Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

REPUBLIC OF THE Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
Zamboanga del Norte
LABASON DISTRICT

Pangalan:________________________ Baitang:_________
Paaralan:________________________ Iskor:__________

Filipino VI
Ikalawang Markahan

Panuto: Itiman ang bilog ng letrang may tamang sagot.

Alin ang pang-uri sa pangungusap?

1. Gusot ang aking mga damit.


A. gusot B. aking C. damit D. ang aking
2. Napakaliwanag sa silid na ito.
A. Napaka B. liwanag C. silid D. na ito
3. Matangkad pala ang kuya mo.
A. Matangkad B. pala C. kuya D. mo
4. Ang sakit ni Rose au malubha.
A. sakit B. Rose C. ay D. malubha
5. Ang mga tindahan ay bukas na.
A. Ang mga B. tindahan C. bukas na D. ay

Alin ang tamang banghay ng mga hiram na salita batay sa bagong alpabetong Pilipino?

6. ketchup A. ketsap B. catsup C. katsup D. kitsap


7. commissioner A. komisioner B. komisyoner C. kumisyuner D. kumisyoner
8. manager A. manidier B. manedear C. manedyir D.manedyer
9. muscle A. masel B. masil C. masul D. massel
10. Mrs. A. Misses B. Meses C. Mises D. mises

Basahin at ibigay ang tamang sagot.

11. Gusto mong lumabas kasama ng iyong mga kaibigan, ano ang sasabihin mo sa iyong mga
magulang?
A. Maari po ba akong lumabas kasama ng aking mga kaibigan?
B. Payagan ninyo akong lumabas kasama ng aking mga kaibigan.
C. Hayaan ninyo akong lumabas kasama ng aking mga kaibigan.
D. Lalabas kami ng aking mga kaibigan.
12. May lakbay-aral ang inyong klase at nais mong makasama. Paano ka magpapaalam sa iyong mga
magulang?
A. Aalis ako sa Sabado dahil may lakbay-aral ang aming klase.
B. Dapat ninyo akong payagan sa lakbay-aral namin.
C. Maaari po ba akong sumama sa lakbay-aral namin?
D. Aalis nap o akong para sa lakbay-aral naming.
13. Humingi ka ng pahintulot sa iyong nanay upang makipaglaro sa labas subalit hindi ka pinayagan
dahil sa umaambon. Ano ang dapat mong gawin?
A. Yayain ko ang aking kapatid na makipag-habulan sa akin sa hardin.
B. Titigil na lang ako sa bahay at gagawin gagawa ng aking takdang-aralin.
C. Magpupumilit ako hanggang sa mapapayag ko ang aking nanay.
D. Iiyak ako upang ako ay papayagan.
14. Nais mong hiramin ang lapis ng iyong kaibigan. Paano mo ito sasabihin sa kanya?
A. Akin na muna ang iyong lapis.
B. Maari ko bang gamitin ang lapis mo?
C. Ipahiram mo sa akin ang lapis mo.
D. Akin na iyong lapis mo.
15. Ugaliin ang pagpapasalamat kung humingi ng pagkakataon.
A. Mali B. Tama C. Ewan ko D. Siguro

Tukuyin ang aspekto ng pandiwa na may salungguhit.

16. Ang mga magsasaka ay nagtatanim ng palay.


A. Pangnagdaan B. Pangkasalukuyan C. Panghinaharap D. Salitang Ugat
17. Hiniram ni Emily ang aklat ko.
A. Salitang Ugat B. Panghinaharap C. Pangnagdaan D. Pangkasalukuyan
18. Maglalaro kami ng chess mamayang hapon.
A. Panghinaharap B. Pangnagdaan C. Pangkasalukuyan D. Pang-uri
19. Si Ate Minda ang naglinis ng kusina.
A. Pangngalan B. Panghinaharap C. Pangkasalukuyan D. Pangnagdaan
20. Ang mga bata ay nanonood ng BEN 10 sa telebisyon.
A. Panghalip B. Pangnagdaan C. Panghinaharap D. Pangkasalukuyan

Ibigay ang kahulugan ng tambalang-salita

21. Agaw-buhay
A. naghihingalo B. humuhinga C. nabubuhay D. natutunan.
22. Anak-pawis
A. matalino B. manggagawa C. katrabaho D. pinagpawisan
23. Alilang-kanin
A. utusang walang sweldo C. ulila
B. masarap na pagkain D. mahirap
24. balitang- kutsero
A. kabayong itim B. kutserong nagbabalita C. hindi totoong balita D. nakakatuwang balita
25. balat-sibuyas
A. manipis o maramdamin C. dahon ng sibuyas
B. balat ng bayabas D. makapal

Punan ng angkop na pang-uri ang bawat pangungusap.

