Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ESP VI – THIRD QUARTER LESSON

Pangalan: ______________________________Guro: ____________________________Seksyon:__________________


Kalayaan sa Pamamahayag
Isang karapatan ng mga taong ipahayag ang kanilang sarili sa panulat o sa anumang paraang maipahayag ang
personal na opinyon o kalikhaan.
Pandaigdigang Deklarasyon ng mga Karapatang Pantao
“Sinuman ay may karapatan sa pagpapahayag ng opinyon at ekspresyon; kabilang sa karapatang ito ang kalayaang
magpahayag ng opinyon na walang sumasawata at maganap, tumanggap, at ibahagi ang mga impormasyon, mga ideya
sa pamamagitan ng media na walang anumang hadlang”.
Artikulo III, Seksyon 4 (Bill of Right) 1987 Saligang Batas
“Walang batas na ipapasa na hahadlang sa Kalayaan sa pananalita, ekspresyon, o sa pamamahayag, o sa
karapatan ng mga tao na mapayapang magtipon at magpetisyon sa pamahalaan na ipaabot ang mga hinaing.”
Seksyon 7
“Ang karapatan ng mga tao sa impormasyon na may kinalaman sa mga bagay na pampubliko ay kailangang
igagalang . Ang pagbubukas sa opisyal na mga tala, at sa mga dokumento, at mga papeles kaugnay ng opisyal na mga
gawain, mga transaksyon at mga desisyon, at maging ang mga datos ng pananaliksik ng pamahalaan na ginamit bilang
batayan sa pagpapaunlad ng patakaran, ay kailangan maipaabot sa mga mamamayan, alinsunod sa mga limitasyong
itinakda ng batas.”
Artikulo II , Seksyon 24 (Saligang Batas ng Pilipinas)
“Kinikilala ng Estado ang kahalagahan ng komunikasyon at impomasyon sa pagtatayo ng bansa.”
Seksyon 28
“Alinsunod sa makatarungang mga kondisyon na itinalaga ng batas, ipinatutupad ng Estado ang mga pag-
iimplementa ng isang patakaran nang buong pagpasisiwalat ng lahat na mga transaksyon na may kinalaman sa
pampublikong interes.”
Republic Act 7079 (Campus Journalism Act of 1991)
“Ito ay dineklarang patakaran ng Estado na kilalanin at protektahan ang Kalayaan sa pamamahayag kahit sa
antas ng paaralan at itaguyod ang pagpapaunlad at pagyabong ng pamahayagang pangkampus bilang isang paraan sa
pagpapalakas ng mga pang-etikang pagpapahalaga, pagbibigay-daan sa mapanuring pag-iisip, at pagpapaunlad ng
kaugaliang moral at personal na disiplina ng mga kabataang Pilipino. Para sa ikasusulong ng patakarang ito, ang estado
ay gagawa ng mga programa at mga proyekto na ang layunin ay paunlarin ang pamahayagang kasanayan ng mga mag-
aaral at itaguyod ang mapanagutan at malayang pamahayagan.”

*Ang lahat ng nabanggit ng mga probisyon ng batas ay solidong pansuporta ng pamahalaan sa pagnanasa nitong maprotektahan ang
karapatan ng mga mamamayan sa kalayaan sa pamamahayag.

Sa aklat ni Alito M. Malinao na “Journalism for Filipinos” inisa-isa niya ang pangunahing limitasyon ng karapatan sa
pamamahayag.
1. Libelo (Libel)
2. Batas Laban sa Kahalayan (Anti-obscenity Law)
3. Batas sa Paglusob sa Kapribaduhan (Invasion of Privacy Law)
4. Batas sa Pambansang Seguridad (National Security Law)
5. Karapatang-ari (Copyrights)

Libelo bilang Krimen


 Anumang anyo ng paninirang puri sa kapwa ay labag sa batas.
 Libelo- kung ito’y nasusulat, radyo at telebisyon (katulad na paraan)
 Slander- pasalita
Ayon sa Artikulo 358 ng Binagong Kodigo Penal, ang libelo ay isang pampubliko at pasulat na may malisyosong
hangaring paninirang puri ng tao dahil sa isang krimen, o sa isang bisyo, depekto, tunay o guniguni man o isang
pagkilos, o isang pangyayaring nagiging patunay sa kawalang karangalan; isang pagpula o paglapastangan sa isang
tao o pagdungis ng isang namatay na.
Artikulo 355 ng Binagong Kodigo Penal
 Nagagawa ang libelo sa pamamagitan ng panulat, pag-iimprenta, litograpya, pag-uukit, radyo, porgrapo,
pinta, teatrong ekhibisyon, sinematograpikong ekhibisyon o kahit anong “kaparehong paraan".

