Lokal Na Pag-Aaral

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Lokal na Pag-aaral

Bakit sinusuportahan ng BAYAN ang tigil-pasada?

Nakikiisa ang BAYAN sa welga at mga protesta sa Oktubre 16 at 17 laban sa binabalak na jeepney phase-
out at napipintong korporatisasyon ng pampublikong transportasyon. Nananawagan kami sa
mamamayan at mga komyuter, sa harap ng pansamantalang abala ng welga, na unwain ang kalagayan
ng mga tsuper at operator at suportahan ang kanilang makaturungang pakikibaka.

Bagama’t kailangang iangat ang kalidad ng mga jeepney at kalagayan ng mga manggagawa sa
transportasyon, displacement o kawalan ng kabuhayan ng libo-libong tsuper at operator sa ngalan ng
pribadong tubo ang hatid ng pinaplanong Omnibus Franchising Guidelines. Isa itong programang
“modernisasyon” na profit-oriented o tubo ang isinasaalang-alang.

Isang iskema para kumita itong tinatawag nilang “modernisasyon,” kung saan katapusan ng maliliit na
driver-operators ang P1.6 milyong halaga ng bagong unit ng jeep. Samantala, malalaking negosyo
lamang ang makikinabang sa isang fleet management system kung saan 10 unit ang minimum sa bawat
prangkisa. Sa huli, mapag-iiwanan nito ang maliliit na driver-operator habang mga kumpaniyang may
milyon-milyong pisong kapital lang ang kayang pumasa.

Sa likod ng mga bagong disenyo’t diumano’y pagpapahusay sa mga jeepney na itinutulak ng LTFRB,
nariyan ang mapait na katotohanan—dahan-dahang sinisipa ang mga tsuper at operator mula sa
kanilang kabuhayan, upang lalong makapiga ng tubo mula sa atrasado nating ekonomiya ang malalaking
negosyo. Mapanlinlang ang slogang “modernisasyon” dahil sinasakyan lang nito ang pagkayamot ng
publiko sa lagay ng mass transport, habang ikinukubli nito ang profit-oriented na sistemang nilalayon
nitong itatag.

Hindi makatarungang solusyon sa suliranin ng mass transport ang sapilitang displacement sa libo-libong
manggagawa sa transportasyon. Gayundin ang korporatisasyon at pribado-monopolisadong kontrol sa
sektor ng transportasyon. Sa ilalim ng malalaking negosyo, patatakbuhin bilang panghuthot ng tubo
imbis na serbisyo ang mass transport. Ipinakita na ito ng ating karanasan sa pribatisadong MRT at LRT na
ginawang mga gatasan sa ilalim ng maraming rehimen, na humantong paglaon sa pagkasira’t pinataas na
pasahe sa tren.

Dapat mamuhunan ang gobyerno sa mass transport at gumawa ng nararapat na batayan sa ekonomiya
na magtataguyod dto. Upang magkaroon ng abot-kaya, ligtas, at mahusay na serbisyong
pangtransportasyon, kailangang isabansa ang mass transport system na patakbo ng estado’t nakasandig
sa industriyalisadong ekonomiya. May buong subsidyo dapat ng gobyerno ang pagkuha ng mga bagong
jeepney unit, at may katambal na paglinang sa sektor ng pagmamanupaktura. Dapat magsumikap ang
Pilipinas magkaroon ng kakayahang yumari ng mga bahagi nitong mga sasakyan sa pamamagitan ng
isang programa ng pambansang industriyalisasyon. Sa industriyalisasyon at pagmamanupaktura ng mga
sasakyan, malalagay ang sektor ng transportasyon sa isang posisyon kung saan makagagawa ito ng mga
trabaho at lalong makapag-aambag sa lokal na ekonomiya. Kolektibo o kooperatibong pagpapatakbo sa
transportasyon ang dapat hikayatin imbis na korporatisasyon.

Pag pinag-uusapan natin ang modernisasyon sa sektor ng transportasyon, wastong tanungin lagi, “para
ba ito kanino?” Para dapat ito sa taumbayan, kabilang ang mga manggagawa sa transportasyon, at para
sa pambansang kaunlaran. Hindi dapat para sa tubo ng pribadong monopolyo.

Muli, nananawagan kami sa mamamamayan, lalo na sa mga komyuter, na suportahan ang ating mga
tsuper at operator sa tigil-pasda ngayong Oktubre 16-17.(BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN,2017)

/BAYANnational/posts/1694207690624404

You might also like