Radio Drama 2019

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

“OFW”

By: Al John C. Delos Reyes

Tauhan:
Nanay Marilyn Jeff
Melissa Boy 1 (Flight Attendant)
Andy Boy 2
Lolo Poncio Girl 1/Joan
Tanod

(LINE: 1) (Radio Opening Music)


(LINE: 2) Anchor: Magandang ____________, mga masugid na tagapakinig ng Radio
107.5 megahertz, isa nanaman sulat ng totoong buhay ang ating matutunghayan at
bibigayan ng kulay, sa programmang “Magpahanggang-Wakas” na pinamagatang
OFW hatid sa inyo ng Radio 107.5 megahertz. (Atin To!)
(LINE: 3) (Airplane Landing and Attention sound for the plane departure)

(LINE: 4) Boy 1 ( Flight Attendant): Good Evening PH-Travel Airlines passengers


we’ve finally reach our destination flight Saudi Arabia to Manila Philippines at exactly
6:45 in the evening, thank you! At maligayang pag dating! And to our OFW maligayang
pagbabalik!
(LINE: 5) (Vehicles and Night mode sounds)

(LINE: 6) Nanay Marilyn: Tao po? Andy? Tay Poncio? Tao po…
(LINE: 7) Tay Poncio: Sino ba yung nasa labas ng bahay apo? At bakit hindi mo
tignan?
(LINE: 8) Andy:Sige po lo, wait.
(LINE: 9) (Opens Door)
(LINE: 10) Andy: Nay? Naaaaaaaay!
(LINE: 11) Nanay Marilyn: Jusko ang bunso ko.
(LINE: 12) Andy: Nay! Buti at naka uwe na po kayo. Hali ka nay, pasok na po sa loob.
(LINE: 13) Nanay Marilyn: O sige pakitulungan ako ditto sa mga bagaheng dala ko.
(LINE: 14) Andy: Wow bonga! Andami nay ah! ---Loo!!! Andito na si Nanay fresh from
Saudi!
(LINE: 15) Lolo Poncio: Anak, mabuti at naka uwi ka na…
(LINE: 16) Nanay Marilyn: Mano ho tay, teka asan nga pala si Melissa? Bakit wala pa
siya at dis oras nang gabi?
(LINE: 17) (CLUB MUSIC)
(LINE: 18) Melissa: Sige! Cheers! Shot pa tayo! Sagot ko lahat ng to!
(LINE: 19) Boy 2: Iba talaga tong si Mel, sobrang galante. Yan ang gusto namin sayo
eh, yung nilalasing mo kami!
(LINE: 20) Girl 1: Oo naman! Ikaw ba naming may mama sa Saudi, diba mel?
(LINE: 21) Melissa: Tssssh! Anong mama?! Wala akong nanay! Hoy! Ano ba?! Shot
niyo na yan!
(LINE: 22) Melissa: (Nag-suka)
(LINE: 23) Girl 1: Ewww! Mel Tara na umuwe na tayo at lasing na lasing ka nanaman.
Hali na at bubuhatin nalang kita!
(LINE: 24) Melissa: Hindi… kay’aaah ko pa! Shot pa kasi tayo …
(LINE: 25) Girl 1: Ano ba hindi mo kaya ohh
(LINE: 26) Melissa: (Nag-suka)
(LINE: 27) Girl 1: Hoy! Umayos ka nga, Andiyan nanaman si Jeff, yung patay na patay
sayo since highschool.
(LINE: 28) Jeff: Joan long time no see mukang napainom yata kayo ah, buti nakita ko
kayo, at baka pareho pa kayong natumba.
(LINE: 29) Girl 1: Oy Jeff, Thank you ah! Bigat kasi nitong si mel eh!
(LINE: 30) Jeff: Haha! Hindi naman, sige ako nalang mag hahatid nito. Delikado at
pareho pa kayong lasing.
(LINE: 31) Girl 1: Sigurado ka? Iuwi mo yan! At baka san mo dalhin yan!
(LINE: 32) Jeff: Oo sige, ako nang bahala!
(LINE: 33) (Car Starts)
(LINE: 34) Jeff: Hi mel? Ayos lang ba? San nga pala yung sa inyo?
(LINE: 35) Melissa: Ano ba?! Ibaba mo nga ako! Kaya ko mag isa!
(LINE: 36) Jeff: Tumahimik ka nga! Hindi ka na nga makapag lakad ng maayos sa
lagay mong yan. Saan bang bahay niyo?
(LINE: 37) Melissa: St. Claire subdivision malapit lang diyan sa may BGC.
(LINE: 38) Jeff: O sige pahinga ka muna.
(LINE: 39) (Car sound)
(LINE: 40) Melissa: O diyan lang sa may black na gate!
(LINE: 41) (Car Engine Off)
(LINE: 42) Jeff: Oh! Teka lang? Bat parang nag mamadali ka? Ayaw mo ba munang
mag aliw dito sa loob?
(LINE: 43) (Suspense music)
(LINE: 44) Melissa: Ano? Anong pinag sasabi mo? Huwag mo nga akong hawakan!
(LINE: 45) Jeff: Nag mamatigas ka pa ah! Eh alam ko naman gusto mo rin to! Wag mo
na akong pahirapan pa Melissa!
(LINE: 46) Melissa: Oy ano ba! Bitawan mo ako, nasasaktan ako ano ba! Tulong!
Tulooooong!
(LINE: 47) Jeff: Walang makakarinig sayo kahit sumigaw ka pa Melissa!
(LINE: 48) Tanod: Hayy nako! Sabi ng bawal na mag park dito ah! Matignan nga yung
pulang SUV na yon! ---Oy parang may tao pang nakasakay?
(LINE: 49) Melissa: Manong Tulong! Tulongan mo ko manong!
(LINE: 50) Jeff: Nakakainis naman tanod na to!
(LINE: 51) (KNOCK WINDOW)
(LINE: 52) (Car door open)
(LINE: 53) Jeff: Oh boss! Magandang ga—
(LINE: 54) Melissa: Manong hulihin niyo po siya! Pinagtangkaan niya ho akong
gahasain!
(LINE: 55) Jeff: Hindi ho boss! Melissa ano ba?
(LINE: 56) Tanod: Aba sira ulo ka ah!! Halika dun ka sa barangay mag paliwanag!
(LINE: 57) Melissa: Maraming salamat ho manong!
(LINE: 58) (Open door)
(LINE: 59) Nanay Marilyn: Oh mel? Anong oras na ba’t ngayon ka lang dumating
anak? At bakit ka umiiyak?
(LINE: 60) Melissa: Aba?! Naka balik ka na pala? Di ka man lang nag sabi… para
naman naka pag paparty ako!
(LINE: 61) Nanay Marilyn: Melissa anak naman, ayoko ng tono ng pananalita mo
anak,
(LINE: 62) Melissa: Bakit nay? Anong gusto mong maramdaman ko? Maging masaya?
Ehh… ilang taon kang nawala nay? Sampung taon!!! Neh hindi mo nga kaming lumaki
si andy eh? Tapos ano ngayon babalik ka ng ganon ganon nalang?!
(LINE: 63) (SAMPAL)
(LINE: 64) Nanay Marilyn: Akala mo ba madali?Sa sampung taong pag hihirap ko,
akala mo ba hindi ko naisip na umuwi?! Pero pag ginagawa ko yun pare-pareho tayong
mamatay sa gutom!
(LINE: 65) Melissa: Mag simula ng nawala ang tatay! Parang nawalan na rin kami ng
ina…Dahil lumayo ka! Hindi mo alam ang nararandaman ko!
(LINE: 66) Nanay Marilyn: Bakit? Alam mo ba ang akin? Habang ikaw nag
papakasasa sa lahat ng luho mo dito, naisip mo ba kung ilang pagkain ang tiniis kong
hindi kanin trabahong pilit kong pinasok para mabigay ko lahat ng gusto niyo! Mabigyan
ko kayo ng magandang buhay!
(LINE: 67) Melissa: Hindi ko kailangan ng magandang buhay! Ang kailangan namin ay
isang ina! Ina na kasama namin kahit sobrang hirap na hirap na kami!!!
(LINE: 68) Nanay Marilyn: Hindi mo ako maintindihan ginawa ko yan dahil mahal ko
kayo!
(LINE: 69) (Door opens loud)
(LINE: 70) Jeff: Melissa… Asan ka na?! Pinahiya mo ako kanina!
(LINE: 71) Melissa:Jeff? Anong ginagawa mo ditto?! Bat may hawak kang baril?
(LINE: 72) (Gun reload)
(LINE: 73) Jeff: Bukod sa kahihiyan na binigay mo sakin kanina! Matagal na kitang
gustong maangkin! Halika ditto!
(LINE: 74) Melissa: Aray ano ba! Nasasaktan ako!
(LINE: 75) Nanay Marilyn: Hoy! Bitawan mo ang anak ko!
(LINE: 76) Andy: Nay?! Anong inga--- ahhhhh! Bitawan mo ang ate ko! Adik ka!
(LINE: 78) Lolo Poncio: iho! Parang awa mo na! maawa ka sa apo ko!
(LINE: 79) Jeff: Bibitawan ko lang siya kung papaya siya sa gusto ko!
(LINE: 80) Melissa: Ano ba! Bitawan mo ko! Akin na yang baril mo!
(LINE: 81) Nanay Marilyn: Melissa wag anak!
(LINE: 82) Andy: Ateeeee waaaaaaaag!
(LINE: 83) (Gunshot)
(LINE: 84) Melissa: Lo? Loooo!
(LINE: 85) Nanay Marilyn: Taaayyyyy!
(LINE: 86) Andy: Loloooo!
(LINE: 87) Melissa: Andy huminge ka ng tulong bilis!
(LINE: 88) Jeff: Hindi sana masasali yung matandang yan! Kung pumayag ka lang
sana sa gusto ko Melissa!
(LINE: 89) Melissa: Nababaliw ka! Pinatay mo ang lolo ko! Pinatay mo…
(LINE: 90) Nanay Marilyn: Walang hiya ka! Hindi ka na naawa sa matanda! Walang
hiya ka!!!
(LINE: 91) Melissa: Nay?! Wag naaay!
(LINE: 92) Nanay Marilyn: Akin na yang baril!! Bitawan mo yan!
(LINE: 93) Melissa: Jeff parang awa muna!
(LINE: 94) Jeff: baka ikaw ang isunod ko! Wag kang makipag agawan pa!
(LINE: 95) (Gunshot)
(LINE: 96) Melissa: Nay? Naaaaayyy!!
(LINE: 97) Jeff: aaahhh aggghhh!
(LINE: 98) Nanay Marilyn: (cry) Anak! Anaaak…
(LINE: 99) Melissa: naaay... Mabuti nalang at hindi kayo ang tinamaan
(LINE: 100) (Police siren 7 fast forward music)
Insert: Melody
(LINE: 101) Melissa: Lo? Alam mo ba na nakapag tapos na po ako sa kolehiyo, at
natanggap na din ho ako sa isang paaralan malapit lang satin, ga-graduate na rin ho si
andy sa kolehiyo, maraming salamat po lo sapag titiis at pag aaruga mo sa amin, sana
ay makapagpahinga na po kayo ng maayos lo.
(LINE: 102) Nanay Marilyn: Tay? Wag na po kayong mag-alala diyan. Basta’t mag
kakasama kami buong pamilya marunong mag patawad sa isa’t isa, walang pag subok
na hindi kayang lampasan, dahil pamilya lang ang pundasyon ng bawat tao.
(LINE: 103) (Radio Music)
(LINE 104) Anchor: Muli, isa nanaman maka-pintig dadamin na storyang ating
nasaksihan, mula kay Marilyn Ortiga ng Biliran na tiyak na kapupulutan ng aral ng
bawat pamilya. Hanggang sa susunod, muli ito ang “Magpahanggang-wakas” hatid sa
inyo ng Radio 107.5 Megahertz. (Atin To!)

(LINE: 105) (Music)

You might also like