26. Isa sa kanyang paboritong pangkain ang ________na adobong.


A. maputi B. malusog C. masarap D. maganda
27. Kailangan ko ng kalahating kilong ______ manok para sa lulutuin ko na tinola.
A. preskong B. payat C. pritong D. matapang
28. Ito ang aming ______ na paaralan.
A. matapang B. maysakit C. malinis D. masungit
29. _____ ang mag-anak ni Jan.
A. Mayaman B. Matulin C. Maaliwalas D. Makintab
30. Hinaplos niya ang ____ na balahibo ng aso.
A. Mahabang B. makulit C.milagrosong D. matangkad

31-35 Pagsunod-sunurin ang bawat pangyayari.

1. Nakakita siya ng puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga


2.Lumundag ang lobo at lumundag ngunit wala siyang nakuha.
3.Sa isang kagubatan, ay inabot ng gutom ang lobo.
4.Sinabi na lamang ng lobo sa sarili na maasim naman ang bunga ng ubas
5.Nasabi ng lobo sa sarili na masuwerte siya sa nakitang puno ng ubas.

31.
A. 1-2-3-4-5 B. 3-1-5-2-4 C. 4-2-5-3-1 D. 3-1-5-4-2
32. 1.Napunit ang mga sako at ang ilang bahagi ng asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw .
2.Isang mangangalakal ang maghahatid ng dalawang sakong asin sa palengke.
3.Pagdating sa ilog ay kusa na naming nagpadulas ang kabayo ngunit laking gulat niya nang biglang
bumigat ang kanyang pasan nangn siya ay malublob sa tubig.
4.”Kung magpapadulas ako sa ilog ay tiyak na gagaan uli ang pasan ko” ang sabi ng kabayo sa
kanyang sarili.
5.Inilulan niya ang mga sako ng asin sa kanyang kabayo at nagtungo sila sa palengke.

A. 5-4-3-2-1 B. 3-4-5-2-1 C. 1-2-3-4-5 D. 2-5-1-4-3

33. 1. Dinukot ng palaka si Tambelina upang ipakasal sa kaniyang anak.


2. Lumabas ang maliit at magandang dalaga na si Tambelina mula sa ubod ng bulaklak ng halamang
itinanim ng mag-asawa.
3. May asawa na humingi ng tulong mula sa bruha upang magkaanak.
4. Tinulungan ng mga isda si Tambelina upang makaalis sa pinaglagyan sa kaniya ng palaka.
5. Naging maligaya si Tambelina sa piling ng mga anghel ng mga bulaklak.

A. 3-2-1-4-5 B. 5-4-1-3-5 C. 5-4-3-2-1 D. 1-3-5-2-4

34. 1. Nagtungo ang Sultan at si Pilandok sa may tabing-dagat.


2. Umakmang aalis si Pilandok upang magbalik na muli sa kaharian sa ilalim ng dagat.
3. Nagpaliwanag si Pilandok sa sultan na may kaharian sa ilalim ng dagat kung kaya siya bumalik na
buhay.
4. Ang sultan ay nanggilalas nang Makita si Pilandok sa kanyang harapan.
5. Nahatulan si Pilandok na ikulong at itapon sa gitna ng dagat dahil sa isang pagkakasala.

A. 5-4-3-2-1 B.1-2-3-4-5 C. 2-3-1-5-4 D. 3-5-4-2-1

35. 1. Nagpaalam at umalis ang asawa ni Namongan na si Don Juan upang ipaghiganti ang sinapit ng
kanyang tribu ngunit hindi na ito nakauwi.
2. Malapit nang magsilang si Namongan.
3. Isinilang si Lam-ang
4. Wala pang isang taon noon si Lam-ang nang umalis at hanapin nito ang pumatay sa kaniyang ama.
5 .Tinalo ni Lam-ang ang mga kaaway.

A. 5-4-3-2-1 B. 1-2-3-4-5 C.2-3-1-5-4 D.3-5-4-2-1

Pagmasdan at pag-aralang mabuti ang grap. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

20% 1>pagkain
30%

2>Bayad sa kuryente, telepono at tubig


7 1
3>Savings

4>Tuition Free
6
15%
2 5> Bayad sa Upa
5%
3 6> Bayad sa Kotse
5 4 7> Iba pang pangngailangan
5%

15%
10%
36.Para saan ang representasyon na ito?
A. Badyet ng mga Gastusin B. Mga Bilang ng Araw C. Mga Bilang ng Buwan D. Grap ng mga Buwan
37. Ano ang tawag sa representasyong ito?
A. Pie Grap B. Bar Grap C. Picto Grap D. Line Grap
38.Ilang bahagdan ang inilaang-badyet para sa bayad ng kotse?
A. 30% B. 15% C. 20% D. 5%
39.Anong gastosin na may pinakamalaking badyet?
A. Tuition Fee B. Bayad sa Upa C. Pagkain D. Savings
40.Ano ang may pinakamaliit na bahagdan sa kabuuan ng grap?
A. Iba pang pangangailangan B. Savings C. Bayad sa Kuryente D. Bayad sa kuryente, telepono at
tubig/Savings

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

41.Isang uri ng liham na madalas ginagamit sa mga umoorder ng bagay.


