Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Panuto: Isulat sa patlang kung ang pangungusap ay

Katapora o Anapora at salungguhitan ang panghalip na


ginamit.
______1. Siya ay huwarang pinuno ng bayan, sapagkat
namuhay si Jesse Robredo nang may katapatan sa
sinumpaang serbisyo.
______2. Isa sa mga pangunahing pinagkakakitaan ng buwis
ng bansa ang turismo dahil ito ay nagbibigay ng
napakalaking pera sa kaban ng bansa.
______3. Sa panahon ng kanyang panunungkulan,
pinatunayan ng dating Pangulong Fidel V. Ramos na kaya
niyang paunlarin ang turismo sa Pilipinas.
______4. Ayon sa mga nakaaalam ng takbo ng negosyo sa
bansa, bumagsak daw ang turismo sa administrasyong
Estrada dahil sa mahina raw siyang pangulo.
______5. Isa siyang ekonomista kaya alam ng Pangulong
Arroyo kung paano muling sisigla ang turismo sa Pilipinas.
_______6. Ito ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng
turismo sa bansa kaya ang terorismo ay patuloy na
sinusugpo ng Administrasyong Arroyo.
_______7. Si Donya Aurora Aragon-Quezon ang nagtatag ng
Krus na Pula. Ikinasal siya kay Pangulong Manuel L. Quezon
na isa nang pulitiko noon.
_______8. Katulong si Donya Aurora ni Pangulong Quezon sa
pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan. Puspusan ang
pagkalinga niya sa mga nangangailangan at kapuspalad.
_______9. Tapos na ang digmaan nang siya ay bumalik sa
Pilipinas. Gayunpaman, tumulong si Donya Aurora sa
Pangulong Mabuel A. Roxas na mapagtibay ang Kalayaan ng
Pambansang Krus na Pula.
_______10. Lubos ang pasasalamat nila, dahil na rin sa
patuloy na pagsuporta hindi lamang ng mga taga-Naga
gayundin ang sambayanang Pilipino sa pamilya Robredo.

You might also like