Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Sa isang maliit na bayan nakatira ang isang batang babae nangangalang

Karen. Nakatira siya sa isang kubo kasama ang kanyang nanay. Mahirap lang
sila Karen wala siyang sapatos na sinusuot, maliban na lamang sa sapatos na
kahoy, na ginawa ng kanyang nanay para sa kanya. Matigas ang mga ito at
masakit sa kanyang mga paa.
Di nagtagal nagkaroon ng malubhang sakit si nanay, kaya buong magdamag
si Karen sa pag-aalaga dito. Isang araw habang naglalakad si Karen pauwi,
nakita ni Karen ang isang kahon, isang pares ng pulang sapatos, nasa gilid
lamang ito ng daan, nagustuhan ni Karen ang sapatos, kaya naisip niyang
iuwi ito, pero hindi natuwa ang kanyang nanay ng Makita ang pulang sapatos
*ubo, ubo self*
Nanay: Karen, hindi ka dapat basta pumupulot ng gamit sa kalsada, baka may
nagmamay-ari niyan, pagnanakaw ang ginawa mo. Paano kung may
naghahanap pala ng pulang sapatos na iyan?
Karen: E di dapat po iningatan nila ang pulang sapatos nanay, pasensyahan
na lang tayo.
Nanay: *buntong-hininga* Hay Karen, wag ng matigas ang ulo mo anak,
alam kong mahirap lang tayo at walang pambili ng sapatos, pero hindi iyon
lisensiya para gumawa tayo ng masamang bagay, ipangako mo sa akin na
hindi mo susuotin ang sapatos na iyan
Nalungkot si Karen, pero hindi niya kayang maging malungkot ang kanyang
nanay, kaya nangako siya na hindi niya susuotin ang pulang sapatos
kailanman.
Lumipas ang mga araw ngunit lagi pa ring naaalala ni Karen ang pulang
sapatos
Karen: Hindi ako naiintindihan ni nanay, kung iniwan lang sa kalsada ang
sapatos na ito, eh malamang hindi na siya gagamitin ng magy-ari.
Pagkaraan ng isang lingo, pumanaw ang kanyang nanay dahil sa sakit nito,
labis na nalungkot si Karen pero kakaiba ang sumunod na nangyari, sa libing
ng kanyang nanay, sinuot niya ang kanyang pulang sapatos, napansin nang
lahat ng bisita ang suot na sapatos ni Karen, pero wala siyang pakialam,
paborito niya ang pulang sapatos. Bigla na lamang isang matandang babae
ang dumaan sakay ng kanyang kalesa. Mabait siya at mapagbigay. Nang
malaman na ulila na si Karen, nagpasiya siyang ampunin ito.
Matanda: Ayyyy kawawang bata, sumama ka sa akin, patitirahin kita sa
bahay ko at pakakainin ng masarap, para makapag-aral ka rin at
magtagumpay balang-araw
Teka ano yang suot mong sapatos? Bakit ka nagpulang sapatos sa
libing ng nanay mo? Hindi mo dapat suot yan, hubarin mo yan!
Karen: Ayoko nga!! Paboreto ko to at sa akin to!
Matanda: Hay anak, wag matigas ang ulo mo, bibigyan na lang kita ng
magandang sapatos na isusuot.
Pinilit ng matanda si Karen na hubarin ang pulang sapatos. Nalungkot si
Karen ang iniwan niya ang pulang pares ng sapatos. binigyan siya ng bagong
pares ng sapatos, pero kulay bughaw ito, mas gusto pa ni Karen ang kulay
pula niyang sapatos. Lagi niya itong iniisip
Karen: Bakit kasi ayaw nilang ipasuot sa akin ang paboreto kong pulang
sapatos? Masusuot ko rin yun baling araw at walang makakapigil sa akin.
Paglipas ng ilang taon, naging dalaga na si Karen. Isang maganda at kaaya-
ayang dalaga, pero kahit dalaga na siya sobrang tigas pa rin ng kanyang ulo,
sumusuway siya sa lahat ng utos
Isang araw, napagpasiyahan ng matanda na bilihan si Karen ng bagong
sapatos

