Professional Documents
Culture Documents
Mga Salalayang Kaalaman Sa Pagbasa
Mga Salalayang Kaalaman Sa Pagbasa
“Be more, read more” at ”The man who reads is the man who leads” – Lord Chesterfield
Kung susuriin kasi, talino ang natatanging puhunan ng isang tao sa kanyang
pakikipagsapalaran sa buhay. Sumakatuwid, mahalagang mahasa ang talino ng bawat tao para
na rin sakayang sariling kabutihan at kaunlaran.
Mahalaga ang ginagampanang papel ng pagbasa sa paghahasa ng talino at isipan.
Kailangan ang masidhi at malawakang pagbabasa na siyang makapagbubukas ng lahat ng
karunungan at disiplina. Ang karanasang dulot ng pagbabasa ay nagbibigay ng lubos na
kasiyahan at kaluwalhatian sa buhay na hindi maipagpapalit sa kayamanang materyal.
KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN
Ang pagbasa ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na
nakalimbag upang mabigkas nang pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng awtor sa
pamamagitan ng mga nakasulat na simbolong nakalimbag (Austero, et al, 1999)
Ang pagbasa’y isang bahagi ng pakikipagtalasan nakahanay ng pakikinig, pagsasalita at
pagsulat (Bernales, et al, 2001)
Ayon kay Goodman (sa Badyos, 2000), ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing
game. Sa pagbabasa kasi, ang isang mambabasa ay bumubuo muli ng kaisipan o mensahe
hango sa tekstong kanyang binasa. Sa depinisyon nyang ito ay binigyang-diin ang mga
kasanayan sa paghula, paghahaka, paghihinuha at paggawa ng prediksyon sa
pagpapakahulugan ng tekstong binabasa.
PROSESO AT KATANGIAN
Ang pagbabasa ayisang gawaing pangkaisipan at ang gawaing ito ay bilang isang
proseso. Ayon kay William Gray, may apat na hakbang sa pagbasa: