Professional Documents
Culture Documents
ESP 7 - First Quarter Lesson Plan
ESP 7 - First Quarter Lesson Plan
Banghay Aralin
ESP 7
I.Paksa:
Mga Angkop na Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga/
Pagbibinata (Developmental Tasks)
II.Pangnilalaman
Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at
kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talento at kakayahan, hilig, at mga
tungkulin sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinat.
Matapos ang aralin na ito, inaasahang maipamamalas ng mga mag-aaral ang
mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
(C)natutukoy ang mga pagbabago sa sarili mula sa aspetong: Pakikipag-ugnayan
sa mga kasing-edad, papel sa lipunan bilang babae o lalaki, asal sa
pakikipagkapwa at sa lipunan, at kakayahang makagawa ng maingat na
pagpapasya;
(A) natatanggap ang mga pagbababagong nagaganap sa sarili sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata; at
(P) naisasagawa ang mga angkop na hakbang tungo sa paglinang ng apat na
inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata.
B.Diskusyon
1. Ipresenta at ipaliwanag ang mga mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa
panahon ng pagdadalaga/ pagbibinata (Developmental Tasks) gamit ang PowerPoint
presentation.
C. Paglinang (Grupo)
1. Hatiin ang klase sa apat na grupo. Sa isang cartolina, pupunan nila ang tsart katulang
ng sa ibaba. Sa hanay ng “Ako Ngayon”, isusulat ang mga pagbabagong itinala. Sa
hanay ng “Ako Noon”, itala naman ang mga katangian noong sila ay nasa gulang na
8 hanggang 11 taon.
2. Matapos ng gawain ay kanila itong ipepresenta sa harap ng klase.
D. Pagpapahalaga (Pagproproseso)
Paano mo ihahambing ang iyong sarili noon at sarili ngayon?
Naibigan mo ba ang mga pagbabago sa iyong sarili bilang nagdadalaga/nagbibinata?
Banghay Aralin
ESP 7
I.Paksa:
Pagtuklas at Pagkilala sa mga Talento
II.Pangnilalaman
Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at
kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talento at kakayahan, hilig, at mga
tungkulin sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinat.
Matapos ang aralin na ito, inaasahang maipamamalas ng mga mag-aaral ang
mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
(C) natutukoy ang kanyang mga talento, kakayahan gamit ang Multiple
Intelligences Survey Form ni Walter Mckenzie
(C) Natutukoy ang mga aspeto ng sarili kung saan kulang siya ng tiwala sa sarili
at nakikilala ang mga paraan kung paano lalampasan ang mga ito
(A) Napatutunayan na ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento at
kakayahan ay mahalaga sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na kung
pauunlarin ay makahuhubog ng sarili tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili,
paglampas sa mga kahinaan, pagtupad ng mga tungkulin, at paglilingkod sa
pamayanan
(P) Naisasagawa ang mga kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga talento at
kakayahan at paglampas sa mga kahinaa
III. Pamantayan sa pagganap
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang
inaasahang kakayahan at kilos1 (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata.