ng Marso, 1901 ang Batas Blg. 74 at nagtatag ng mga paaralang pambayan at nagpahayag na
ingles ang gagawing wikang panturo.

Hindi nagging madali para sa mga nagsisipagturo ang paggamit agad ng ingles, at hindi nila maiwasan ang
paggamit ng bernakular sa kanilang pagpapaliwanag sa mga mag-aaral. Dahil ditto, inirekomenda na ipagamit ang
bernakular bilang wikang pantulong. Nailimbag ang mga librong pamprimarya: Ingles-Ilokano, Ingles-Tagalog,
ingles-Bisaya at Ingles-Bikol. Mga sundalo ang unang nagsipagturo ng Ingles at sumunod ang grupong kilala sa tawag
na Thomasites.

Noong 1931, si George Butte ay nagpahayag ng kanyang panayam ukol sa paggamit ng bernakular sa
pagtuturo sa unang apat na taong pag-aaral. Ayon sa kanya, hindi kailanman magiging wikang pambansa ng mga
Pilipino ang Ingles sapagkat hindi ito ang wika ng tahanan. Sumang-ayon sa kanya sina Jorge Bacobo at Maximo
Kalaw. Ayon sa Kawanihan ng Pambayang Paaralan, nararapat na Ingles ang ituro sa pambayang paaralan sapagkat…

1. Ang pagtuturo ng bernakular sa mga paaralan ay magre-resulta sa suliraning administratibo.


2. Ang paggamit ng iba’t ibang bernakular sa pagtuturo ay magdudulot lamang ng rehiyonalismo sa halip na
nasyonalismo.
3. Hindi magandang pakinggan ang magkahalong wikang Ingles at bernakular.
4 Malaki na ang nagasta ng pamahalaan para sa edukasyong pambayan at paglinang ng Ingles upang maging wikang
pambansa.
5. Ingles ang nakikitang pag-asa upang magkaroon ng pambansang pagkakaisa.
6 Ingles ang wika ng pandaigdigang pangangalakal. Ang paggamit ng wika ay mayaman sa katawagang pansining at
pang-agham.
7 Ang Ingles ay mayaman sa katawagang pansining at pang-agham.
8. Yamang nandito na ang Ingles ay kailangang hasain ang paggamit nito.
Ang mga tagapagtaguyod ng paggamit ng wikang Ingles ay maraming dahilan. Ito ang sumusunod.

1. Walumpung porsiyento ng mag-aaral ang nakaabot ng hanggang ikalimang grado lang kaya pagsasayang lamang
ng panahon at pera ang pagtuturo sa kanila ng Ingles na walang kinalaman sa kanilang sosyal at praktikal na
pamumuhay.
2. Kung bernakular ang gagamiting panturo, magiging epektibo ang pagtuturo sa primary.
3. Kung kailangan talagang linangin ang wikang komon sa Pilipinas, nararapat lamang na Tagalog ito sapagkat isang
porsiyento lamang ng tahanang Pilipino ang gumagamit ng Ingles.
4. Hindi magiging maunlad ang pamamaraang panturo kung Ingles ang gagamitin dahil hindi naman natututo ang
mga mag-aaral kung paano nila malulutas ang mga problemang kahaharapin nila sa kanilang pang-araw-araw na
pamumuhay.
5. Ang paglinang ng wikang Ingles bilang wikang pambansa ay hindi nagpapakita ng nasyonalismo.
6. Nararapat lamang na magsagawa ng mga bagay para sa ikabubuti ng lahat katulad ng paggamit ng bernakular.
7. Walang kakayahang makasulat ng klasiko sa wikang Ingles ang mga Pilipino.
8. Hindi na nangangailangan ng mga kagamitang panturo upang magamit ang bernakular,kailangan lamang na ito ay
pasiglahin.
Alinsunod sa layuning maitaguyod ang wikang Ingles, ang sumusunod na alituntunin ay dapat sundin..

- Paghahanap ng mga gurong Amerikano lamang


- Pagsasanay sa mga Pilipinong maaring magturo ng Ingles at iba pang aralin
- Pagbibigay ng malaking tuon sa asignaturang Ingles sa kurikulum sa lahat ng antas ng edukasyon
- Pagbabawal ng paggamit ng bernakular sa loob ng paaralan
- Pagsalin ng teksbuk sa wkang Ingles
- Paglalathala ng mga pahayagang local para magamit sa paaralan
- Pag-alis at pagbabawal ng wikang Espanyol sa paaralan
Iminungkahi ni Lope K. Santos na isa sa mga wikang ginagamit ang nararapat na maging wikang pambansa.
Ipinalabas noong 1937 ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog ang
magiging batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng wikang pambansa
PANAHON NG HAPONES

Enero 1942 – pagsakop ng Hapon sa Pilipinas.

Puppet Government – malasariling pamahalaan ng Pilipinas. Naglalayong magkaroon ng boses


ang mga Pilipino sa pamamahala sa Pilipinas ngunit sila’y nagging sunud-sunuran lamang sa ilalim ng
mga Hapones. Jose P. Laurel ang pangulo ng Pilipinas noong Puppet Government.

Co-Prosperity Sphere for Greater East Asia : Pagbuklurin ang mga bansa sa Asya. Tanggalin ang
impluwensiya ng mga Anglo-Amerikano sa kabuhayang pampulitikal at panlipunan ng mga Pilipino.
“Asya ay para sa asyano. Ang Pilipinas ay para sa Pilipino.”

GINTONG PANAHON NG PANITIKANG FILIPINO

Sa panahong ito mas malaya ang mga Pilipino sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura at
kaugalian at paniniwalang Pilipino kaysa noong Panahon ng mga Amerikano. Ipinagbawal ng mga
namumunong Hapones ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan
gamit ang mga katutubong wika sa bansa. Sinunog ang mga aklat na nakalathala sa wikang ingles upang
masiguro na hindi mababahiran ng kanluraning ideya ang mga panitikang linilikha.

Exec. Order No. 10 – Inilathala ni Pang. Jose P. Laurel noong 1943. Isinaad ang pagtuturo ng
tagalog sa lahat ng mga paaralang elementarya (publiko at pribado). Pagsasanay ng mga guro sa wikang
Tagalog. Ipinakilala bilang asignatura ang pag-aaral ng wikang Tagalog sa kurikulum ng mga paaralan.

Exec. Order No. 44 – Inilathala ni Pang. Jose P. Laurel. Isinatupad ang restorasyon ng Unibersidad
ng Pilipinas na naatasang payabungin ang Wikang Pambansa at itaguyod ang nasyonalismo.

Ordinansa Militar Blg. 13 – Ipinasa noong ika-24 ng Hulyo, 1942. Nagsasaad na ang Niponggo at
Tagalog ang siyang opisyal na mga wika. Gobyerno military – nagturo ng Niponggo sa mga guro ng mga
pambayang paaralan upang gamiting medium sa pagtuturo.

Kapisanan ng Paglilingkod sa Bagong Lipunan/Pilipinas (KALIBAPI)

Pagpapabuti ng edukasyon at moral na rehenerasyon. Pagpapalakas at pagpapaunlad ng


pangkabuhayan sa Pilipinas sa pamamatnubay ng Emperyong Hapones. Palaganapin ang Wikang Pilipino
sa buong kapuluan. ( Sa tulong na rin ng Surian ng Wikang Pamnbansa). Isang pulitikal na partido na
pinamumunuan ni Benigno Aquino Sr. Nahirang na director. Pangunahing proyekto ng kapisanan ang
pagpapalaganap ng wikang Pilipino sa buong kapuluan. Katulong sa proyekto ang Surian ng Wikang
Pambansa.

Surian ng Wikang Pambansa – muling binuhay noong ika-14 ng Oktubre, 1942. Naglalayong
ipalaganap ang wikang Pilipino sa buong bansa, pati na rin sa mga Hapon at ibang dayuhan.

Masao Tanaka – inilathala niya ang mga impormatibo upang sagutin ang mga katanungan ng
publiko uko;l sa usaping Wikang Pambansa.

