Mekaniks at Krayterya Final

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

SLOGAN AT ON THE SPOT POSTER MAKING CONTEST

Panuntunan:
1. Ang mga kalahok ay mag-aaral ng MSU-IIT National Cooperative Academy mula sa lahat ng baiting. Isang kalahok ang
maaaring sumali sa sa bawat klase.
2. Gaganapin ang poster at slogan ngayong ika-28 ng Agosto, sa alas 9 ng umaga.
3. Binibigyan ng dalawang oras ang bawat kalahok na matapos ang kanyang poster o slogan.
4. Isumite sa tagapangulo ang natapos na slogan.
5. Ang pasya ng mga hurado ay pinal at hindi na maaaring pasubalian.
6. Ang mga magwawaging una hanggang ikatlong gantimpala ay tatanggap ng premyo.
7. Ang kraytirya ay binubuo ng mga sumusunod:
Pamantayan:
KRAYTERYA PUNTOS MARKA
Kaangkupan sa tema 25%
Kalinisan at kaayusan 15%
Pagkamalikhain 35%
Kabuuang presentasyon 25%
Kabuuan 100%
TAGALOG SPOKEN POETRY

Panuntunan:
1. Ang mga kalahok ay mag-aaral ng MSU-IIT National Cooperative Academy mula sa ikapito hanggang labing-dalawang baitang.
Isang kalahok ang maaaring sumali sa sa bawat klase.
2. Makalikha ng isang tula sa wikang Filipino na may kaugnayan sa tema ngayon. Deadline sa pagpasa ng tula ay ngayong darating
na ika-26 ng Agosto, 2019.
3. Gaganapin ang paligsahan ngayong ika-28 ng Agosto, ala 1 ng hapon.
4. Ito ay may kabuuan sa minimum na apat (4) saknong (stanzas) na may apat (4) na linya o taludtod (lines) sa isang saknong. Ito
ang inaaakala naming madali para sa lahat.
5. Magkatulad ang rima (rhyme) sa bawat dulo na dalawang linya.
6. Ang lahat ng kalahok na ipapasa ay sariling gawa at hindi pa naipapaskil sa wattpad o saan mang website na katulad nito.
7. Anomang tula na ipapasa na ay hindi maaaring bawiin upang palitan o baguhin. Ang copyright ay nananatili pa rin sa orihinal
na manunulat.
8. Ang pasya ng mga hurado ay pinal at hindi na maaaring pasubalian.
9. Ang mga magwawaging una hanggang ikatlong gantimpala ay tatanggap ng premyo.
Pamantayan:
Krayterya Puntos Marka
Nilalaman 20
 Kakakyahang maipahayag ang mga saloobin at kaisipan ng napiling tauhan
 Kaugnayan sa paksa
Pagbigkas 40
 Pagsaulo ng skrip (mastery of script)
 Wastong pagbigkas ng mga salita (correct pronunciation)
 Tono, lakas at linaw ng boses (voice quality)
 Pagbibigay-diin (emphasis)
Paraan ng Paglalahad (Presentation) 40
 Anyo (appearance)
 Tindig (posture)
 Kilos (gestures)
 Paggamit ng angkop na musika (background music)
 Tiwala sa sarili (confidence)
Kabuuan 100%
SABAYANG PAGBIGKAS