A. Liham Pagtatanong C. Lihim Karaingan
B. Liham Paanyaya D. Liham kahilingan o Pag-order
42.Ang liham na nagtatanong ng presyo ng produkto o kalahating impormasyon na ipinagkakaloob ng sinusulatang
institusyon, organisasyon o opisina.
A. Liham Pag-aanyaya C. Liham Pag-aaplay
B. Liham Pagtatanong D. Liham Karaingan
43.Ang liham na ito ay patungkol lamang sa pasasalamat ng sumulat sa institusyon, organisasyon o opisina.
A. Liham Pasasalamat C. Liham Karaingan
B. Liham Pag-aaplay D. Liham ng Humihinhi ng paumanhin
44.Bahagi ng liham na naglalaman ng pangalan at address ng sumulat.
A. Katawan ng Liham C. Patutunguhan
B. Bating Panimula D. Pamuhatan
45.Ito ang buong pangalan ng sumulat
A. Bating Pangwakas C. Lagda
B. Pamuhatan D. Patutunguhan

Makinig sa kuwento na babasahin ng guro at sagutin and sumusunod na katanungan


(46-48) Ano ang damdaming ipinahayag ng bawat sinabi ng mga karakter sa kuwento?

46.Bong
A. Pagbibigay pag-asa B. Pagbibigay paalala C. Pagsisisi D. Pagtataka
47.Gng. Santos
A. Pagbibigay pag-asa B. Pagbibigay paalala C. Pag-aalala D. Pagtataka
48.Ammil
A. Pagsisisi B. Pagtataka C. Pag-aalala D. Pagbibigay Pag-asa
(49-50) Sagutin ang sumusunod na katanungan
49.Ano kaya ang mangyayari kung sinunod ni Bong ang utos ng kanyang ina?
A. Hindi siya sa madidisgrasya.
B. Darating siya sa paaralan nang umaga.
C. Kakagatin siya ng aso.
D. Pagagalitan siya ng tatay niya
50.Bakit kaya naisip kaagad ni Tito na nabalian ng buto si Bong?
A. Hindi pumasok sa klase si Bong.
B. May plaster ang braso ni Bong.
C. Umiyak si Bong
D. Hindi makalakad si Bong.

___________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang
Pakikinig:

(Basahin ng guro ito para sa aytem 46-50)

ANG PLASTER NI BONG

Isang araw ,pumasok si Bong sa klase na naka –benda ang


kamay .Nagtaka ang kanyang mga kaklase at unti-unting naglapitan sa
kanya.”Anong nangyari sa iyo,Bong?”,tanong ni Annie .”Plaster yan,hindi ba?
Naku,nabalian ka ng buto?”Ang malakas na sigaw ni Tito mula sa
likuran.”Oo,Tito.Nabali ang buto ko sa braso.Nag-bisiklita kasi ako sa madulas na
kalsada at nadisgrasya.Dapat talaga nakinig ako kay Nanay.Hindi pa sana nangyari
ito.”,mahinang sagot ni Bong.”Hayaan mo na,Bong.Gagaling din yan pagkatapos
ng ilang buwan.”,sabi ni Emy habang inaalalayan si Bong sa kanyang
upuan.Tumahimik ang lahat nang dumating si Gng.Santos.Hudyat na ito ng simula
ng klase.Matapos nilang magdasal ay nagsalita ang guro sa lahat.”Salamat sa pag-
aalala ninyo sa iyong kaklase.Tulungan mo na natin siya sa ilang mga gawain
habang ang kamay niya ay naka-plaster.

ANSWER KEY:BAITANG 6 SECOND GRADING


1.A 11.A 21.A 31.B 41.D
2.B 12.C 22.B 32.D 42.B
3.A 13.B 23.A 33.A 43.A
4.D 14.B 24.C 34.A 44.D
5.C 15.B 25.A 35.B 45.C
6.A 16.B 26.C 36.A 46.C
7.B 17.C 27.A 37.A 47.A
8.D 18.A 28.C 38.B 48.A
9.A 19.D 29.A 39.C 49.A
10.C 20.D 30.A 40.D 50.B

You might also like