Jose Villa Panganiban – nagturo ng Tagalog sa mga Hapon at di-Tagalog. “ A Shortcut to the
National Language”. Iba’t ibang pormularyo ang ginawa upang lubos na matutuhan ang wika

MGA NAIAMBAG NG MGA HAPON SA PANITIKAN

1. Haiku – isang tulang may malayang taludturan. Binubo ng labimpitong pantig na may tatlong
taludtod at nasa parang 5-7-5 na bilang na pantig
2. Tanaga – binubuo ng apat na taludtod at may bilang ng pantig na 7-7-7-7 sa bawat taludtod. Ito’y
may sukat at tugma. Binuhay ni Ildefonso Santos.
3. Feminismo – tumutukoy sa prinsipyo o paniniwalang dapat maging pantay ang mga babaeat mga
lalaki sa pagatamasa ng mga karapatang sosyal, ekonomiko, at political. Mga manunulat na babae
sa Pilipinas:
a. Liwayway A. Arceo – isang mangangatha , nobelista, mananaysay, tagasalin-wika, editor
b. Genoveva Edroza-Matute – kilala bilang Aling Bebang, isang magiting na kuwentista sa
wikang Filipino at tagapagtaguyod ng wika at panitikan ng Pilipinas. Ilan sa kanyang mga
akda ay ang Kuwento ni Mabuti, Paglalayag sa Puso ng Isang Bata, Parusa, Maganda ang
Ninang ko at pagbabalik.
Ordinansa Militar Blg. 13 na nag-uutos na gawing opisyal na wika ang Tagalog at ang wikang Hapones (
Nihonggo ).

Jorge Vargas - Pinamunuan ang Philippine Executive Commission. Nagpatupad ng komisyon ng mga
pangkalahatang kautusan na tinatawag na Japanese Imperial Forces sa Pilipinas.

Pagkaraan ng ilang buwang pananakop ng mga Hapones ay binuksan muli ang mga paaralang bayan sa
lahat ng antas. Itinuro ang wikang Nihonggo sa lahat, ngunit binigyang-diin ang paggamit ng Tagalog
upang maalis na ang paggamit ng wikang Ingles. Gobyerno-military ang nagturo ng Nihonggo sa mga
guro ng paaralang-bayan.

Tatlong katibayan : Junior, Intermediate at Senior

Mat tatlong pangkat ang namayagpag sa usaping pangwika:

Carlos Ronquillo, pangkat ni Lope K. Santos. N. Sevilla , G.E Tolentino

Hindi maikakailang sa panahon ng mga Hapones nagkaroon ng masiglang talakayan tungkol sa


wika. Marahil ay dahil na rin sa pagbabawal ng mga Hapones na tangkilikin ang wikang Ingles. Noong
mga panahong ito napilitan ang mga bihasa sa wikang Ingles na matuto ng Tagalog at sumulat gamit ang
wikang ito.

Kasaysayan ng Wikang Pilipino: Wika sa panahon ng pagsasarili

Sa Panahon ng Pagsasarili – Ingles ang wikang ginagamit sa pagtuturo at ang paksang pinag-
aaralan ay ang kasaysayan, kultura, ekonomiya at pulitika ng bansang Amerika. Sa panahong ito,
ipinagbawal ang pag-aaral sa ano mang bagay na Pilipino kaya intresado ang mga estudyante sa mga
bagay na may kaugnayan sa Pilipino. Mas pinili ang ‘Macbeth’ kesa sa ‘El Filibusterismo’.

Manuel L. Quezon “Ama ng Wikang Pambansa”ipinasabatas ang Saligang Batas 1935 Artikulo
XIV Seksyon 3 “Ang kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapa-unlad na batay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika.

1925- Sa pamamagitan ng sarbey ng komisyong Monroe, napatunayang may kakulangan sa


paggamit ng Ingles bilang wikang panturo sa mga eskwelahan, subalit wala man lang pagbabagong
ginawa.

- Batas Komonwelt Blg.570 – Nakasaad ditto na ang Ingles at Tagalog ay ang opisyal na Wika ng
Pilipinas.
- Nilikha ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg.184 – opisyal na paglikha ng surian ng
wikang pambansa.
- Kautusang Pangakagawaran Blg. 7 ng Agosto 13, 1959. Pinalitan ang tawag sa wikang pambansa.
Mula Tagalog ito ay nagging Pilipino.
- Noong Hulyo 19, 1973, ang kagawaran ng edukasyon at kultura ay nagpalabas ng kautusang
pangkagawaran Blg. 25 s.1974 ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang bilingwal sa
pamumuno ni Juan Manuel.
- Taong 1963-1964, Inutos ni kalihim Alejandro Roces na simulant sa taong-aralan 1963-64 na ang
mga diploma ay ipalimbag sa wikang Pilipino.

Ang wika ay kaluluwa at salamin sa pagkatao ng isang bansa.

You might also like