Estratehiya Sa Pagtuturo NG Tula

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Estratehiya sa Pagtuturo ng Tula

BALIK TANAW
 Ang tula ay isang uri ng panitikan na pinagyayaman sa pamamagitan ng paggamit ng
tayutay,at malayang paggamit ng mga salita sa iba’t ibang estilo. Kung minsan ito ay
maiksi o mahaba. Ito ay binubuo ng saknong at taludtod na karaniwang wawaluhin,
lalabindalawahin, lalabing-animin at lalabing-waluhing pantig.
MGA URI NG TULA
 Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) – ipinapahayag ang mga saloobin at
damdamin ng makata. Ang kataga ng tulang liriko ay ngayon karaniwang tinutukoy bilang
ang mga salita sa isang. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyang
sariling damdamin, iniisip, at persepsyon.
 Tulang Pasalaysay (narrative poetry) – isang tula na may balangkas. Ang tula ay
maaaring maikli o mahaba, at ang mga kuwento na may kaugnayan maaaring maging
simple o kumplikadong pangyayari. Ito ay karaniwang hindi madrama, nagkukuwentong
tula gaya ng mga epiko, ballad, at lays.
 Tulang Patnigan (joustic poetry) – Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at
balagtasan.
 Tulang Pantanghalan o Padula – karaniwang itinatanghal sa theatro.Ito ay patulang
ibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang
awitin.Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili
kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay.
MGA ELEMENTO NG TULA
 Sukat - ito ang bilang ng pantig ng tula sa bawat taludtod na karaniwang may sukat na
waluhan,labing-dalawahan at labing-animan na pantig.
 Tugma - ito ay ang pagkakasingtunog ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod
ng tula. Nakagaganda ito ng pagbigkas ng tula. Ito rin ang sinasabing nagbibigay sa tula
ng angkin nitong himig o indayog.
 Talinghaga - dito ay kinakailangan ang paggamit ng mga tayutay o matatalinhagang mga
pahayag.
 Kariktan - ito naman ang malinaw at di malilimutang impresyon na natatanim sa isipan
ng mga mambabasa.Sinasabing ang isang tula ay mahusay kung mayroong impresyon na
hindi malilimutan ng isang mambabasa
LAYUNIN
 Mapaunlad ang mga batayang kaalaman sa tulang tradisyonal at tula sa malayang
taludturan
 Maipakilala ang mga mahahalagang elementong bumubuo sa isang tula
 Maipaunawa ang mga paraan sa pagsulat ng tula
 Malinang ang kakayahang basahin at unawain ang mga tula bilang teksto
GRAPHIC ORGANIZER
 Ang graphic organizer ay isang paraan ng pagsasaayos ng mga ideya, katotohanan, at iba
pang mga konsepto gamit ang mga larawan upang maipakita ang relasyon ng mga ito sa
bawat isa.
VIEN DIAGRAM FLOW CHART
FACT STORMING WEB VOCABULARY MAP
SPIDER WEB CONCEPT CLUSTER
DISCUSSION WEB K-W-L CHART
PMI DIAGRAM PERSUASIVE PLANNER
SUNSHINE WHEEL KONKRETONG TULA
WORD FLOWER

PAGLALAGOM: Makabuluhang Paraan ng Pagtuturo ng Tula


 Iugnay ang tula sa ibang asignatura tulad ng matematika, siyensiya, musika, sining-biswal.
 Hayaang sumulat ang mga batang mag-aaral ng kanilang mga tula para higit nilang
maintindihan ang mga elementong bumubuo dito.
 Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang mga mahahalagang elemento ng tula at hindi lamang ang
aral ng teksto.
 Huwag lamang umasa sa libro bilang pagkukunan ng mainam na tula.
 Saliksikin ang yaman ng panitikang-bayan gaya ng bugtong, tanaga, ambahan, awiting-
bayan para ipakilala sa mag-aaral ang sariling panulaan.
 Maaaring sumulat ng sariling tula para ipaunawa sa mga mag-aaaral.
 Huwag katakutan ang tula. Hindi ito malalim na kailangang sisirin.
 Pumili ng mga makabuluhang tula para sa bata. Iwasan ang mga tulang lantarang
nangangaral o didaktiko.
 Isakonteksto ang tula. Tuklasin ang historikal at panlipunang konteksto ng pagkakalikha
nito.
 Iugnay ang tula (interteksto) sa iba pang mga teksto gaya ng musika, iskultura, sining-
biswal.
 Nasa paligid lamang ang tula, hayaan itong tuklasin ng kapwa guro at mag-aaral
PAMANTAYAN NG MAHUSAY NA TULA
 Nagpapamalas ng imahinasyon.
 May malinaw na persona.
 May malinis na taludtod.
 Makabago o sariwa ang gamit ng wika at anyo.
 May matalas na pandama at malinaw na imahen (larawan).
 May epekto o ugnayan sa damdamin ng mambabasa.

You might also like