Mga Pagkakakilanlan sa Libelo


Ayon kay Jose- Ceciliano Cruz, matatawag na libelo ang anumang paninirang puri kung taglay ang mga
sumusunod:
1. Paninirang puri sa karangalan
2. Malisya, maging sa batas o sa paksa
3. Pagpapalimbag ng paninirang puri
4. Pagkilala ng pagtiyak sa biktima

Mga Pangunahing Alituntunin upang Makaiwas sa Libelo


1. Iwasang gumawa ng hayagang paninirang puri. Kailangang tiyaking Mabuti ang katotohanan sa mga datos na
ilakip sa istorya at suportado ito ng mga dokumento.
2. Upang matiyak ang kawastuhan ng datos, magkaroon nang kahit na dalawang mapagkakatiwalaang
pinagkunan nito.
3. Kung may pagdududa, banggitin ang pinagkunan. Halimbawa, “ayon sa pulisya,” “sinabi ng nakasaksi ,” ang
akusado,” at iba pa.
4. Kung gagamit ng nakakasirang-puring pananalita dahil kailangan sa isang kuwento, iwasan ang pagbanggit ng
mga pangalan, titulo at pamuhatan.
5. Ilakip sa istorya ang kabilang panig.
6. Sa mga bagay na legal, gumamit ng mga legal na mga dokumento o tala.
7. Tiyaking wasto ang pagbabaybay ng mga pangalan, panuhatan at iba pa sa mga datos na nakatala sa pulisya.
8. Kung gagamit ng mga tala sa aklatan, tiyaking suportado ito ng mga dalawang akda.
9. Sulatin ang paksa nang wasto, walang labis, walang kulang at hindi bumabaluktot sa katotohanan.
10. Mas mainam nang malabo kaysa sa tiyak na mali.

Batas Laban sa Kahalayan


Artikulo 201 ng Binagong Kodigo Penal at inamendahan ng Dekretong Presidensyal Bilang 960
 Nagpapataw ng parusa sa mga doktrinang immoral, malalaswang mga publikasyon at mga ekhibisyon at
mga di-desenteng palabas na may pagkabilanggo at parusang aabot mula anim na libo hanggang
labindalawang libong piso, o parehong pagkabilanggo at multa sa jga sumusunod:
1, Sa mga nagpoproklama sa publiko ng mga doktrinang hayagang sumasalungat sa mga pampublikong moral.
2. a. Sa mga may-akda ng malalaswang panitikan, na nagpapalathala sa anumang porma; mga patnugot ng
nasabing panitikan at sa may ari ng mga establisyementong nagtitinda nito;

b. Sa mga nasa sinehan, anumang mga pagtitipon, mga sinematograpiya o kahit saang lugar na nagpapalabas
ng di -desente at mga immoral na ekhibisyon, eksena, aksyon o mga palabas kasali na ang mga sumusunod:
1) Pagsamba sa mga kriminal at pagpapalampas sa mga krimen;
2) Walang ibang layunin maliban sa mabigyan at mapunan ang pamilihan ng karahasan, pagnanasa
o pornograpiya;
3) Saktan ang anumang lahi at relihiyon;
4) Masilbing daan sa paggamit ng ipinagbabawal na mga droga; at
5)Labag sa batas, kautusang pampubliko, moralidad, mabuting kaugalian, naitatag nang patakaran,
kautusang legal, dekreto at iba pa.
3. Sa mga nagtitinda, namimihay o nagpapalabas ng mga pelikula, mga imprinta, ukit, lilok, o panitikan na labag
sa moralidad.