GRADE 7 TO GRADE 10- “BABALA NG MGA ANAK NG ASO” NI GERMAN GERVACIO

Panuntunan:
1. Ang mga kalahok ay mag-aaral ng MSU-IIT National Cooperative Academy mula sa ikapito hanggang ikasampung baitang.
2. Inaasahan ang bawat pangkat ay may 10-15 kalahok.
3. Gaganapin ang paligsahan ngayong ika-29 ng Agosto, ala 1 una hapon.
4. Isang piyesa lamang ang gagamitin sa madulang sa sabayang pagbigkas.
5. Pinahihintulutan ang paglalapat ng himig, tunog o awitin at ang pagkakaroon ng koryograpiya.
6. Mahalaga sa madulang sabayang pagbigkas ang tinig, bigkas, pormasyon, blaking, ekspresiyon, imahinasyon, interpretasyon,
damdamin, tayming sa pagbigkas at larawang-diwa.
7. Maglapat ng sariling sining.
8. Inaasahan ang pagdalo ng mga koponan isang oras bago magsimula ang paligsahan para sa pagpaparehistro at briefing.
9. Inaasahan na ang bawat koponan ay darating ng handa sa paligsahan.
10. Ang durasyon ng sabayang pagbigkas ay hindi dapat bababa sa limang (5) minute at hindi lalagpas sa labinlimang (15) minuto.
11. Bawat lalabis na minute ay may kabawasang isa (1) puntos na tatamuhin mula sa hurado.
12. Ang unang senyales ay nangangahulugan ng pagsisimula ng koponan; ikalawang senyales ay kalahati ng takdang oras na lang
ang natitira at ang ikatlong senyales ay kalahating minute ang natitira.
13. Ang koponan na hindi makararating sa takdang oras ay hindi na maaaring lumahok sa paligsahan.
14. Ang mga koponan ay maaaring magdala ng mga kagamitan o props maliban sa mga makakasira sa kaayusan ng intablado.
15. Tatanggapin ang anumang kasuotang angkop sa piyesa ng madulang sabayang pagbigkas.
16. Ang pasya ng mga hurado ay pinal at hindi na maaaring pasubalian.
RUBRIK PARA SA SABAYANG PAGBIGKAS

KRAYTERYA Kailangan Pang- Katamtaman Mahusay Pinakamahusay


paghusayan
1-5 6-7 8-9 10
Pagpapalutang sa Bigo na mapalutang ang Katatamtaman na Napalutang ang diwa ng Pinakalutang ang diwa
diwa ng tula diwa ng tula sa napalutang ang diwa ng tula sa pamamagitan ng ng tula sa pamamagitan
pamamagitan ng tula dahil sa kakulangan sa madamdaming pagbabasa ng madamdaming
madamdaming madamdaming pagbabasa at pagpapakita ng pagbabasa at pagpapakita
pagbabasa at pagpapakita at pagpapakita ng naaangkop na ekspresyon ng naaangkop na
ng naaangkop na naaangkop na ekspresyon ekspresyon
ekspresyon
Kalidad, indayog Kulang sa kalidad at May kalidad sa tinig Mahusay ang kalidad at Katangi-tangi ang
at kaisahan ng indayog at kaisahan sa ngunit kulang sa indayog indayog at may kaisahan kalidad at indayog at
tinig sa pagbigkas tinig sa pagbigkas at kaisahan sa pagbigkas sa tinig sa pagbigkasmay kaisahan sa tinig sa
pagbigkas
Makabuluhang Hindi naaangkop, kulang Naaangkop, ngunit kulang Mahusay ang kaisahan ang Pinakamakabuluhan,
galaw sa sa kaisahan at hindi sa kaisahan ang mga galaw mga galaw sa tanghalan at naaangkop, may kaisahan
tanghalan mandating ang mga sa tanghalan may dating sa madla at may dating sa mga
galaw sa tanghalan galaw sa tanghalan
Kasuotang, props Malikhain ang kasuotan, Malikhain ang kasuotan, Mahusay ang Pinakaangkop, may
at musika props at musika bagamat props at musika at pagkamalikhain ng kabuluhan at malikhain
hindi naaangkop sa tula naaangkop sa tula ngunit kasuotan, props at musika ang paggamit ng
hindi naaangkop ang ilan at naaangkop sa tula kasuotan, props at
sa tula musika at na-maximize
sa kabuuan ng tula.
Dating sa madla Kapansin-pansin ang Kapansin-pansin ang Kapansin-pansin ang Kapansin-pansin ang
mahinang palapak at manakanakang palakpak at malalakas na palakpak at pinakamalakas na
blangkong ekspresyon sa may iilang bilib na bilid na ekspresyon sa mga palakpak at bilib na
mga mukha ng madla ekspresyon sa mga mukha mukha ng malda ekspresyon sa mga
ng madla mukha ng madla
SABAYANG PAGBASA

