Documents

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Mga Uri at Klasipikasyon ng Teksto, Konteksto At Mga Bahagi ng

Teorya

I. Teksto
- isang babasahin na puno ng mga ideya ng iba't ibang tao at impormasyon.

II. Iba’t ibang Uri ng Teksto

a.) Informativ - ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong
pangyayari, bagong paniniwala at mga bagong informasyon. Ang mga kaalaman ay nakaayos ng
sekwensyal at inilalahad nang buong linaw at kaisahan
Halimbawa: mga kasaysayan, mga balita

b.) Argumentativ - ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga posisyong umiiral na kaugnayan
ng mga proposisyon na nangangailangan ng pagtalunan o pagpapaliwanagan.Ang ganitong uri ng
teksto ay tumutugon sa tanong na bakit.
Halimbawa: mga editoryal

c.) Persweysiv - Tekstong nangungumbinse o nanghihikayat.


Halimbawa: mga nakasulat na propaganda sa eleksyon, mga advertisment

d.) Narativ - Naglalahad ng magkakasunod-sunod na pangyayari, o simpleng nagsasalayasay


Halimbawa: mga akdang pampanitikan

e.) Descriptiv - ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng informasyong may kinalaman sa pisikal
na katangian ng isang tao, lugar, bagay. Madali itong makilala sapagkat ito ay tumutugon sa tanong
na ano.
Halimbawa: mga lathalain, mga akdang pangpanitikan

f.) Prosijural- ang isang teksto kung ito ay nagpapakita at naglalahad ng wastong pagkakasunod-
sunod ng hakbang ng malinaw na hakbang sa pagsasakatuparan ng anumang gawain. Naglalahad
ng wastong pagkakasuno-sunod ng hakbang sa paggawa ng isang bagay.

g.) Nareysyon-ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga informasyon tumutugon sa mga
tanong na paano at kailan.

h.) Exposisyon- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga informasyon tungkol sa pag-
aanalays ng mga tiyak na konsepto. Tinutugon nito ang tanong na paano.

i.) Referensyal- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga tiyak na pinaghanguan ng mga
inilalahad na kaalaman. Ang mga kaalamang hinango mula sa iba ay malinaw na tinitiyak at inilalahad.
III. Klasipikasyon ng Teksto

a.) Tuluyan - ng pananalitang tuluyan, tuluyan, o prosa ay ang pangkaraniwang anyo ng nasusulat o
sinasalitang wika.[1] Hindi ito patula, at hindi anumang natatanging anyo na katulad ng mga talaan,
tala, o mga talahanayan. Sa pagsusulat, wala itong natatanging ritmo, at kahalintulad ng pang-araw-
araw na komunikasyon. Ito ang pinakamahalagang pagkakaiba ng tuluyan sa panulaan, at sa mga
akdang pangtanghalan na katulad ng mga dula.

b.) Patula -

IV. Mga Akdang Tuluyan

a.) Nobela - Ang nobela, akdang-buhay o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksiyon na
binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina.

b.) Maikling Kwento - ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong
masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung
ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng
pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."

c.) Dula - Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay
ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng
pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na mga mandudula, dramatista, o dramaturgo.

d.) Alamat - Ang alamat ay isang uri ng kwentong bayan at panitikan na nagkukuwento tungkol sa
mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga
pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan.Kaugnay
ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan. Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang "legend"
ng ingles.

e.) Pabula - Ang pabula (Ingles fable, Kastila: fabula) ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung
saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad
ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula
sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa.
Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.

f.) Anekdota - Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang
pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-
kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa
ng mga tao.

g.) Sanaysay - ng sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal


na kuru-kuro ng may-akda.

h.) Talambuhay - Ang talambuhay (mula sa pinagsamang mga salitang "tala" at "buhay" na may
diwang "tala ng buhay") o biyograpiya ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng
buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari at impormasyon.

i.) Balita - Ang balita ay ang komunikasyon ng mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng
isang bansa na nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mga mamamayan. Maaari itong ihayag sa
pamamagitan ng paglilimbag, pagsasahihimpawid, Internet, o galing sa bibig at ikalat sa ikatlong
partido o sa maramihang mambabasa, nakikinig o nanonood.

V. Mga Akdang Patula

1.) Tulang Pasalaysay - Ang tulang pasalaysay ay uri ng tula na nagsasaad ng kuwento. Ito’y
kadalasang ginagamitan ng boses ng tagapagsalaysay at ng mga tauhan; at ang buong istorya ay
nasusulat sa may sukat na taludtod. Hindi kailangang mayroong huwarang pang-ritmo ang tulang
pasalaysay. Ang ganitong uri ng tula ay maaaring maikli o mahaba, at ang istoryang kinukwento nito
ay maaaring komplikado. Ito ay karaniwang dramatiko, may layunin, iba’t ibang tauhan, at sukat.
Kabilang sa tulang pasalaysay ang epiko, ballad, idyll at lays.

a.) Epiko - Ang epiko[1] ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali
ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang
makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-
gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.

b.) Awit at Korido - Ang awit at korido ay mga akdang nasa anyong patula. Ang sa saknong
ng mga ito ay may natatanging bilang o sukat at may magkakasintunog o magkakatugmang mga
pantig. Ang Korido ay salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang tauhang
malabayani na punung-puno ng kababalaghan. Ang awit namaíy salaysay sa pakikipag-ibigan at
pakikipagsapalaran ngunit ang mga tauhan at walang sangkap na kababalaghan.

c.) Ballad - Ang balad ay tulang inaawit habang may nagsasayaw. Ginawa ito noong matagal nang
panahon. Ang balada ay isang uri o tema ng isang tugtugin na pasalaysay.

VI. Konteksto
- ang tawag na binubuo ng mga kultural,historikal, sikolohikal na elementong nakapaloob sa teksto
na kabahagi sa pagbibigay ng kahulugan sa ipinahayag (pasulat o pasalita) man.
VII.
a.) Kontekstong Interpersonal - ito ay usapan pang mag-kaibigan
b.) Kontekstong Pang-grupo - pulong ng pamunuan ng isang samahang pangmag-aaral
c.) Kontekstong Pang-organisasyon - Memorandum ng isang kompanya sa lahat ng empleyado.
d.) Kontekstong Pang-masa - pagtatalumpati ng isang pulitiko sa harap ng mga botante
e.) Kontekstong Interkultural - pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansang ASEAN
f.) Kontekstong Pang-kasarian - usapan ng mag-asawa

VIII. Teorya
IX. Bahagi ng Teorya
a.) Speech Act Theory - Teoryang pang-wika batay sa aklat na "How to Do Things with Words" ni
JL Austin(1978)
b.) Pragmatik Theory - upang lalong maintindihan ang kahulugan ng pangungusap kailangang
mauunawaan ang konteksto.

c.) Interactional Lingguistic -


d.) Contextualization Clues -
e.) Teoryang Klasismo -

Resources:
http://teksbok.blogspot.com/2013/01/ibat-ibang-uri-ng-teksto.html
https://tl.wikipedia.org/wiki/Tuluyan

http://brainly.ph/question/201468
https://tl.wikipedia.org/wiki/Nobela
https://tl.wikipedia.org/wiki/Maikling_kuwento
https://tl.wikipedia.org/wiki/Dula

You might also like