Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sa bahaging ito makikita ang mga resulta kung ano ang mga teoryang

pampanitikang nakaangkla sa akda ni Mike Portes na pinamagatang Minsan may isang


puta. Dito matutunghayan kung paano sinusuri ng manunuri ang nasabing akda.

Minsan may isang puta


ni: Mike Portes

UNANG TALATA
Tingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw
ako nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila, ako daw ang
pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Di ko
alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan
ko.

Nakaangkla sa unang talata ang Teoryang Arkitaypal na ang layunin ng panitikan

ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo.

Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na

alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga

simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo

ay naaayon sa tema at konseptong ipinakilala ng may akda sa mga mambabasa.

Nakaangkla ang teoryang ito sa kadahilanang gumamit ang may akda ng simbolo na

siyang makapagbibigay ng konsepto at tema sa mga mambabasa gaya na lamang ng

linyang ito “puta daw ako”, ang salitang puta ang ginamit na simbolo sa nasabing talata.

Dagdag pa nito, hindi rin basta-basta masusuri ang talata dahil kinakailangan munang

alamin ang kabuuang akda nang sa ganoon ay maunawaan ang nais ipahiwatig ng may

akda.
IKALAWANG TALATA

Tara, making ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo. Alam m, maraming lumapit
sa akin. Nagkagusto at naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo, virgin eh. Tinanggap ko
naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Hindi ko maintindihan ang mga
nangyari sa akin. Bukas palad ko naman silang pinakitunguhan, ni hindi ko nga
itinuring na iba. Iniisip ko na nga lang na kasi di sila taga rito kaya siguro talagang
ganoon. Tatlong malilibog na foreigners ang nagpyesta sa katawan ko. Sabi nila na
rape daw ako.

You might also like