Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PANGALAN: ________________________________ SEKSYON: ____________________

PETSA: ____________________________________

Ang Krusada sa Panahong Medieval

 Habang lumalaganap ang relihiyong Kristiyanismo sa Europa, patuloy din ang paglaganap ng relihiyong Islam sa
iba't ibang bahagi ng mundo.
 Dahil magkakaiba ang mga paniniwala at tradisyon, hindi naiwasang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang
mga tagasunod ng dalawang relihiyon.
 Ito ay nagbunsod sa pagkakaroon ng digmaan sa pagitan ng mga umiiral na imperyo sa ngalan ng relihiyon at
pananampalataya.
Krusada

 Ito ay isang ekspedisyong militar ng mga haring Kristiyano at kani-kanilang hukbo.


 Ito ay may layuning iligtas ang Holy Land sa Herusalem mula sa pananakop ng mga Turkong Muslim mula sa Asya.
 Isang malaking karangalan para sa mga taga-imperyo ang makalahok dito.
 Naniwala ang hukbong Kristiyano na magtatagumpay sila sa digmaan dahil dala nila ang krus bilang tanda ng
kanilang pananampalataya.
 Pinaniwalaan ng mga Kristiyano na ang paglahok dito ay magbubunsod ng pagtatamo ng indulhensiya at
kaligtasan ng kaluluwa.
Dahilan sa Paglunsad ng Krusada

 Taong 1077 nang salakayin at bihagin ng mga Turkong Seljuk ang Holy Land.
 Sinira nila ang mga simbahan at relikong Kristiyano, kasama na ang Simbahan ng Banal na Sepulkro.
 Maraming pinatay na Kristiyano, at ipinasara ang Holy Land.
Mga Pangyayari sa Krusada
May siyam na malalaking Krusada sa loob ng higit 100 taon:

 Unang Krusada mula 1096 hanggang 1099,  Ikaanim na Krusada mula 1228 hanggang 1229,
 Ikalawang Krusada mula 1147 hanggang 1149,  Ikapitong Krusada mula 1248 hanggang 1254,
 Ikatlong Krusada mula 1189 hanggang 1192,  Ikawalong Krusada noong 1270, at
 Ikaapat na Krusada mula 1202 hanggang 1204,  Ikasiyam na Krusada mula 1271 hanggang 1272.
 Ikalimang Krusada mula 1217 hanggang 1221,
Epekto ng Krusada

 Bumaba ang tingin ng mga tao sa simbahan dahil sa mga nangyari sa mga Krusada.
 Nagkahiwa-hiwalay ang mga bansang Europeo dahil ilan sa mga bansa ay tumangging makilahok sa Krusada.
 Maraming maharlika ang naghirap dahil sa laki ng perang ginastos para masuportahan ang mga krusada at mga
hukbo nito.
 Maraming mahahalagang teritoryo ng Kristiyano ang naagaw ng mga Muslim.
 Patuloy na lumaganap ang relihiyong Islam sa mundo.
Mga Aral ng Krusada

 May mga pagkakataong naliligaw ng landas ang mga kalahok sa Krusada, kaya ang ginagawa nila ay malayo o
walang kinalaman sa layunin ng Krusada.
 Maraming lumahok sa Krusada na may personal na interes, tulad ng pagsakop ng ibang lupain at pagkuha ng
kayamanan.
 Ipinakita nito ang kahalagahan ng relihiyon at pananampalataya sa pagsasagawa ng tungkulin o layunin.
 Ang kawalan ng pag-unawa at paggalang sa pagkakaiba ng iba't ibang pananampalataya ay nakapagdudulot ng
kaguluhan at kasawian.
PANUTO:

PUNAN ANG MGA PATLANG UPANG MABUO ANG MENSAHE NG MGA TALATA.

Masasabing nagpapaligsahan sa paglaganap sa buong mundo ang 1. ______________________ at 2.


____________________ bilang mga relihiyon, at dahil magkaiba ang kani-kanilang paniniwala at tradisyon, hindi
maiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan sa sa pagitan ng kani-kanilang mga 3.
_________________________ (SUTANOGAD). Dahil dito, nagkaroon ng 4. __________________ (MADIANG) sa ngalan ng
5. _____________________ (HIREYONLI)at 6. ________________________.

Ang mga haring kristiyano at kani-kanilang hukbong militar ay naglunsad ng isang ekspidisyong militar na may
layuning iligtas ang 7. ________________________ sa Herusalem mula sa panankop ng mga 8.
__________________________. Ang holy war na ito ay tinatawag na 9. ______________________ ng mga Kristiyano at
tinatawag namang jihad ng mga 10. _______________. Naniniwala ang hukbong Kristiyano na magtatagumpay sila sa
digmaan, at ang sinumang makikilahok ditto ay mabibigyan ng 11. _____________________________ (HENINSIDULYA) at
maliligtas ang kanyang 12. ____________________ (LUKAWALU).

Ang Holy Land ay sinilakay ng mga 13. ______________________ noong 14. ___________. Sinira nila ang mga
simbahan at mga 15. __________________ (KREOLI), pumatay ng maraming Kristiyano saka ipinasara ang Holy Land.

Sa kabuuan ay may 16. _____________ na malalaking Krusada ng naganap sa loob ng higit 17. _________ taon
kung saan ang pinakauna ay nagsimula noong 18. ___________ at ang pinakahuli ay natapos noong 19. ____________.
Sa kabila nito, ang mga kaganapan sa Krusada ay nagpababa sa halip na nagpainam ng 20. ________________
(PAGNTINGI) ng mga tao sa 21. ______________________ dahil na din sa paglaganap ng kurapsyon at paggamit ng
krusada sa pansariling motibo at interes. Sa huli, maraming mga bansang Europeo ang 22.
_______________________________, maraming maharlika ang 23. _____________________, maraming mahahalagang
teritoryo ng Kristiyano ang 24. _______________ ng mga Muslim, at patuloy na 25. _________________________ ang
Islam sa buong mundo.

Masasabing ilan sa mga dahilan kung bakit hindi ganap na nagtagumpay ang mga krusada ay dahil marami sa mga
nakilahok dito ay gumagawa ng mga bagay na wala namang kinalaman sa 26. ___________________ ng krusada at may
ilan din na hindi pananamapalaya kundi personal na 27. ___________________ ang kanilang nagging motibo sa
pakikilahok. Ang kawalan ng 28. ___________________ at 29. __________________ sa pagkakaiba-iba ng iba’t-ibang
pananampalataya ay nakapagdudulot ng 30. _____________________ at kaswian, kaya marapat lamang na matuto na
tayo sa mga nangyari sa bahaging ito ng kasaysayan,

You might also like