Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

KABANATA II

Pamamaraan

Inilahad sa kabanatang ito ang kaparaanang ginawa sa paglikom ng mga datos

at ang mga proseso sa pagsusuri ng pananaliksik na ito. Nakapaloob din dito ang

disenyo ng pananaliksik, ang pook, ang mga respondente at isinagawang hakbang sa

paglikom ng mga mahahalagang impormasyon o datos upang mabigyan ng

karampatang interpretasyon ang mga nakalap na impormasyon.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang disenyo ng pag-aaral na ito ay sa pamamaraang kuwalitatibong pananaliksik

upang malaman ang positibo at negatibong epekto ng pagkahumaling sa panood ng

teleseryeng halik ng mga may karelasyon.

Mga Instrumento Pamamaraan


Uri ng ng Kalalabasan
Respondente sa Pagsusuri
Datos Pananalik- ng Pag-aaral
ng ng Datos
Pananaliksik sik

Malaman
Mga
ang negatibo
Opinyon
ng mga Pakikipanay at positibong
Mga may-
may am (Focus Thematic
asawa at epekto sa
karelasyo Group Analysis
kasintahan panonood ng
n ayon sa Discussion)
teleseryen telersyeng
g Halik Halik
Philosophical Assumptions
Etikal na Konsiderasyon
Isinaalang-alang ng mga mananaliksik ang personal na impormasyon ng bawat

respondente. Tiniyak na ang kanilang sagot na ibinigay ay mananatiling bahagi lamang

ng pag-aaral at hindi gagamitin sa iba pang paraan. Ayon kay Smith (2003), ang

pananaliksik ay may sinusunod na limang (5) etika . Una,bigyan ng kaukulang pagkilala

ang sinumang manunulat na pinagkunan ng impormasyon.Ikalawa,maging maingat sa

pagpili at pakikipag-ugnayan sa magiging respondente .Ikatlo, ang pakikilahok ng mga

respondent ay hindi pinilit at hindi labag sa kanilang kalooban at ito ay kanilang sinang-

ayunan.Ikaapat,kinakailangang panatilihin ang paggalang sa lihim na katauhan ng mga

respondente at panghuli,laging sundin ang mga etika para sa paggamit ng

impormasyon at pagsasagawa ng pananaliksik.

Samakatuwid, tapat at totoo lahat ang mga nakalahad na impormasyon at

walang pagbabagong ginawa ang mga mananaliksik dito.

Tungkulin ng Mananaliksik

Ang pagtiyak sa pagsunod ng mga gampanin sa pagsasagawa ng qualitative reaserach

at matinding pagsunod saa mga pamamaraang itinakda sa pag-aaral nito ang unang-

una tungkulin namin bilang mananaliksik .Tiiyak namin na ang bawat pangunahing

respondente ay nakapasa sa itinakdang batayan.Sa pagkalap namin ng mga

datos,sinisuragado naming magampanan ng mabuti ang pagiging

tagapagpanayam,tagasulat at tagasuri ng mga datos. Hinarap naming ang hamon sa

pagkalap ng mga datos sa wastong paraan gaya ng pagiging handa sa mga


pangunahing at pansuportang katanungan,upang makuha ng may katotohanna ang

bawat kasagutan mula sa mga impormante na aming kinapanayam.

At bilang tagapanayam,sinigurado naming makausap ang lahat ng mga pangunahing

impormante,hindi kami lumayo sa paksang tinalakay at wala kaming kinikilingang

kasagutan,lahat ng kanilang ibinigay na impormasyon ay aming pinakinggan at

tinaggap.Hinayaan naming makapagbahagi ang bawat respondente,gamit ang nais

nilang wika,upang makapagpahayag sila ng husto.Sa lahat ng panahon ay naging tapat

kami sa aming ipinangakong tungkulin,lalong-lalo na sa pagtatago ng pagkatao ng

bawat isa.Sinuri at ipinaliwanag ko ng walang pagbabago mula sa orihinal na pahayag

ng mga ito ang mga datos.Dahil dito,nakatulong sa amin bilang mga mananaliksik ang

mga tungkuling ito sa pagpapaunlad ng aming pag-aaral at pag-unawa sa mga

karanasan at saloobin ng mga impormante ukol sa isyung kinakaharap.

Pagsusuri ng Datos

Sa pagsusuri ng mga datos ng pag-aaral,ang mga mananaliksik ay gumamit ng

thematic analysis. Ang thematic analysis ay ginagamit upang suriin ang isang

kuwalitatibong impormasyon at makakuha ng kaalaman ukol sa isang

tao,grupo,pangyayari,organisasyon,at kultura.Ang pamamaraang ito ay may limang

hakbang na dapat sundin ( Komori, M. (n.d.)).