Batas sa Paglusob sa Kapribaduhan (Invasion of Privacy Law)


Artikulo 26 ng Kodigo Sibil
“Bawat tao ay kailangang igalang ang dignidad, personalidad, pagkapribado at kapayapaan ng isipan ng kanyang
mga kapitbahay at iba pang mga tao.”
Dahilan ng Aksyon sa mga Pagkasira Pag-iwas at Kaginhawaan
1. Panunubok sa pagkapribado ng ibang tahana;
2. Pakikialam o paggambala sa pribadong buhay o elasyong pampamilya ng iba;
3. Pang-iintrega na nagdudulot sa isang tao na layuan o iwasan ng kanyang mga kaibigan; at
4. Panunukso o panghihiya sa ibang tao dahil sa kanyang mga relihiyosong paniniwala, mababang
katayuan sa buhay, lugar ng kapanganakan, kapansanang pisikal o kalagayang personal.”

Artikulo 32, Seksyon 11 ng Kodigo Sbil


“Sinumang pampublikong opisyales o kawani, o sinumang pribadong indibidwal, na direkta o di-direktang
humahadlang, sumasalungat, lumalabag o sa anumang paraan ay humaharang o sumisira sa kapribaduhan ng
komunikasyon at pasulatan ay mananagot sa nagawang kasiraan.”

Batas sa Pambansang Seguridad (National Security Law}


Ang inamyendahang mga Artikulong 138 at 142 ng Binagong Kodigo Penal ay nagpapataw ng parusang
pagkabilanggo o multa mula anim na libong piso hanggang labindalawang piso, o parehong pagkabilanggo at
multa sa mga kilusang nag-uudyok ng rebelyon o sedisyon, o paninira, sa anumang pamamaraan, sa pananalig at
katapatan ng mga mamamayan sa kanilang pamahalaan at ang legal na mga may katungkulang awtoridad.
1. Sa mga nag-uudyok sa publiko o nagpoproklama ng mga doktrinang hayagang panrebelyon o pansedisyon;
2. Sa mga may-akda ng rebelyoso o sedisyong panitikan, na inilimbag na may kabatiran sa anumang anyo; mga
patnugot na nagpapalimbag sa nasabing panitikan; at ang mga may-ari ng mga nagtitinda ng mga ito;
3. Sa mga tao na nasa mga teatro, pagtitipon, sinematograpiya o kahit saanmang lugar; na nagpapalabas na
nag-uudyok ng rebelyon o sedisyon;
4. Sa mga taong nagtitinda, namimigay o nagpapalabas ng mga pelikula, imprinta, lilok, ukit o mga panitikan na
rebelyoso at sedisyoso ang katangian.
Panghahamak sa Korte
- Kaso laban sa sinumang sumasabad sa proseso ng katarungan sa korte ng batas.
- Kung mapapatunayang nagkasala- multa at pagkabilanggo
- Anumang hindi mabuting pag-uugali na naglalayong direkta o di-direktang panggugulo, paghahadlang o
pagmamaliit sa administrasyon ng hustisya ay maaaring kasuhan nito.

*Ayon kay Alito L. Malinao, ang publikasyon ay mananagot ng panghahamak sa korte kung naglalaman ng mga
sumusunod:
1. Nagpapakita ng panggugulo sa administrasyon ng hustisya.
2. Direktang patama sa korte at hindi ulat ng makatarungang komento sa anumang aksyon sa korte.
3. Nangyayari ito habang hindi pa nahahatulan ang kaso o nadesisyunan na.

Karapatang-ari (Copyrights)

Republic Act No. 8292 (Intellectual Property Code of the Philippines


- Nagpoprotekta rin sa mga tatak-kalakal, patente at iba pang mga anyo ng karapatang intelekwal

Optical Media Act


- Nagpoprotekta sa musika, pelikula, programang pang-computer at mga larong pang-video.
Implementasyon ng karapatang-ari
Intellectual Property Office at Copyright Division ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas
- Implementasyon ng Karapatang-ari

Materyal na pagkakalooban ng karapatang-ari


1. Panitikan (aklat, pulyeto, at iba pa)
2. Peryodikal (pahayagan, magasin, at iba pa)
3. Pampublikong Talumpati at iba pang gawang pananalitang pampubliko
4. Sulat
5. Iskrip pantelebisyon o pampelikula, koreograpiya, at mga palabas-aliwan
6. Trabahong pangmusika (guhit, pinta, lilok, at iba pa)
7. Produkto ng sining (guhit, pinta, lilok, at iba pa)
8. Disenyong ornamental at iba pang porma nito (hindi kailangang kabilang sa disenyong industriyal)
9. Geograpikal, topograpikal, arkitektural, at trabahong siyentipiko (mapa, tsart, plano at iba pa)
10. Siyentipiko at teknikal na mga guhit
11. Potograpiya at vmga trabahong sinematograpiko na ginawa katulad s proseso ng potograpiya
12. Trabahong audio-visual at mga trabahong sinematograpiko na ginawa katulad ng proseseo ng sa paggawa ng
audio-visual
13. Larawang ginamit sa patalastas (kasali na ang logo)
14. Program pang-computer
15. Iba pang mga trabahong hindi kabilang sa aytem1-14 na pampanitikan, pang-iskolar at pansining na anyo
16. Pagrerekord ng tugtog
17. Pagbabalitang panradyo at telebisyon

Batas na Nagpoproyekto sa mga Pinagkukunan ng Balita


Upang maging kapani-paniwala ang balita, nararapat lamang na tukuyin ang pinagkunan nito
- Hindi ito nagagawa sa lahat ng pagkakataon kung nakasalalay ang trabaho at buhay ng impormante
- Nasa reporter at patnugot kung gagamitin ang material na ibinigay ng pinagkukunan na may kondisyong
itago ang kanyang pagkakakilanlan
Republic Act No. 53 (Batas -Sotto) at Batas ng Kalayaan
- Inakda ni Senador Vicente Sotto (Ama ng Makabagong Panitikang Cebuano)
“Ang tagapaglimbag, patnugot, kolumnista o reporter ng kahit na anong pahayagan magasin, o peryodikal
na may pangkalahatang sirkulasyon ay hindi maaaring sapilitang ibunyag pinagkunan ng anumang ulat-balita
o impormasyon na ibinigay sa kanya hanggang ito ay hihilingin ng korte para sa kaligtasan ng Estado.”
Layunin:
1. Protektahan ang Kalayaan sa pamamahayag at hadlangan ang maimpluwensyan tao.
(galit na pulitiko, upang takutin ang mga mamamahayag at ang kanilang pinagkukunang datos kung hindi nila
gusto ang kanilang nababasa o naririnig)

- mandato ng Kodigo ng Etika ng Mamamahayag na nagsasabing “Hindi ako lalabag sa impormasyong


kompidensyal sa mga material na ibinigay sa sakin sa pagtupad ko sa aking tungkulin.

Doktrina ng Makatarungang Komento


Ang pagbibigay ng komento ay bahagi ng karapatang konstitusyunal para sa malayang pananalita, na
tumitiyak nang ganap na Kalayaan ng bawat mamamayan na ibahagi ang kanilang mga opinyon at mga pananaw
sa anumang usaping pampubliko. Ito ay isnag batayang karapatan dahil sa pamamagitan nito malalaman ng mga
may hawak ng renda ng pamahalaan kung ano-ano ang nais ng mga mamamayan.
Hanggang ang komento ay nakatuon laban sa trabaho o sa tungkulin ng isang pinuno ng pamahalaan at
hindi sa pinuno mismo, walang paninira sa kanyang reputasyon.
Ang isang komento ay masasabing makatarungan o patas at Malaya sa anumang kapanagutan kung itio
ay nakaangkla sa mga sumusunod:
1. Isang intelektwal na pagtataya o ebalwasyon
2. Naitatag mula sa mga katotohanan, o anuman na sa isipan ng makatwirang tao ay karaniwang tinatanggap na
katotohanan
3. Malaya sa anumang pamimintang at motibong kaimbihan
4. Bunga ng matapat na opinyon
5. Malaya sa anumang malisya
6. Nauukol sa isang paksang may kinalaman sa interes ng publiko

Mula sa Pampaaralang Pamahayagan


sa Bagong Henerasyon
Edisyong 2014
Ni Gelly Elegio Alkuino

You might also like