Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: James Marco S.

Alejandro Seksiyon: 11-ICT A (pm)

Akademikong sulatin

ABSTRACK
 Ang abstrak ay isang maikling buod ng artikulo, ulat at pag –
aaral na inilalagay bago ang introduksiyon. Ito ang siksik na
bersiyon ng mismong papel.

BIONETE
 Maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa isang
awtor na maaaring makita sa likuran ng pabalat ng libro, at
kadalasa’y may kasamang litrato ng awtor.

TALUMPATI
 Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang
tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa
entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin nitong
humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o
impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito
ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang
paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

REPLEKTIBONG SANAYSAY
 Ang Replektibong Sanaysay ay angangailangan ng sariling
perspektibo, opinyon, at pananaliksik sa paksa. Isa itong
masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling
pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari.
POSISYONG PAPEL
 Ang balangkas ng isang posisyong papel ay mula sa
pinakapayak tulad ng isang liham sa patnugot hanggang sa
pinakamagusot tulad ng isang akademikong posisyong papel.
Ginagamit rin ng malalaking organisasyon ang mga
posisyong papel upang isapubliko ang kanilang mga opisyal
na pananaw at ng kanilang mga mungkahi.

LAKBAY SANAYSAY
 Ang lakbay sanaysay ay hindi lamang isang uri ng pagsusulat
kung saan isinasaad ang uri ng pamumuhay o kultura ng mga
tao sa isang lugar. Ito rin ay maaring isulat ng manunulat sa
pamamagitan ng pagpunta mismo sa lugar na syang paksa at
mula doon ay kanyang ibabahagi sa mga mambabasa ang
kanyang mga karanasan, natutunang aral at emosyon
habang sya ay nasa lugar na iyon at habang sya ay
nakikisalamuha sa mga tao doon.

PHOTO ESSAY
 Hindi limitado ang paksa
 Maaaring serye ng imahen
 Maaaring patungkol sa isan tao o sa mga kakaibang pangyayari
 Naiiba dahil larawan ang ginagamit sa pagsasalaysay

You might also like