Kaugnay sa naunang pahayag,ang mga sumusunod ay ang mga prosesong isinagawa

ng mga mananaliksik sa pagsuri ng mga datos.Sa ginawang

pakikipagpanayam,nagkaroon ng harap-harapang tagpo ang mga impormante at ang

mga mananaliksik gamit ang mga katanungan.Sila ay malayang nakapaghagi ng


kanilang karanasan ukol sa paksa. Ang pakikipagpanayam sa mga respondente ay

umabot ng 1 oras at 40 minuto sa bawat isa.Matapos ang ginawang pakikipagpanayam

ay pinaalala ng mga mananaliksik na magkakaroon ng pangalawang tagpo para

matalakay ang mga resulta at matiyak na lahat ng nakasulat na mga direktang pahayag

at mga kahulugang ginawang transkripsyon ng pakikipagpanayam ay talagang mula sa

kanilang ibinahagi. Ang mga nakalap na datos ay sinuri ng mga mananaliksik habang

sinusunod ang thematic analysis.

Unang hakbang ay kinalap ang lahat ng impormasyon mula sa talatanungan,audio

recording,video at larawan. Kasunod nito ang mano-manong pagtala sa mga datos

gamit ang isang software program. Pangatlo,upang maiwasan na magkaroon ng

pagkikiling at maling pagpapakahulugan ng datos,kumuha ang mga mananaliksik ng

isang tagabalideyt at makailang beses din nila itong inulit-ulit na binasa at

tsinek.Ikaapat,mula sa tala,ang mga mananaliksik ay tumukoy ng mga tema at

kaugnay tema ayon sa isyu at bokabularyo na lumitaw mula sa naganap na talakayan

sa mga impormante.Panghuli,binigyang paglalarawan ng mga mananaliksik ang tema

at muli itong inilahad gamit ang ilang pahayag mula sa orihinal na teksto upang

maiparating ang angkop na kahulugan sa mga mambabasa.


Lokal ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isisasagawa sa Rehiyon ng Davao sa mga sumusunod na

barangay ( Mintal,Calinan,7-A,Matina,at Talaguton, Don Marcelino ). Ang Rehiyon ng

Davao ay may pinakamalawak na sa boung Pilipnas. Binubuo ito ng apat lalawigan ng

Davao del Sur, Davao Occidental,Davao Del Norte at Davao Oriental. Ang mga

pangunahing produkto na matatagpuan sa Rehiyon ng Davao ay ang

kopra,gulayan,malawak na taniman ng durian at iba pa.

Ang tinuturing na capital ng Rehiyon XI ay ang Davao City na matatagpuan sa dakong

timog ng Mindanao. Dahil sa pagiging progresibo ng lungsod naging kilala ito sa


Kaugnay na Literatura
Kaugnay na Pag-aaral

Ayon kay Nicholas Johnson (2000) ang telebisyon ay isa sa mga

pinakamakapangyarihang pwersa ng tao na kailanman ay hindi pinakawalan sa kanyang sarili.

Ang kalidad ng buhay ng tao ay maaaring nakadepende sa sobrang pagsusumikap upang

intindihin at kontrolin ang lakas na iyon. Inilalahad dito na ang mga mag-aaral ay higit na

maniniwala kapag sila ay may nakikita tulad sa telebisyon. Samakatuwid, mas lalong lumalawak

ang kanilang kaalaman at karunungan patungo sa pagkatuto ng isang mag-aaral.

Ayon sa pag-aaral ni Ediny (2010), parang kulang ang ating mga araw kung hindi natin

napanood ang paborito nating programa. Samakatuwid, ito na naging sandigan natin araw-araw

ang panonood ng mga teleserye dahil iba ang “impact” nito sa ating buhay. Posibleng maganda o

sakto lang pero depende pa rin sa mga taong nanonood ng mga teleserye

Ayon kay Mallari (2000), sa pagiging natatanging telebisyon, kumpara sa iba pang media

maliban sa mga pelikula ay ang paggamit ng parehong paningin at tunog sa paghatid ng mga

ideya sa mga tao. Bagama’t nilalayon nito lalo na sa mga nagbibigay-aliw, na malayong maabot

na ang mga epekto sa mga manonood at maaaring tingnan ng isang makapangyarihang

impluwensiya sa kanila. Samakatuwid, isang pagsang-ayon ang nabuo ng mga mananaliksik na

napupukaw lang ang kanilang kawilihan ngunit hindi nila nababatid ang epektong dulot ng

panonood ng mga palabas sa telebisyon.