Karen: Naku ganyan ganyan ang paboreto kong sapatos nong bata pa ako.
Gusto ko yan
Matanda: Ay pulang sapatos na naman. Karen ang bilhin mo ang pwede
mong magamit araw-araw. Pano kung makikipaglibing tayo hindi pwedeng
magsuot ng pulang sapatos sa patay nakakabastos yon. Konti lang ang pera
ko at isang pares lang ng sapatos ang kaya kong bilhin, kung hindi
maglalakad tayo pauwi, alam mo naming matanda na ako at hirap ng
maglakad.
Pero hindi nakinig si Karen gusting-gusto pa rin niya ang pulang sapatos.
Karen: wala akong pake, bilhin mo to, kung hindi maglalakad akong
nakayapak habang-buhay
Matanda: haaaaaayyyy wag sanang matigas ang ulo mo anak, baka
pagbayaran mo to balang araw
Pero hindi pa rin nakinig si Karen, kaya binili ng matanda ang sapatos. Wala
ng pera ang matanda kaya naglakad na lamang sila pauwi. Napapagod na ang
matanda at nakukuba na sa paglalakad pero walang pakialam si Karen na
sumasayaw at kumakanta habang suot ang pulang sapatos. Kinabukasan may
pupuntahang libing ang matanda.
Matanda:Karen may pupuntahan tayong libing sa kabilang bayan, magbihis
ka na pero wag mong susuotin ang pulang sapatos, pagtitinginan tayo ng mga
tao.
Ngunit sinuot niya pa rin ang pulang sapatos at itinago sa damit para hindi
Makita ng matanda. Habang nakikipaglibing, pinagtitinginan ng mga tao si
Karen, pinag-uusapan nila ang dalaga na tila walang respeto sa patay. Sinabi
nila sa matanda kung ano ang nagyayari, nagalit ang matanda, hinila niya ito
palayo hanggang sa makalabas na sila ng sementeryo
Matanda: Napakatigas ng ulo mo. Ano bang problema mo, sinabi ng wag
mong suotin ang pulang sapatos dito, bakit baa yaw mong making?
Karen: Pero sapatos ko to susuotin ko to kahit san ko gusto
Ngunit isang sundalo ang nakasaksi sa ginawa ni Karen kaya nilapitan niya
ito at binulungan ang pulang sapatos
Sundalo: Maging sutil ka katulad ng nagmamay-ari
Karen: Sandali po tumayo po kayo
Sundalo: ah wala naman, nabighani lang ako sa pula mong sapatos na pang
sayaw magalng ka sigurong sumayaw binibini?
Natuwa si Karen, gusto niyang patunayan sa sundalo na magaling na siyang
sumayaw, nagsimula siyang sumayaw pero
Karen: Ay bakit hindi ako humihinto, ayaw tumigil ng mga paa ko. Anong
nangyayari sa akin?
Matanda: Aba Karen san ka pupunta, bumalik ka dito
Pero papalayo ng papalayo si Karen, hindi nakinig sa kanya ang pulang
sapatos. Nakarating siya sa gubat, kabundukan, walng hinto sa pagsasayaw,
at inabot na siya ng magdamag, masakit ang paa, masakit ang likod hindi
makakain. Gusto niya ng mahiga sa kama at higit sa lahat makasama ang
matandang babae. Pero walang pa ring tigil ang sapatos dinala siya sa
matitinik na halaman at panay sugat na ang mga paa
Karen: Parang awa nyo na tulungan nyo ako
At saw akas ay natanggal na rin ang pulang sapatos ngunit wala pa ring tigil
sa pagsayaw ang sapatos. Poro sugat na ang paa ni Karen at hindi na siya
makatayo kung walang tungkod
Karen: *iiyak ang sakit na ng bente ko, gusto ko ng umuwi
At sa wakas ay nakauwi na siya ngunit sumusunod pa rin sa kanya ang
pulang sapatos at walag tigil sa pagsayaw. Napagtanto ni Karen na kasalanan
niya ang lahat
Karen: dapat naging masunurin ako at hindi matigal ang ulo, kaya ganon din
ang sapatos ko, hindi tuloy ako makaalis ng bahay, para pumunta sa eskwela,
palengke o kung san ko gusto. Nagsisisi na ako, pero anong gagawin ko
ngayon
Matanda; Hay ija bat di mo ipagdasal na mawala ang pulang sapatos, kung
talaga nagsisisi ka sa ginawa mo tiyak na mapapakinggan ang panalangin mo
Simula noon nagdasal ng maimtim si Karen at biglang dumating ang sundalo
Sundalo: Iha salamat naman at natuto ka na sa kamalian. Kung mawawala
ang katigasan ng ulo mo mawawala rin ang pulang sapatos
At biglang naglaho ang sundalo kasabay nito ang paglaho din ng pulang
sapatos.
Nagbago na si Karen, naging mapayapa at masaya na ang buhay nila ng
matanda at hindi niya na rin hinanap ang pulang sapatos

You might also like