Abstrak Sample Tagalog

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

General Santos Doctor’s Medical School Foundation Inc.

Bulaong Subdivision, Barangay West, General Santos City


Departamento ng Senior High School

ABSTRAK

Kung napapansin ninyo sa ating kasaysayan, hinirang ang mga Aeta na

pinakasinaunang nanirahan sa Pilipinas. Kilalang-kilala sa pagiging pango at

maitim. Ito ay ilan lamang sa mga natutunan natin noong panahon pa ng ating

pag-eelementarya. Mahusay din sila sa pangangaso at may tinatawag silang

pagkakaingin na umao’y kultura na nila para sa pagtatanim.

Ilan lamang iyon sa mga kultura ng mga Aeta, sa aming pamagat, ang

nakatagong kultura ng mga Aeta ay sadyang napabayaan at nagkaroon tayo ng

kakulangan sa pananaliksik. Isa sa mga layunin naming ay aming panghihikayat

sa mga mambabasa lalong-lalo na ang mga mag-aaral na mabigyang pansin ang

nakatagong kultura ng mga Aeta na kung saan ay mabibigyan ng aming grupo ng

pananaliksik upang matulungang maiakyat nang paunti-unti ang kanilang

tradisyon at kultura.

Sa pag-aaral na nagawa, ang pananaliksik na ito ay naglalaman ng iba’t –

ibang nakagawian, pamamaraan, at paniniwala ng mga Aeta tulad nalang ng

kanilang paraan ng pagsasamba, ang kanilang nakagawiang pamumuhay,

kasuotan at pakikipag-kapwa sa iba nilang mga ka-tribo at iba pa na matatagpuan

din sa Talaan ng Nilalaman. Inaasahan din ng aming grupo na magtagumpay ang

pananaliksik at makikita naming nagkakaroon ng epekto ang aming nagawang

proyekto sa pamamagitan ng pagtangkilik ng kanilang kultura at tradisyon.

You might also like