Ayon kay Carillo (2014), tulad ng ibang mga dula ipinapalabas sa pelikula o teatro ang

mga sumusunod: mga pagkikita, nagkataon at maging ang pagsulpot ng isang tao upang

masiayos ang suliranin ng isang programa sa telebisyon. Samakatuwid, ito ay sangkap sa


pagggawa ng mga palabas o programang katulad ng teleserye upang mas lalaong mapaganda ang

takbo o daloy ng kwento at mabigyan pa ng satisfaction ang mga manonood na tumatangkilik sa

mga teleserye o iba pang programa sa telebisyon

Isinaad ni Kate Bowles (2000), na karaniwang ipinapakita sa mga soap opera ang mga

sitwasyon ng pampamilya, mga tunggaliang moral at emosyunal at mga saklaw ng mga isyu sa

ating kapaligiran. Samakatuwid, nagiging “aware” tayo sa mga nangyayari sa loob at labas ng

ating bansa; at maging sa ating pamilya o sa kapaligiran o sa lipunang ating ginagalawan.

Nagiging mapag-usisa at mapagmatyag sa mga nangyayari sa ating lugar o maging sa ating mga

sarili. Ayon naman kay Michael Richards (2000), maging ang mga malalaking istasyon ay

nagkakaroon din ng mga kani-kanilng isyu dahil sa mga inaangkat ng mga teleserye.

Samakatuwid, nakadepende sa mga teleserye ang pagtaas at pababa ng mga ratings ng mga

istasyon.

Ayon kay Heyman (2001), ang Philippine Drama o mas kilala bilang teleserye o

teledrama, ay maaaring i-uri sa iba’t ibang anyo at genre. Ang teleserye/teledrama ay isang uri na

napapanood sa telebisyon na karaniwang hindi makatotohanan o walang pawang pruweba na

masasabing ito ay totoo. Samakatuwid, ito ay nagbibigay ng iba’t ibang konklusyon sa mga

manonood sa telebisyon. Depende sa mga taong nanonood.

Sinabi naman ni Gebner (2005), sa kanyang teoryang “Cultivation Theory” ito ang pekto

ng media, particular na ang telebisyon, sa pag-uugali at opinyon ng mga manonood nito.

Samakatuwid, mas malaki ang impluwensya ng panonood ng mga teleserye sa atin sapagkat ito

ay nagsisilbing gabay tungo sa magandang pagkahubog ng bawat isa sa atin; sa ating pag-uugali,

kilos at gawa natin sa ating sarili at maging sa ating mga kapwa.


Samantalang sinabi ni Miller (2005), nagsabi na mula sa ating pagsilang ang Telebisyon

na ang maghuhulma ng ating predisposisyon at mga gusto nating makuha sa buhay.

Samakatuwid, iba talaga ang nagagawa ng panonood ng mga teleserye sa telebisyon sa ating

buhay dahil ito mismo ang kokontrol sa atin at magbibigay ng pag-asa sa mga bagay-bagay na

gusto nating makamit sa buhay.

Ayon naman kay Dayo (2006), na nagbigay ng pakahulugan sa Multiple Intelligence.

May dalawang makabagong paraan sa sikolohiya: una, tumutukoy sa prosesong pangkaisipan

gaya ng pagsusuri, paglalagom, pagpapahalaga at ikalawa, ay ang matalinong gawain. Ang pag-

iisip mismo ang magmamanipula kung ano ang dapat at hindi dapat gawin. Samakatuwid, ang

pagpapalawig ng kaisipan ay hindi lang nag-iisip kundi gumagana din ang pagkilos upang

matugunan ang isang suliranin o kung epektibo ba ang solusyon na naisip.

Ayon kay Owlie (2007) sa kahit anong kultura, entertainment ang pinaka-

maimpluwensyang pwersa ng telebisyon sa ngayon, mayroon itong mga katangiang pang-

edukasyon. Marahil kaunti pa lamang ang naimprenta para sa pang-edukasyon na istasyon ng

telebisyon maaaring magsagawa ng maraming pagkakaiba sa mga karunungang bumasa't

sumulat ng mga Pilipino. Samakatuwid, bago palang ang panonood mas magandang bigyang

halaga ito upang mapaliwanag at makasunod sa pagbasa’t pagsulat. Dahil inaangkop o inaangkla

ang mga ipinapalabas sa telebisyon.


Kaugnay na Pag-aaral

Sa pag-aaral nina Canlas et al (1999), ang iba’t ibang telebisyon ay may iba’t ibang

epekto sa moralidad ng isa o higit pang manonood. Ang moralidad ay patnubay ng pag-uugali o

sistema ng mga pagbibigay gabay o paalala tungkol sa tama at maling pagkilos bilang simboyo

ng damdamin, pagnanais, karakter na kinaugalian, at iba pang mga bagay na tumutukoy sa

tamang pagkilos ng isang mag-aaral o ng isang tao. Samakatuwid, sa pag-aaral na ito ay

nagbibigay ng mga kalinawan ukol sa tamang asal na nakadepende sa mga manonood kung

paano gamitin ng tama at maiwasan ang mga maling desisyon o mga maling pag-uugaling na

hindi akma sa hinihingi ng mga sitwasyong kinakaharap o haharapin.