GRADE 1 TO GRADE 3- “SA AKING MGA KABATA” NI JOSE RIZAL


GRADE 4 TO GRADE 6- “PAMANA NG LAHI” NI PATRICINIO V. VILLAFUERTE

Panuntunan:
1. Ang mga kalahok ay mag-aaral ng MSU-IIT National Cooperative Academy mula sa una hanggang sa ika-anim baitang.
2. Inaasahan ang bawat pangkat ay may 10-15 kalahok.
3. Gaganapin ang paligsahan ngayong ika-29 ng Agosto, ala 1 ng hapon
4. Isang piyesa lamang ang gagamitin sa sabayang pagbasa.
5. Mahalaga sa sabayang pagbasa ang tinig, bigkas, pormasyon, blaking, ekspresiyon, imahinasyon, interpretasyon, damdamin at
tayming sa pagbigkas.
6. Inaasahan ang pagdalo ng mga koponan isang oras bago magsimula ang paligsahan para sa pagpaparehistro at briefing.
7. Inaasahan na ang bawat koponan ay darating ng handa sa paligsahan.
8. Ang durasyon ng sabayang pagbasa ay hindi dapat bababa sa tatlong (3) minuto at hindi lalagpas sa pitong (7) minuto.
9. Bawat lalabis na minuto ay may kabawasang isang (1) puntos na tatamuhin mula sa hurado.
10. Ang unang senyales ay nangangahulugan ng pagsisimula ng koponan; ikalawang senyales ay kalahati ng takdang oras na lang
ang natitira at ang ikatlong senyales ay kalahating minute ang natitira.
11. Ang koponan na hindi makararating sa takdang oras ay hindi na maaaring lumahok sa paligsahan.
12. Tatanggapin ang anumang kasuotang angkop sa piyesa ng sabayang pagbasa
13. Ang pasya ng mga hurado ay pinal at hindi na maaaring pasubalian.

KRAYTERYA PUNTOS MARKA


Masining na ekspresyon 50%
 Kaisahan ng Tinig 30%
 Koryograpiya 20%
Kaayusan ng koponan 50%
 Tindig at ayos 20%
 Pagkabihasa sa piyesa 20%
 Hikayat sa madla 10%
Kabuuan 100%
MGA PAGKAING PINOY

GRADE 4 TO GRADE 6- “ ADOBONG MANOK, PALITAW AT JUICE”


GRADE 7 TO GRADE 12- “SINIGANG NA BANGUS, BIKO AT JUICE”

Panunutunan:
1. Ang mga kalahok ay mag-aaral ng MSU-IIT National Cooperative Academy mula sa ikaapat hanggang sa labindalawang baitang.
2. Inaasahan na may 2 representati para sa paligsahan.
3. Ang pagkaing pinoy ay dapat handa na. Maaaring sa bahay na gawin ang ihahandang pagkain.
4. Gaganapin ang paligsahan ngayong ika-30 ng Agosto, alas 9 ng umaga.
5. Ang koponan na hindi makararating sa takdang oras ay hindi na maaaring lumahok sa paligsahan.
6. Ang pasya ng mga hurado ay pinal at hindi na maaaring pasubalian.

Pamantayan:

KRAYTERYA PUNTOS MARKA


Palatability (taste) 40%
Appearance/texture 30%
Over-all presentation 30%
Kabuuan 100%
DANCE CRAZE

GRADE 1 TO GRADE 3- “SUMAYAW, SUMUNOD”


GRADE 4 TO GRADE 6- “AWITIN MO, ISASAYAW KO”
GRADE 7 TO GRADE 10- “DALENG DALE”

Panuntunan:

1. Ang mga kalahok ay mag-aaral ng MSU-IIT National Cooperative Academy mula sa una hanggang sa ika-sampung baitang.
2. Inaasahan ang bawat pangkat ay may 7-10 kalahok.
3. Isang kanta/sayaw lamang ang gagamitin sa dance craze.
4. Gaganapin ang paligsahan ngayong ika-30 ng Agosto, alas 8 ng umaga.
5. Inaasahan ang pagdalo ng mga koponan isang oras bago magsimula ang paligsahan para sa briefing.
6. Inaasahan na ang bawat koponan ay darating ng handa sa paligsahan.
7. Ang koponan na hindi makararating sa takdang oras ay hindi na maaaring lumahok sa paligsahan.
8. Tatanggapin ang anumang kasuotang angkop sa sayaw.
9. Ang pasya ng mga hurado ay pinal at hindi na maaaring pasubalian.

Pamantayan:

KRAYTERYA PUNTOS MARKA


Koryograpiya 50%
 Kaangkupan ng ekspresyon ng mukha; koryograpiya; kilos;
galaw; kumpas
Orihinalidad 30%
Dating sa madla 20%
Kabuuan 100%
LAKANDULA AT LAKAMBINI 2019
GRADE 7 TO GRADE 12

Panuntunan:
1. Ang mga kalahok ay mag-aaral ng MSU-IIT National Cooperative Academy mula sa ikapito hanggang labindalawang baitang.
2. Inaasahan na may isang lakan at lakambini ang bawat baiting mula ikapito hanggang labindalawa.
3. Gaganapin ang paligsahan ngayong ika-30 ng Agosto, alas 8 ng umaga.
4. Inaasahan ang pagdalo ng mga kalahok isang oras bago magsimula ang paligsahan para sa briefing sa ground area.
5. Inaasahan na ang bawat kalahok ay darating ng handa sa paligsahan.
6. Ang koponan na hindi makararating sa takdang oras ay hindi na maaaring lumahok sa paligsahan.
7. Ang kasuotan para sa production number ay makalumang kasuotan ng mga Pilipino.
8. Ang kasuotan para sa pormal ay malong sa babae na gagawing gown at barong naman sa lalake.
9. Ang pasya ng mga hurado ay pinal at hindi na maaaring pasubalian.

Pamantayan para sa Production Number


KRAYTERYA PUNTOS MARKA
Koryograpiya 30%
Projeksiyon 40%
Kasuotan 20%
Dating sa madla 10%
Kabuuan 100%

Pamantayan para sa Question and Answer Portion


KRAYTERYA PUNTOS MARKA
Mensahe/Nilalaman 60%
Kaugnayan sa paksa 20%
Orihinalidad 10%
Dating sa madla 10%
Kabuuan 100%
LAKANDULA AT LAKAMBINI 2019 (TALENT PORTION)
GRADE 7 TO GRADE 12

Panuntunan:
1. Ang mga kalahok ay mag-aaral ng MSU-IIT National Cooperative Academy mula sa ikapito hanggang labindalawang baitang.
2. Inaasahan na may isang lakan at lakambini ang bawat baiting mula ikapito hanggang labindalawa.
3. Ang bawat kalahok ay dapat maghanda ng 2 minutong talent na nagpapakita ng pagka-Pilipino at pagka-makabayan. Maaaring
gamiting basehan ang tema.
4. Gaganapin ang paligsahan ngayong ika-28 ng Agosto, alas 1 ng hapon.
5. Inaasahan ang pagdalo ng mga kalahok isang oras bago magsimula ang paligsahan para sa briefing sa ground area.
6. Inaasahan na ang bawat kalahok ay darating ng handa sa paligsahan.
7. Ang koponan na hindi makararating sa takdang oras ay hindi na maaaring lumahok sa paligsahan.

Pamantayan:
KRAYTERYA PUNTOS MARKA
Mensahe 50%
Orihinalidad 20%
Interpretasyon, pagkamalikhain at pagka- 20%
makabayan
Pagkakatanghal 10%
Kabuuan 100%

You might also like