Ayon sa pag-aaral ni Ramos et al. “The Use of Educational Television in tTeaching

Historyof the Philippines” (2011), sa panonood ng telebisyon ay naging isang pagkagumon at

hindi katulad ng alak, pinapayagan ang telebisyon ang mga kalahok na walang bahid sa tunay na

mundo at ipasok ang kaaya-ayang at maluwag sa estado ng buhay. Ang pag-aalala at pagkabalisa

ay epekto ng paghigop sa mga programa sa telebisyon. Samakatuwid, sa bawat programang

ipinapalabas sa telebisyon ay nag-iiwan ng pitak o kintal sa mga manonood kaya mas inuuna ng

mga manonood ang panonood sa telebisyon.

Ayon sa pag-aaral ni ni Ramos et al. “The Use of Educational Television in tTeaching

Historyof the Philippines” (2011) ang nagbanggit na ang telebisyon ay hindi sumasailalim sa

ating lipunan pati na ang mga produser ng programa ay idedeklara din. Ngunit madalas ang tema

ay hindi relihiyoso, pagka immoral, at pananaw sa buhay. Samakatuwid, nahuhumaling ang mga

kabataan sa panonood dahil sa mga temang ipinapalabas sa telebisyon.


Ayon sa ginawang pag-aaral ni Alonzo et al. (2000), ang naturang pagpapahalaga ay

nakakakimpluwensiya sa pakikisalamuha upang maunawaan ang pagbibigay ng katotohanan na

siyang magiging panuntunan sa pag-uugali at paniniwala ng mga tao. Samakatuwid, iminumulat

tayo ng mga gumaganap sa mga teleserye sa totoong nangyayari sa ating bansa. Nagiging aktibo

tayong mamamayan sapagkat, nakikita at nalalaman natin ang mga pinagmumulan ng mga

nangyayaring hindi maganda sa ating lipunan at nagkakaroon ng mga aksyon at mga

pagbabagong nagaganap sa ating bansa sa pamamagitan ng panonood ng mga balita o sa mga

pahayagang inilalathala. “Television Program Preferences and Viewing Habits Related to their

level of Aggression Academic”

Ayon sa pag-aaral ni Bowles (2000), ang panonood ay higit na mapagkukunan, aliwan at

nakapagbibigay kaligayahan sa mga manonood lalo na kung sila ay may problema sa buhay.

Nagkakaroon din ng sariling pakahulugan o pgkakakilanlan sa mga pinapanood na mga drama.

Sa pamamagitan ng panonood ay nakapagbibigay ng sariling opinion, pananaw ukol sa mga

karanasan sa buhay. Samakatuwid, ito ay may malayang pakikipag-ugnayan ng mga manonood

sa mga tagapanood na maiparating ang mga mensahe o magiging komentaryo sa panonood ng

mga telserye o drama.

Ayon naman sa pag-aaral ni Angeles, A.Z et al (2011), ang telebisyon ang may malaking

kakakayahan upang matulungan ang pangkabuhayan, panlipunan at pang edukasyon sa

pamamagitan ng mga programang ipinapalabas sa telebisyon. Kailangan angkop at epektibo ang

sistema ng mga programa para maktulong sa mga tradisyunal na saloobin ng mga tao sa siyudad

upang makakuha ng mga kasanayan para sa kanilang pag-unlad. Samakatuwid, nahuhubog o

umuunlad ang industriya sa pamamagitan ng mga programang pinapalabas sa telebisyon. Soap-

opera of barangay Dila-dila male residents: A Correlations Study).


Ayon sa pag-aaral ni Angeles, A.Z. et al (2014), “Minsan ay ginagaya natin kung ano

ang nakikita, habang ang iba ay tinatanggihan natin, depende kung tatanggapin ang mga

impormasyon at mga pagsasalarawan sa atin”. Ipinahahayag nito ang mga gabay ng Mas Media

sa pagtataguyod, pagpapahaba o pagbibigay kahulugan upang aprobahan at mahikayat na

palakasin o palitan ang pamamaraan ng pagpapahalaga. Samakatuwid, sa kanyang pag-aaral

nagreresulta ito sa mga kabataan kung ano ang nais nilang panoorin o nalalaman nila kung ano

ang dapat at hindi dapat na gawin upang maiwasan ang pagkakamaling ipinapalabas ng mga

istasyon ng telebisyon. . (Demographic profile, viewing frequency and motivations in viewing

soap-opera of barangay Dila-dila male residents: A Correlations Study).

You might also like